You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.) Nauunawaan at naiipaliwanag ang talumpati at mga layunin nito;
2.) Nabibigyang halaga ang mga hakbang sa mahusay na pagtatalumpati; at
3.) Nakasusulat ng isang talumpati na may kaugnayan sa paksang Edukasyon
Tungo sa Pag-unlad ng Bayan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Ang Talumpati
b. May akda: Lakandupil C. Garcia
c. Pahina: Komunikasyon sa Akademikong Filipino p. 164-170
d. Mga Kagamitan: Laptop, projector at speaker

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Aktibiti
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik-aral
6. Motibasyon o Pangganyak

4 na larawan 1 salita

Apat na larawan isang salita .Magpapakita ang guro ng 4 na larawan


nanagpapakita ng larawan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, mikropono,
entablado at mga awdyens. Magtatanonng ang guro sa kanyang mga mag-aaral
kung ano ba ang kanilang nakikita sa mga larawan at kung ano ang isang salitang
mabubuo sa apat na larawan na iyon na may kaugnayan sa kanilang tatalakayin.
Ang mga larawang ito ang magbubukas sa kanilang talakayan tunngkol sa paksang
“Ang talumpati”. Ang larawan ng ating pangulo ay sumisimbolo sa kanyang
pagtatalumpati kaugnay rito ang mikropono na kanyang ginagamit upang lubusang
marinig ang kanyang talumpati, samantalang ang entablado naman ay sumisimbolo
sa lugar na pinangyayarihan ng pagtatalumpati at ang awdyens naman ay
naglalarawan sa mga taong nakikinig sa talumpati.
Sagot: TALUMPATI

B. Analisis
1. Paghahawan ng Sagabal
Speech contest – talumpating pang-akademiko o paligsahan sa
talumpatian.
(Maglalahad ang mga mag-aaral ng kanilang pananaw tungkol sa
larawang ipapakita ng guro,)

2. Pagtatalakay
Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati.
 Bibigyang kahulugan ng guro ang talumpati

Talumpati– isang komunikasyong pampubliko


na nagpapaliwanag hinggil sa isang mahala-
gang paksa. Ang talumpati ay binibigkas sa
harap ng publiko.
 Ilalahad ng guro ang mga layunin ng pagtatalumpati gamit ang
slide deck (tatawag siya ng mag-aaral na babasa ng nakalahad
na layunin), magtatanong siya para makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral.

Mga layunin kung bakit nga ba tayo


nagtatalumpati?

 Upang magbigay ng mga kaalaman


o informasyon hinggil sa isang paksa,
usapin o isyu
 Upang magbigay ng kasiyahan
 Upang manghimok o mangumbinsi

 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay


nakasubok nang magtalumpati. Matapos nito ay ang pagtatalakay
kung ano ang nilalaman ng kanilang talumpati? Saan ito ginanap?
At ano-ano ang mga hakbang na kanilang isinagawa bago
magsimula.
 Ipapaliwanag ng guro ang mga bahagi ng talumpati at ang mga
kailangang sa paghahanda ng talumpati.

Ang mga bahagi ng talumpati:


 Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati,kaagapay
na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.

 Katawan-pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga


makabuluhang puntos o patotoo.

 Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.


Paghahanda ng Talumpati

Pamimili Pagtitipon Pagbabalangkas ng mga


ng paksa. Ng materyales ideya o kaisipan para sa
katawan ng talumpati

Paglinang ng kaisipan o ideya sa balangkas.

 Ibabahagi ng guro ang mga hakbang sa mahusay na pagtatalumpati :

Hakbang sa Mahusay na Pagtatalumpati

1. Pagdedevelop ng paksa
2. Pag-oorganisa sa bahaging isasama
3. Pagtuklas at paggamit ng mga
sumusuportang materyales
4. Pagsisimula
5. Pagwawakas
6. Pagpapraktis
7. Pagdedeliver ng talumpati

3. Paglalagom o Paglalahat
Pagtatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang pagtatalumpati,
paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati at kung ano
ang mga hakbang sa mahusay na pagtatalumpati.

C. Abstraksyon
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa talumpati
dahil ______________ .

D. Aplikasyon
Pagsusulatin ang mga mag-aaral ng isang talumpating may kaugnayan sa
paksang “Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bayan”
Krayterya sa Pagsulat ng Talumpati

Nilalaman/Kaugnayan sa Tema ………………………………30%


Paglalahad ng Kaisipan ………………………………………..30%
Kawastuhang Pambalarila ……………………………………..25%
Orihinal …………………………………………………………...15%
KABUUAN 100%
IV. Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang, Tukuyin kung Tama o Mali ang
ipinapahayag. Isulat sa patlang ang salitang Oo naman kung tama at hindi kaya kung
mali.

__________ 1. Ang talumpati ay isang pasalitang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa


harap ng maraming tao.

__________ 2. Ang isang layunin ng talumpati ay magbigay aliw sa mga tagapakinig.

__________ 3. Hindi na kailangan ng pag-eensayo bago magsagawa ng talumpati dahil


likas na sa tao ang magaling magsalita.

__________ 4. Sapat na ang obserbasyon sa paligid upang mapagtibay ang nilalaman


ng talumpati lalo’t higit sa mga pormal na usapin.

__________ 5. May tatlong bahagi ang talumpati, ito ay ang panimula, katawan at
kongklusyon.

V. Kasunduan
Sauluhin ang talumpating isinulat. Bibigkasin ito sa klase at magsisilbing aktwal
na perpormans.

Pamantayan sa Pagtatalumpati

Nilalaman………………………………...30
Tinig ………………………………………20
Deliberi ng pyesa………………………...20
Kilos/Kumpas……………………………..15
Hikayat sa madla ………………………..15
Kabuuan………………………………….100

Inihada ni:

AGON, SARAH Q.
MAED-FILIPINO
FLT 504-Ebalwasyon sa Kagamitang Panturo

You might also like