You are on page 1of 2

Octavo, John Mark C. Gng. Eva J.

Ompoc
BSECE 3A

Gawain

1. Magbigay ng isang pahayag tungkol sa kahulugan ng pananaliksik at ipaliwanag ito.

Ayon kay Aquina noong 1974, ang pananaliksik daw ay isang detalyadong kahulugan at isang
sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang suliranin.
Ang nais iparating ni Aquinas sa pahayag na iyon ay ang pananaliksik daw ay isang masusing paghahanap
ng isang sagot sa partikular na paksa, ngunit bago ito mahanap ay kailangan munang dumaan sa bawat
hakbang na kinakailangan upang makuha ang bawat maliliit na detalye na maaaring magamit sa isang
pananaliksik.

2. Bakit napakahalaga na nananaliksik ang mga mag-aaral na tulad mo?

Napakahalaga sa parte naming mga estudyante ang nananaliksik dahil unang- una ay marami
pang mga bagay ang wala pang kasagutan sa ating mundo, hindi natin alam malay mo ikaw o kaya ako
ay makatuklas ng isang bagay na makakapagbago ng takbo ng mundo. Pangalawang rason ay mahalaga
ang gawin ito upang madagdagan ng madagdagan ang ating kaalaman. Sa pamamagitan ng pananaliksik
ay nakikita natin ang mga bagay-bagay na maaring may malaking dulot kung bakit tayo nandito sa
kinatatayuan natin at ang pinakahuling rason kung bakit nananaliksik dapat ang mga estudyante katulad
ko ay dahil hindi lang naman namin ito magagamit sa kasalukuyan kundi magagamit namin ito lalo na sa
paggawa ng mga mahahalagang bagay lalo na kapag kami ay naging propesyunal na at higit sa lahat ito
ay maaari naming maituro sa mga susunod na henerasyon.
Octavo, John Mark C. Gng. Eva J. Ompoc
BSECE 3A

3. Bilang isang mananaliksik, magbigay ng 3 pang maidaragdag mo na responsibilidad ng isang


mananaliksik at ipaliwanag kung bakit nararapat itong idagdag, Ano ang kahalagahan nito?
a. Siguruhing ang mga bawat kahulugan sa teksto na gagawin ay hindi “ambiguous”- nararapat
itong idagdag dahil may mga taong minsan ay hindi nauunawaan ang gusto iparating ng
isang pananaliksik, maaari nila itong mamis-interpret at maaaring ang dapat tama ay maging
mali. Mahalaga ito idagdag dahil alam nating bawat taon ay nadaragdagan ng nadaragdagan
ang mga napapasamang salita sa diksyunaryo at minsan ang ibang salita ay ambiguous, ang
kahalagahan nito ay maiaalis natin ang di pagkakaunawaan ng mga mananaliksik at mga
mambabasa nila at higit sa lahat ay ito ay magbibigay daan upang mas lalong luminaw ang
ginawang pananaliksik.
b. Siguruhing ang mga kalahok sa gagawing pananaliksik ay protektado- may mga pananaliksik
na kung saan sensitibo ang mga nilalaman ng paksa, maaaring malagay sa bingit ng
kamatayan ang mga kalahok sa gagawing pananaliksik kaya dapat ay mabigyan natin sila ng
sapat na proteksyon, isang halimbawa na lamang ang pagbibigay ng ikalawang pangalan o di
kaya ang paggamit ng voice changer upang kapag kukuha tayo ng impormasyon sa kanila ay
hindi sila makilala. Mahalaga ito lalo na sa parte ng pananaliksik na kung saan
kinasasangkutan ito ng mga kaso na kritikal halimbawa na lamang ang murder. Sa
pamamagitan ng responsibilidad na ito ay magiging payapa ang isip ng kalahok sa iyong
pananaliksik at walang mararamdamang takot.
c. Huwag pilitin ang respondents na isagot ang nais mong sagot- lipana at talamak ito sa mga
nananaliksik, isa ako sa mga nabiktima nang ganitong pananaliksik na kung saan mayroon
akong sariling sagot ngunit ito ay kanilang ipinabago upang maging kaaya-aya ang sagot.
Dapat ito maidagdag upang maiwasan natin ang mga akala nating tamang resulta ng mga
pananaliksik na dulot lang naman ng pamimilit. Ang kahalagahan naman nito ay unang una
ay magiging malaya an gating respondents sa pagsagot at masasabi nating credible ang isang
pananaliksik.

You might also like