You are on page 1of 5

Page |1

Pagbabalik-tanaw sa Nakaraan; Mga Libingan bilang bakas ng Sinaunang Paniniwala


Kaban ng Lahi (Archaeological Treasures)
Lester Jay V. Ollero

Atin nang nakagisnan na sa tuwing sasapit ang una at ikalawang araw ng


Nobyembere, tayo ay pumupunta sa sementeryo upang gunitain ang mga mahal nating
yumao na. Undas ang tawag sa ganitong kaugalian. Ang salitang "Undas" ay nagmula
sa salitang Espanyol na "honora" na ang ibig-sabihin ay respeto. Ang pagdalaw sa
patay ay isang pagrespeto sa kanila.
May iba’t-iba tayong sistema ng paglilibing depende sa kulturang sinusunod.
Mayroong inililibing sa likod lamang ng bahay, inililibing sa sementeryo. Ang iba ay
inililibing sa ‘Libingan ng mga Bayani’ bilang pagkilala sa kadakilaan at pagpupugay sa
kanilang mahahalagang naiambag sa lipunan. Ang ‘Libingan ng mga bayani ay isang
himlayan ng mga tauhang panghukbong Pilipino, mga heneral, bayani at martir.
Mayroon ding primaryang paglilibing kung saan tahasang nililibing ang bangkay. Mas
malaki ang libingan na ginagamit sa primaryang paglilibing kumpara sa sekondaryang
paglilibing. At kapag ang bangkay ay naagnas na, ito ay sinusundan ng sekondaryang
paglilibing kung saan ang mga buto ay pinagsasama-sama sa kadahilanang maaaring
ito ay parte ng kultura o ritwal na isinasagawa, maaari ding ipagsama ang buto ng
magkapatid upang makatipid ng espasyo.
Ang mga sinaunang libingan ay mayroong espiritwal at materyal na kultura na
maaari nating iugnay sa sinaunang paniniwala ng mga Pilipino. May mga nahanap na
artifak na siyang magbibigay-linaw sa kung ano nga ba ang kulturang mayroon noong
unang panahon. Ating mahihinuha mula sa artifak ang kalagayan, kapaligiran, kultura at
pamamalakad ng isang lipunan. Malalaman din natin mula sa artefak ang iba pang
paniniwala at kahalagahan nito sa buhay ng mga sinaunang Pilipino. Makikita din sa
artifak ang teknolohiya at ang kakayahan ng tao para makagawa ng isang
makabuluhang bagay. Ang antas ng ‘craftmanship’ ay makikita din sa kanilang gawa.
Katulad ng lapida bilang tanda ng alaala, ang mga bangang panlibing noon ay
meron ding memorabilya. Ang iba minolde na katulad ng taong yumao na(Maitum Jar).
Meron ding simbolismo ng paglalakbay sa kabilang buhay(Manuggul Jar).
Page |2

Natagpuan ang isang bangang libingan na itinuturing na kultural na kayamanan


noong unang bahagi ng 1960 sa kweba ng ng Manunggul sa Lipuun Point Palawan. Ito
ay tinatayang 890-710 BC. Ito ay natagpuan ni Robert Fox at ang kanyang mga kasama
noong 1962. May pitumpu’t walong banga at iba pang ‘earthenwares’ ang natagpuan
kasama ng Manunggul Jar. Ang bawat artifak ay may iba’t-ibang anyo at disenyo.

Ang Manunggul jar ay nakabase sa sekondaryang paglilibing kung saan buto


lamang ang laman nito. Ito ay may sukat na 66.5 sentimetrong laki at may diyametrong
51 sentimetro, sapat na upang magkasya ang mga buto.

Makikita sa bangang Manunggul


ang kakaibang disenyo nito. Sa ibabaw,
makikita ang rolyong disenyo na
pininturahan ng kulay pula. Hematite ang
ginamit na pangkulay. Ang rolyong
disenyo ay masasabi nating depiksiyon ng
mga alon sa karagatan. Sa takip nito, may
dalawang tao lulan ng isang bangka. Ang
bangka na kanilang sinasakyan ay may
mukha bilang disenyo na kapareho sa sa
iba pang artifak sa South East Asia ng
mga panahong ‘yon. May dalawang tao sa
isang bangka na nagpapakita ng kanilang
Manunggul Jar. Lipuun Point Palawan
paglalakbay sa kabilang buhay.

