You are on page 1of 7

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

COLLEGE OF ENGINEERING

ELECTRONICS ENGINEERING DEPARTMENT

Sining ng Pakikipagtalastasan

Gawain

Ipinasa ni:

Octavo, John Mark C

18-00128

BSECE 3-A

Ipinasa kay:

Dr. Eva J. Ompoc


Intelektuwalisasyon ng Wika

Ang salitang Intelektuwalisasyon ay nagmula sa salitang ugat na


“intelektwal” na tumutukoy sa pagiisip ng tao at pag-unawa ng isang
tao, samantalang ang wika naman ay importante sa ating
pakikipagtalastasan. Sa madaling salita ang Intelektuwalisasyon ng Wika
ay tumutukoy sa pagpapalit o pagproseso ng pagpapamodernisa ng
ating sariling wika upang ito ay mas maging mabisa at maging mas
angkop sa panahon. Isa pang tinutukoy nito ay ang mga paraan kung
paano ba gamitin an gating sariling wika ng tama upang hindi
magkamali sa gamit. Ang intelektuwalisasyon ng Wika ay maaaring
maihambing sa pagkakaroon at pagsunod sa batas, tama ito ay
maihahalintulad sa isang batas dahil ito ang ating mga sinusunod na
pamantayan sa paggamit ng wika habang natagal ang panahon na kung
saan nakasaad dito ang mga paraan, mga dapat gawin at mga
mahahalagang detalye patungkol sa ating wika. Isa pang punto ay dito
din makikita ang mga bagong salita na naiimbento ng kapwa nating
Pilipino at kung saan dito ipinapakita kung paano nabuo ang salita at
kung kalian ito ginagamit.

Palatandaan ng isang standardisado at Intelektuwalisado na Wika

Ang mga palatandaan kung ang wika nga ba ay standardisado at


intelektuwalisado na ay ang mga sumusunod:

1. Ang una ay kung ang nasabing wika ay marami ang nakakaalam o


di kaya ay may ideya sa kahulugan nito.
2. Ikalawa naman ay kung ang nasabing wika ay walang
natatapakang kultura.
3. Ikatlo ay ang pagkakaroon ng mga tiyak na kahulugan nito upang
kapag ginamit ng mgataong hindi nakakaalam ay may
pagkakataon upang mapagaralan ito.
4. Ikaapat ay ang pamantayan kung ang nasabing wika ba ay walang
binabanggang mga batas na may kinalaman sa Wika.
5. Ikalima, ito ang panghuli ,na kung saan nakabatay ito sa mga tao
sa kinauukulan kung katanggap tanggap ba ang nasabing wika na
palitan o di kaya ay bigyan ng karagdagang impormasyon.

Ideografik na Pagsulat
Ideografik ang sistema ng pagsulat ng mga Intsik, ibig sabihin, ang

mga karakter nito ay kumakatawan sa mga ideya o kahulugan.Sa

pananalita ng mga lingguista, ang nasusulat na Intsik ay ideographic


writing, o pagsulat ng mga ideya. Ang bawa’t salita o sulat, sa
pamamagitan ng hugis at anyo nito, ay nagpapahiwatig sa mambabasa
ng isang tiyak na ideya. Kung ang ideya ay payak, ang sulat ay
malamang na isang payak na larawan nito. Tinatawag ng mga lingguista
ang uring ito ng pagsulat na pictographic, o pagsulat sa pamamagitan
ng larawan. Naglalakip ito ng mga salita para sa karaniwang mga bagay
na karaniwan sa pang-araw-araw na buhay.
Sampung salitang may Diptonggo

1. ablaw

2. bitaw

3.bughaw

4. agsaw

5.bataw

6.batingaw

7.alingasaw

8.bulyaw

9.dalaw

10.dayaw

Salitang may Klaster


Unahang Klaster Gitnang Klaster Dulong Klaster

drama iskwater rekord

blusa sumbrero tayp

dyaryo biskwit kart

plano eskwela relaks

krema kongklusyon kard


Sampung Pares-Minimal
1. Mana – Pana
2. Kuro – Guro
3. Banal – Kanal
4. Bata – Pata
5. Hari – Pari
6. Oso- Uso
7. Pala – Bala
8. Ambon – Ampon
9. Iwan – Ewan
10.Titik - Titig

Wastong gamit ng mga Panlapi

pang pam pan sing sin

Pangwasto Pambato panlaro singganda Sintindi

Panghalina Pambansa panradyo sinlasa

Pangwalis Pambata pantahi

Panghukay Pampulitika panlilok

Pangkasal Pampanitikan pandayo


Minimal na Magkatulad

1. Paso
- Hapdi na nararamdaman kapag nakahawak ng mainit na bagay
- Lalagyan ng halaman
2. Galang
- Pagrespeto
- Hiyas na sinusuot sa pulso
3. Daga
- Isang hayop na kadalasang makikita sa mga estero
- Salitang ginagamit ng mga Bicolano para sa salitang “lupa”
4. Magsasaka
- salitang kilos na gagawin pa lang ang pagsasaka
- taong nagsasaka
5. Linis
- Dalisay/Kadalisayan
- salitang ginagamit kapag naitapon o di kaya naitago na ang
mga kalat; salitang kilos o salitang nagpapakita ng aksyon
-
6. Masama
- Gawing parte ng isang grupo o gawain
- Hindi mabuti o di kaya ay salbahe
7. Baka
- Hayop nan a pinagkukunan ng gatas
- Salitang ginagamit kapag nagbabakasakali
8. Palaruan
- Pook kung saan naglalaro ang mga bata
- Ipagamit o ipalaro ang isang bagay
9. Basa
- Salitang kilos na sa pagunawa sa mga nakalimbag na sulat
- Nabuhusan ng tubig o natubigan

10. Saka
- Gawaing pang-agrikultura
- Salita na ginagamit pandugtong sa isang bagay

You might also like