You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 4-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL

DAY __5__

LEARNING ACTIVITY SHEET


___FILIPINO 10___
Subject

FIRST QUARTER
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY (MELC):
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglaanan at
kagamitan) (F10WG-Ib-c-58)

LEARNING OBJECTIVE/S:
 Natutukoy ang mga pokus ng pandiwa.

TOPIC:
 Pokus ng Pandiwa

Name of Learner: _______________________________________________________


Date: __________________________________________________________________

Directions: Basahin at unawain ang kuwento.

Isang maya ang nahulog mula sa kalangitan. Kapansin-pansin ang ‘di


karaniwan niyang paglipad.
Hinuli ko. Mainit ang kaniyang katawan, hinahabol niya ang kaniyang
hininga. Tinalian at binalak na ikulong. Inalok ng tubig at pagkain. Bigla itong
nagkalakas. Nagpumiglas, lulukso-lukso, ikinampay ang mga pakpak at tinangkang
lumipad, ngunit hawak ko ang dulo ng tali na nakakabitsa kaniyang mga paa. Walang
tigil niyang ginawa iyon ng ilang ulit. Muntik na siyang madagit nina Leila, Jordan at
Pao, mga pusa at aso sa aming bahay. Muli ko siyang hinawakan. Kung ano ang
kaniyang kondisyonat ayos niya kanina nang una ko siyang hawakan ay parehas ng sa
kondisyon at ayos niya ngayon, maliban sa kaniyang mata. Nakita ko ang
paghahangad niyang lumipad at makalayo,ngunit hindi niya magawa dahil sa mga tali
sa kaniyang paa, ngunit halos buong katawan nila na pilit na nagpupumiglas matamo
lamang ang hinahangad nilang KALAYAAN.

References (APA Format)

Address: Palo Alto, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049} 508-4890
Email Address: 301524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 4-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL

Talakayin Natin:

1. Ano ang kapansin-pansin sa mga may salungguhit na salita sa binasang


seleksiyon?
_____________________________________________________
2. Aong bahagi ng pananalita ang mga ito?
______________________________

Tandaan Natin:

Ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga


salita. Mayroong pokus ang pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan).

 Pokus Tagaganap o Aktor


- kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa
pangungusap.
- Sumasagot sa tanong na “sino?”

Hal. Maglilinis ng bahay si Anna bukas. (Sino ang maglilinis ng bahay


bukas?)

 Pokus sa Layon
- Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap
- Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping
IN, I, AN, NA. Dapat tandaan na ang panlaping IN na makikita
sa pandiwa ang nag-iisang hulapi na pokus sa layon.
- Sumasagot sa tanong na “ano?”

Hal. Nakita ni Mico ang nawawalang pusa. (Ano ang nakita ni Mico?)

 Pokus Pinaglalaanan o Tagatanggap


- Ang binibigyang –diin ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng
kilos.
- Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.
- Sumasagot sa tanong na “para kanino?”

References (APA Format)

Address: Palo Alto, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049} 508-4890
Email Address: 301524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 4-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL

Hal. Ipinagtitimpla ko ng gatas si Inay araw-araw. (para kanino ang


ipinagtimplang gatas niya araw-araw?)

 Pokus Kagamitan
-gamit ang siyang simuno o paksa ng pangungusap upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa.
- sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”

Hal. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis. (ano


ang ginamit niyang panlinis sa mga kasangkapan?)

ACTIVITY # 1: Subukan Mo!

Directions: Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay


Pandiwa bilang Tagaganap, Pandiwa bilang layon, Pandiwa bilang
Pinaglalaanan,Pandiwa bilang Kagamitan.

1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.


2. Binili ni Ian ang bola.
3. Ipinangsulat ang makukulay na chalk sa freedom wall.
4. Ipinagluto ni Jose ang kanyang kasintahan.
5. Ibinili ni Marie ng laruan ang pamangkin niya.
6. Ang basahan ay ipinamunas ni nanay sa mesa.
7. Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago sila pumasok sa paaralan.
8. Pinitas ni Zeinab ang mga pulang rosas sa hardin.
9. Si Skusta ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
10. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

References (APA Format)

Address: Palo Alto, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049} 508-4890
Email Address: 301524@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 4-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
PALO ALTO INTEGRATED SCHOOL

ACTIVITY # 2: Share Ko Lang !

Directions: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga salitang nasa


loob ng kahon batay sa hinihingi sa bawat bilang.

Huli pala takbo bili luto


Iyak takot galit nabigla lapis

1. Pokus Tagaganap
a.
_________________________________________________________________
b.
_________________________________________________________________

2. Pokus sa Layon
a.
_________________________________________________________________
b.
_________________________________________________________________

3. Pokus sa Pinaglalaanan
a.
_________________________________________________________________
b.
_________________________________________________________________

4. Pokus sa Kagamitan
a.
_________________________________________________________________
b.
________________________________________________________________

Prepared by:

JEICEL O. JAUM
Teacher 1

References (APA Format)

Address: Palo Alto, Calamba City, Laguna


Telephone No: (049} 508-4890
Email Address: 301524@deped.gov.ph

You might also like