You are on page 1of 1

Ayon sa aking opinyon batay sa katangian ng panitikan at ang panganib ng pagsasalin

mayroong dalawang posibleng resulta at sa aking opinyon ay hindi ito maisasakatuparan ng


lubos, bakit? Sinasabing ang panitikan ay nagpapalagay ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon, at bukas ng isang bansa.
Ilang taon na ang nag daan at ang katangian ng panitikan ay patuloy na nagbabago at
nadadagdagan. Hindi natin kayang pigilan ang pagbabagong hatid ng panahon ito man ay
maging positibo o negatibo dulot ng mga nagdaan at dadaan pang henerasyon. Sa inyong palagay
ang pagbabagong hatid ng panahon ay hindi makakaapekto sa lubos na pagpapatupad ng Rizal
law?
Sa kabilang banda ang pagsasalin naman ay nangangahulugang paglipat ng wika sa
tinutudlang wika at ang Republic Act 1425 o mas kilala bilang Rizal Law ay naipasa noong ika-
12 ng Hunyo 1956. Ito ay itinaguyod nina Enrador Claro M. recto. Agosto 16, 1956, noong
naipanukala kaagad ito bilang tugon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa pangunguna ng
tagapangulo na si Senador Jose P. Laurel Sr. Bago maisabatas ay napakaraming pinagdaanan ng
panukalang ito. Naroon ang mariing pagtutol ng simbahang Katolika at mga senador na malapit
ang loob sa nasabing simbahan. Ang batas na ito ay nilagdaan ni dating Pangulong Ramon
Magsaysay. Ito ay naglayon na maisama sa aralin mga pribado and pampublikong paaralan sa
kolehiyo ang kwento ng buhay at mga gawa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Mula noong maisabatas ay naging mandatory ang pagtuturo ng mga araling ito.
Layunin ng Batas Rizal na maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral na sa mga akdang
isinulat ni Rizal nagmula ang simulain ng kalayaan at nasyonalismo. Layunin din nitong
maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay
mga naging dahilan ng kamatayan ni Rizal. Ninanais din nitong mailahad nang maayos ang mga
katangian, kaasalan, kakayahan at pagkatao ni Rizal gayun din ang kanyang kaisipan at mga
ideya nang sa gayon ay malinang ang kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong
gawain at pagkamabuting mamamayan ng mga kabataan. Si Dr. Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo y Realonda o mas tanyag sa tawag na Dr. Jose Rizal na kinikilalang pambansang bayani
ng bansang Pilipinas sa panahong kasalukuyan.

You might also like