You are on page 1of 3

Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o kasalukuyang ginagamit

lamang ng mga tao sa kanto at bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang
salita ng taon batay sa kung papaano ito lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

1. “Sheesh” – ito ay isang salita na hinango o nagmula sa isang salita na iniba ang
pagkakabigkas, ang salitang pinaghanguan nito ay “jeez,” at “jesus.” Ginagamit ang
salita na ito na reaksyon sa isang bagay na nakakagulat o nakakamangha. Madalas
itong gamitin ng mga kabataang Pilipino, lalo na ang mga kabataang mahilig
gumamit ng tiktok dahil doon ito nagmula.

2. “Peyn, Pighati” – ito ay mga salitang ginagamit upang ipabatid kung ikaw ay
napahiya o nasaktan dahil sa isang biro o salita. Madalas itong ginagamit ng mga
kabataang Pilipino lalo na’t kapag sila’y nagpapakita ng pagkabigla sa isang
pangyayari.

3. “Awit" - isang salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon upang ipabatid ang
kanilang pagkabigo o pagkatalo sa isang laro. Pinaikling salita rin ito ng "aww" at
"sakit" na ngayo'y ginagamit upang iparating kung mayroon kang hindi nagawang
tama "awit naman."

4. "Omsim" - ito ay isang uri ng salita na ginagamit ng mga milenyal upang


sang-ayunan ang isang usapin o pangyayari. Ito rin ay salitang "mismo" na binaliktad
at ginagamit na ngayon ng mga kabataang Pilipino.

5. "Sana all" - ito ay mga salitang ingles at filipino na pinagsama upang ipabatid ang
iyong pag-asang mangyari sa iyo ang isa o dalawang bagay na nangyari sa iyong
kapwa.

Panuto: Panuorin ang epikseryeng AMAYA na binagbidahan ni Marian Rivera Dantes sa


episodyo 1 hanggang 5 at isagawa ang mga sumusunod na gawain:

1. Magtala ng dalawampu (20) na katutubong salita na ginamit sa mga dayalogo sa loob ng


epikserye.
Aba Mangangayaw
Baba Napaslang
Bana Tagna
Banwa Matabil
Babaylan Rajah
Datu Uripon
Gapi/Magapi Samyon
Iloy Sasamuhin
Kampilan Tinuran
Kaulayaw Timawa
Kikitil Yaong

2. Bigyang kahulugan at ilahag ang katumbas na tagalong na salita ng mga datutubong


salita na iyong itinala batay sa konteksto ng tagpo kung saan ito ginamit sa loob ng
epikseryeng Amaya.

Aba - Panginoon/Diyos Mabaw - Anak sa labas

Baba - Ama/Tatay Mangangayaw - mamumugot ulo

Bana - Asawa Matabil - Matalas

Banwa - Tribo Napaslang - Napatay

Babaylan - Manggagamot Rajah - Isang titulo na katumbas ay pang-hari


o pinuno

Datu - Pinuno ng isang tribo Samyo - Mahalimuyak/Mabango

Gapi/Nagapi - Pagkatalo/Napasuko Sasamuhin - Sasabihin

Iloy - Ina/Nanay Tagna - Hula

Kampilan - Sandata Tinuran - Binigkas

Kaulayaw - Kalaguyo Uripon - Isang alipin

Kitil - Pagpatay Yaong - Iyon

3. Gamitin sa pangungusap ang mga katutubong salita na iyong nailahad mula sa episodyo
ng Amaya na iyong pinanuod.

1. Kahit saan man ako magpunta alam kong nakagabay sa akin si Aba.
2. Palagi kong inaalala ang mga payo ng aking Baba.
3. Balang araw, gusto kong magkaroon ng Bana at pamilya.
4. Karamihan sa mga banwa ngayon ay sikat dahil sa mayamang kultura na kanilang
ipinamamalas sa mga tao.
5. Ang mga babaylan ay isa sa pinakamahalagang tao sa loob ng isang tribo.
6. Ang pumaslang sa dayuhang si Ferdinand Magellan ay Datu na nagngangalang
Lapu-Lapu.
7. Nagapi namin ang aming mga kalaban sa unang yugto ng patimpalak sa aming barangay.
8. Palagi kong niyayakap ang aking iloy sapagkat gusto kong iparamdam ang aking
pagmamahal sa kaniya.
9. Handa akong gumamit ng dahas at ilabas ang aking kampilan alang-alang sa aking
pamilya.
10. Sa panahon ngayon, mali ang magkaroon ng kaulayaw dahil maling pumatol sa sino
mang may asawa na.
11. Si Mayor Gomez ay nagkaroon ng mabaw sa kanyang dating kaulayaw ayon sa mga
sabi-sabi.
12. Katakot takot ang mga mangangayaw.
13. Matabil ang dila ng aking kaibigan, kung kaya't maraming nagagalit sa kanya.
14. Marami nang napaslang na Ama, Ina, Anak, at marami pang iba sa giyerang nagaganap
sa Russia.
15. Marami nang sumubok talunin si Rajah Mangubat, subalit lahat sila'y nabigo.
16. Amoy ko na agad mula sa malayo ang samyo ng pabangong gamit ng kapatid ko.
17. Kapag ako ay nakita nanaman ng aking Ina na naglalaro ng aking cellphone ay sasamuhin
na naman niya "Puro ka na lang cellphone."
18. Tagna ko ay uulan mamayang hapon.
19. Hindi ko maintindihan ang tinuran ng aking guro dahil sa ingay ng mga dumadaang
motorsiklo sa kalsada.
20. Kadalasang ginagawang uripon ang mga taong nabibihag ng mga mananakop noong
unang panahon.

4. Gumawa ng maikling pagpapaliwanag sa pinagmulang panguhing wika sa Pilipinas


nabibilang ang mga katutubong wika na iyong inilahad.

Ang mga katutubong salita at wika na aking inilahad sa ibabaw ay nagmula sa


teleserye ng GMA na pinagbibidahan ni Marian Rivera at iba pang mga sikat na aktor. Ito ay
pinamagatang Amaya na may isang daan, anim na pu't limang episodyo (165 episodes). Ang wika
namang ginamit dito ay tinawag na wikang austronesyo. Isa itong pamilyang wika na malayang kumalat
sa kapuluan ng Timog Silangang Asya at ng Pasipiko. Nagmula ito sa lating auster (hangin mula sa
timog), at ng Griyegong nêsos (pulo). Ito ay pinangalanan bilang isa sa mga pangmadlang wika sapatkat
ang wikang austronesyo ay ginagamit ng maraming kapuluan. Subalit, may mga wika tulad ng Malay at
wikang Tsamiko na isang katutubo sa mismong kontinente ng Asya.

You might also like