You are on page 1of 1

ANG LUGAR SA HABANG PANAHON

Isang dapit hapon sa araw ng Biyernes, may isang lalake ang nakatayo sa tapat
ng simbahan at tila malalim ang iniisip. Di anu-ano’y may isang babae ang
bumunggo sa kanya, sa lakas ng pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa
sahig. Agad namang tumayo ang lalake at itinayo niya ang babae. Nang
makatayo ang babae ay agad naman itong humingi ng tawad sa lalake. Ngunit
walang reaksyon ang lalake ka“Ako nga pala si Audrey. Ah… Alam mo kasi
nagmamadali ako ngayon e. Pero may masakit ba sayo o kung ano man?”

“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang kanyang
mukha.

“Sigurado ka? Pasensya na ha!? Di ko talaga sinasadya,” wika ni Audrey na


halatang nag-aalala. Tumango lang ang lalake pero wala pa ring reaksyon ang
mukha. Paalis na si Audrey ng maalala niya na di pa pala niya naitanong ang
pangalan ng lalakae.

“Ah! Ano nga palang pangalan mo?” napakunot ang noo ng lalake.

“Ako nga pala si Terrence,” wika nito pero halata mo na nagtataka ito. Ngumiti
si Audrey at tuluyan ng nagpaalam kay Terrence.

Araw ng lunes nagmamadali si Audrey pumasok sa eskwelahan. Nang


makapasok na siya ay agad siyang pumunta sa silid aklatan. Nang makarating
siya doon may nakita siyang pamilyar na tao. Nilapitan niya ito at tinitigan ng
mabuti at naalala niya na si Terrence yon. Gusto niya sanang kausapin ngunit
nabatid niya na marami itong ginagawa kaya di na lang niya ito inabala.
Umupo si Audrey sa kalapit ng nagbabantay ng silid aklatan.

You might also like