Gordon College: IV. Kalikasan at Istruktura NG Wikang Filipino Ponolohiya, Morpolohiya at Sintaksis Ang Ponema

You might also like

You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

City of Olongapo
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314

DETAILED LEARNING MODULE


Modyul 4

Pamagat : PAGTUTURO NG FILIPINO SA ANTAS ELEMENTARYA – WIKA


KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO ( PONOLOHIYA )

Layuning Pagkatuto

1. Natatalakay ang kalikasan at istraktura ng wikang Filipino


2. Natutukoy ang ibat ibang anyo ng ponemang Filipino
3. Nagagamit sa malinaw na pangungusap ang ibat ibang anyo ng ponemang Filipino
4. Nakabubuo ng isang islogan kaugnay sa sitwasyong pandemiya sa kasalukuyang panahon
Panimula :
Ayon sa mga dalubhasa na ang wika ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa. Kinakatawan ng wika ang
pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng isang bansa sapagkat ito ang nagbibigay anyo sa kanilang mga kaisipan,
paniniwala, gawi at kultura. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika , mas higit nating nauunawaan ang tunay na gamit
nito sa ating pang araw araw na buhay. Kasama na rito ang pakikipag-ugnayan natin sa ibang bansa na nagpapalawak
ng ating kaalaman at pag-unlad ng ating katayuan sa buhay.
Sa pamamagitan ng modyul na ito , matatalakay ang mga isyung panglinggwistik kaugnay sa ating wikang
pambansa at natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.

Paksa at Pangunahing Konsepto

IV. Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino

PONOLOHIYA , MORPOLOHIYA AT SINTAKSIS

Ang Ponema

Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng mga makabuluhang tunog. Makabuluhan ang isang
tunog kung ito ay nagtataglay ng tiyak na kahulugan, at kapag ito ay pinalitan o binago, nagbabago rin ang
kahulugan ng salita.
Ito ay nahahati sa dalawang pangkat, tunog na patinig at tunog na katinig. Tinatawag rin ang mga tunog
na ito na ponemang segmental
Ang mga ponemang patinig ay / a / /e / / i / / o / / u / . Iisa lamang ang bigkas sa bawat patinig di tulad
ng Ingles na ang isang patinig ay maaaring magkaroon ng ibat ibang bigkas.
Ang mga ponemang katinig ay / b / / k / / d / / g / / h / / l / / m / / n / / ng / / p / / r / / s / / t / /
w / /y/

a. Ponemang segmental

Ang bawat tunog ay mahalaga at kapag napalitan ay may bagong kahulugang mabubuo

Hal: basa ( wet ) bansa ( country ) balsa ( boat )

b. Pares Minimal

Ito ay mga pares na salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema, at dahil dito ay
nagbago ang kahulugan

Hal:
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314

pala - bala lapat - lapad


( spade ) ( bullet ) ( fitted ) ( width )

titik - titig ngawa - nawa


( letter ) ( stare ) ( laud talk ) ( may it be so )

c. Diptongo

Ang diptongo ay magkasamang tunog ng patinig at malapatinig sa isang pantig. Ang mga diptongo sa wikang
Filipino ay ang mga sumusunod : iw , ey, iy , ay, aw, oy, uy

Hal :
giliw aliw luray kasoy
ilaw hikaw tunay aruy

d. Klaster o Kambal katinig

Ang mga klaster ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig . Ito ay maaaring makita sa unahan,
gitna, o sa hulihang pantig ng salita.

kwento eskwela
drama kontrata nars
braso konklusyon beysment

e. Ponemang malayang nagpapalitan

Ito ay mga pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi nagbabago ng
kahulugan.

Hal:
lalake - lalaki sampo - sampu
babae - babai pito - pitu
marami - madami maramot- madamot

Mga Kagamitang Panturo at Pagkatuto at iba pang Reperensiya


Aklat sa Linngwistika
Celphone o Laptop
Powerpoint
Video lesson
Youtube.com etc..
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314

Mga Gawaing Pampagkatuto ( LEARNING TASK )


Gawain 1 : PARES VS. DI-PARES :
Isulat ang titk W kung pares minimal at M kung hindi pares minimal ang mga sumusunod na pares na salita.
__________ 1. titik - titig __________ 6. buti - bote

__________ 2. basa - basa __________ 7. loro - lolo

__________ 3. alab - bala __________ 8. mesa - misa

__________ 4. uso - oso __________ 9. pantay - panday

__________ 5. kulay - gulay __________10. yari – laya

Gawain 2 : CLUSTER USER:


Piliin ang mga salitang may klaster at isulat sa patlang ang mga klaster.
__________ 1. relaks __________ 6. trak

__________ 2. dyanitor __________ 7. tsuper

__________ 3. kuwento __________ 8. breyk

__________ 4. keyk __________ 9. lubha

__________ 5. sadya __________10. Trese

Gawain 3: MALAPATINIG=DIPTONGO:
Suriing mabuti ang bawat salita. Isulat ang diptonggo sa patlang kung may matatagpuang diptonggo. Kung wala, lagyan
ng ekis ang patlang

1. baliw 6. puyos 11. aytem

2. sakayan 7. saliwan 12. watawat

3. buhay 8. halimaw 13. hataw

4. ilawan 9. pantayan 14. bitaw

5. kasoy 10. aliw-iw 15. unggoy


Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314

Gawain 4 : MINODIPIKANG PARES MINIMAL :


Buuin ang pares minimal sa pamamagitan ng pagbibigay ng katumbas sa Filipino ng mga sumusunod na salita
1. : pass 6. : stem

: read : dead body

2. : idea 7. : skin

: teacher : enough

3. :sister in law 8. : banana

: industrious : touch

4. : jump 9. : case

: box : lace

5. : play 10. : choice

: plant : pepper

PAGPAPALALIM :
A. Magtala ng ( 10 ) sampung halimbawa sa mga sumusunod na anyo ng ponemang Filipino at gamitin sa
makabuluhang pangungusap
1. ponemang segmental
2. pares minimal
3. diptonggo
4. klaster

B. Bumuo ng tatlong islogan gamit ang ibat ibang anyo ng ponemang Filipino kaugnay sa pag-iingat sa
panahon ng pandemiya.
RUBRICS SA PAGHATOL
Kaugnayan 40
Kalinawan 25
Gramatika 20
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314

Disenyo at Kalinisan 15
_____________________________________
100

REPERENSIYA:

Santiago, Alfonso. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore

Guamen Pructuosa et al. Tanging Gamit ng Filipino. Rex Bookstore, 2000

Santiago, Alfonso, Makabagong Balarilang Filipino, Makagabong Edisyon

Tayta, Dolores R. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Bookstore.2016

Baronda, Andrew John C. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino JFS Publishing .2016

Borlasa, Liezl Radin. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Cronica Bookhaus .2016

Almario, Virgilio S. KWF Mnawal sa Masinop na Pagsulat .Ikalawang Edisyon . Komisyon sa Wikang Filipino
2015

Inihanda ni :

MANOLITO S. CALAPANO
Instructor III
Part time Instructor
College of Education, Arts and Sciences
GORDON COLLEGE

You might also like