You are on page 1of 5

GAWAIN 2.

1 PAGPAPALIWANAG
Ang pagtatalumpati ay kaiba sa ginagawa nating pagsasalita sa araw-araw kung
saan sinasabi natin ang gusto nating sabihin nang walang pinatutungkulan o
binibigyang-diing paksa.

Sa ladder organizer sa ibaba ay ipaliwanag kung paano napagtibay ang iyong


kaalaman sa pagsulat ng talumpati sa pagsunod sa mga hakbang na isinulat at sa
mga talumpating binasa o napakinggan sa araling ito.

Una, sa tuwing sumusulat ako ng talumpati, nagiging madali lang ito kapag
ako'y nagbabasa kung papaano ito simulan ng magagandang salita at kung
ano-ano ang mga dapat inerikomendang mga paksa o ano ba ang nais
iparating ko mga sa tao. Bakit gusto ng mga tao ang paksang ito, gaano
kahalaga sa inyo ang paksang ito at isulat ang mga naiisip na paksa para
piliin kung alin sa mga ito ang nais ipahayag sa harapan ng mga tao.

Pangalawa, sinusuri kong mabuti pamagat pagkatapos na


isulat ang talumpati. Inaalala ko ang mga naging
karanasan at mga istoryang narining ko mula sa ibang tao.

Pangatlo, nagpagtibay ko ang aking mga kaalaman


patungkol sa mga salitang malalalim at sa tuwing
nagtutulumpati ako harap ng mga maraming tao, malinaw
ang pagkakabigkas at sinisikap ko na intindihin ang mga
nais ipahayag.

PAGHAHAMBING SA MGA URI NG TALUMPATI


Panuto: Paghambingin ang mga uri ng talumpati ayon sa kanilang mga katangian
Biglaang Talumpati Manuskrito
Ibinibigay nang biglaan o walang Ginagamit sa mga kumbensiyon,
paghahanda. Kaagad ibinibigay ang seminar, o programa sa pagsasaliksik
paksa sa oras ng pagsasalita. kaya pinag-aaralan itong mabuti at
dapat na nakasulat.

Uri ng Talumpati
Ayon sa Kanilang
Mga Katangian

Isinaulong Talumpati Maluwag Na Talumpati


Mahusay ding pinag-aaralan at Nagbibigay ng ilang minuto para sa
hinabi nang maayos bago bigkasin pagbuo ng ipapahayag na kaisipan
sa harap ng mga tagapakinig batay sa paksang ibinibigay bago ito
sapagkat hindi binabasa ang ipahayag. Kaya madalas outline
ginawang manuskrito kundi lamang ang isinusulat ng
sinasaulo at binibigkas ng mananalumpating gumagamit
tagapagsalita. nito.

Pagpapahalaga Sa Larawan
Panuto: Gumawa ng talumpati batay sa larawang makikita sa ibaba. Isulat ito sa
nakalaang espasyo.
Magandang umaga sa lahat ng mga tagapakinig. Ako si Edwin C. Peralta III.

Sa gitna ng mga nararanasan nating hamon, nakaaantig ng puso na makita


ang kabayanihan ng mga frontliner sa pagsugpo sa COVID-19 at pagtulong sa
kapwa nating Pilipino. Ngunit, hindi kakayanin ng medical community at ng
gobyerno ang laban na ‘to kung walang tulong at kooperasyon mula sa
mamamayang Pilipino. Kailangan din ang disiplina at pakikiisa upang makahon
mula sa hirap, gayundin para makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay.

Kaya naman, ‘wag hayaang maimpluwensiyahan ng pulitika ang misyon


nating malampasan ang pandemya. Tulad ng palagi nating sinasabi, hindi ito ang
panahon para sa sisihan at siraan. Panahon ito ng pagtutulungan, pagmamalasakit
at bayanihan— bakuna muna bago pulitika. Labanan natin ang pandemya, hindi
ang isa’t isa! Hindi rin tayo maaaring magpakakumpiyansa, lalo na at may mga
nadidiskubreng bago at mas delikadong variants ng COVID-19. Kaya importante
ang ating mabilis na aksiyon upang rumesponde sa mga bagong banta ng
pandemyang ito.

Ngayong may kumpirmadong kaso na ng Delta variant sa bansa, muli


tayong nananawagan sa mga awtoridad na magsagawa ng mga bagong hakbang
upang mas lalong pagtibayin ang health protocols at mapalakas ang healthcare
system. Huwag nating hayaang may makalusot sa atin at lalong kumalat ang
COVID-19.

Maraming buhay ang naapektuhan ng lumalaganap na pandemya sa loob


at labas ng Pilipinas. Ilan sa ating mga kababayan ay nawalan ng mahal sa buhay,
nawalan ng hanapbuhay. Sa mga ganitong pagkakataon, umuusbong ang
pagkakataon nating makatulong sa kapwa. Ngayon higit kailanman
nangangailangan ang mga mahihirap na walang kakayahang suportahan ang sarili.

Ang mga matatandang hindi maaaring lumabas, mga taong natanggal sa


trabaho at maging ang mga pulubi sa kalsada ay pare-parehong may karapatang
mabuhay gaya ng lahat. Subalit, dahil sa pandemya, marami sa kanila ang
kinakailangang magtiis ng gutom. Para sa mga taong may kakayahang matugunan
ang mga ganitong problema, sana ay magawa nating makatulong sa ating kapwa.
Ang simpleng mga gawain ay nakapagbibigay pag-asa at ngiti sa ating kapwa.
Magtulungan tayo. Maraming salamat.

You might also like