You are on page 1of 2

PANALANGIN PARA SA TAON NG EUKARISTIYA

AT NG MAHAL NA BIRHEN
2004-2005

Panginoong Jesukristo,
ang taon ng biyayang ito ay kaloob mo sa amin.
Itinatalaga namin ang taong ito para sa Eukaristiya
at sa Mahal na Birhen, aming Ina.
Higit naming kinakailangang maranasan bilang isang bayan
ang nakapagbabagong kapangyarihan ng Eukaristiya
at ang mapagmahal na pagkalinga ng Mahal na Birhen, aming Ina.
Sapagkat kami’y isang bayan batbat ng sugat,
sugat dulot ng hidwaan ng politika at
tunggalian ng ibat-ibang tribo,
sugat dulot ng hidwaan ng di makatarungang
lipunan at ekonomiya,
sugat dulot ng katiwalian at pagkasira ng moralidad.
Panginoong Jesukristo,
sa tuwing aming ipinagdiriwang ang Eukaristiya
ay aming ginugunita ang dakilang pag-ibig mo sa amin.
Sa Eukaristiya nawa ay maging isang bayan kami
na sama-samang kumikilos upang sa bawat tahanan,
barangay, at pamayanan, ang lahat ay makapamuhay
sa kapayapaan, pagkakaisa at pagbabago.
Tulungan nawa kami ng panalangin ni Maria, aming Ina,
sa paglalakbay namin sa taon ng biyayang ito,
tungo sa isang pambansang paghihilom at pagpapatawad.

Panginoong Jesukristo,
naniniwala kami sa nakapagpapa-bagong kapangyarihan
ng Eukaristiya at nagtitiwala kami sa pagkakandili
puno ng pag-ibig ni Maria, aming Ina.
Sa inyong kagandahang-loob ay ipagkakaloob po ninyo ito
sa amin na buong pananampalataya, pag-asa
at pag-ibig naming hinihiling sa Inyo. Amen

Birhen ng Guadalupe, ipanalangin mo kami.


San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
Na sa lahat ang Diyos ay dakilain.
NATIONAL LAUNCHING OF THE
EUCHARISTIC AND MARIAN YEAR

Lord Jesus Christ,


We celebrate a year of Grace,
A year we dedicate to the Holy Eucharist
And to the Blessed Virgin Mary, your Mother.
We need to experience as a nation
The transforming power of the Eucharist
And the loving care of Mary, our Mother.
For we are a wounded people,
Wounded by political conflicts and tribal wars,
Wounded by unjust socio-economic divisions,
Wounded by corruption and moral degeneration.

Lord Jesus Christ,


As often as we celebrate the Holy Eucharist,
We remember how much you love us.
Let the Eucharist help us to work together as a people
So that in every home, barangay, town, and city
All may live in culture of peace, unity, and renewal.
May the prayer of Mary, our Mother, accompany us
As we journey together in this year of Grace
Toward national healing and reconciliation.

Lord Jesus Christ,


We believe in the transforming power of the Eucharist
And we trust in the loving care of Mary, our Mother.
Grant then in your tender mercy what we ask for
In faith, hope and love, Amen.

Our Lady of Guadalupe, pray for us.


St. Lorenzo Ruiz, pray for us.
That in all things God may be glorified.

You might also like