At sa panahong iyon, ang mga sinaunang tao ay naniniwala na sa konsepto ng


kabilang buhay. Ang bangka na kanilang kinalalagyan ay may ukit na mata at bibig na
waring nakangiti. Dito na papasok ang konsepto ng antropomorpiko o ang atribusyon ng
‘human characteristics’ at emosiyon ng isang tao sa isang ‘non-human entity’. Ang ‘boat
man’ o ang taong nakasakay sa bangka sa may bandang likuran ay may hawak na
‘steering paddle’. Siya ay isang magtitimon na komokontrol sa agos ng tubig sa
kanilang paglalakbay. Ang magtitimon ang siyang maghahatid sa patay sa kabilang
Page |3

buhay. Ang tao naman sa may harapan ay ang patay na tao sapagkat sa ayos ng
kanyang kamay, masasabi nating ito ay patay. Ang ayos ng kanyang mga kamay ay
nakatiklop o nakaekis sa kanyang dibdib. Ito ay isang kultura sa Pilipinas na ginagawa
sa pag-aayos ng patay.

Ang takip ng Manunngul Jar ay nagbibigay linaw sa ‘cultural link’ sa pagitan ng


nakaraang arkiyolohiya at sa etnograpikong kasalukuyan. Ito ay nagpapakita ng
paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa kabilang buhay. Maaari din nating sabihin na
sila ay naniniwala sa konsepto ng walang hanggang buhay gaya ng walang hanggang
paglalakbay nito sa isang walang hanggang karagatan.

Ang Manunggul jar ay nagpapakita ng buhay na walang hanggan na hanggang


sa kasalukuyan ay atin pa ring pinaniniwalaan. Walang katulad ang libingang banga na
ito kumpara sa iba pang libingang nahanap sa iba’t-ibang parte ng Timog-Silangang
Asya. Ngayon, ito ay itinuturing na isang obra maestro at isa sa mga ‘pre-colonial
artwork’ dito sa Pilipinas dahil sa kahanga-hangang talento o husay ng manggagawa
na siyang bumuo nito.

May isa pang antropomorpikong ‘secondary burial jars’ ang hanap sa Ayub
Cave, Barangay Pinol, Maitum, Sarangani Province, Mindanao. Ito ay natagpuan noong
1991 ng National Museum team. Maitum Jar ang tawag sa ganitong uri ng libingan na
natagpuan. Ang Maitum Jar ay yari sa earthenware at ito ay may disenyo na tao na
maihahambing sa mga sinaunang tao sa Mindanao. Ito ay hugis bariles na mayroong
hugis na pabilog na puwitan. Ang Maitum jar ay ginamit sa ikalawang paglilibing.
Laganap sa Timog-Silangang Asya ang konsepto ng paglilibing at paglalagay ng mga
buto sa mga terakota na banga ngunit sa Pilipinas lamang nakadiskubre ng mga
bangang katulad ng sa Maitum.

Ang Maitum Jar ay mayroong characteristics na maaring ipanahon sa ‘Metal Age


Period’(190 BC hanggang 500 AD). Ito ay may sukat na 43.5 sentimetrong taas, may
malawak na diametrong 36 sentimetro, may ‘widest mouth diameter’ na 30 sentimetro
at mayroong kapal na 0.7 sentimetro. Ang kanyang hugis ay kasing tulad ng katawan
ng isang lalaki. Mula sa kanyang balikat hanggang sa elbow nito, ang kamay ay may
Page |4

sukat na 12 sentimetro; 17 sentimetrong haba mula elbow hanggang sa mga daliri nito.
Ang Maitum Jar ay may taas na 70 sentimetro kung isasama ang antropomorpikong
takip nito.

Masasabi nating ‘personalized’


ang disenyo ng Maitum Jars sapagkat
natatangi ang mukhang nakaukit sa
bawat banga ng Maitum. Iba-iba ang
ekspresyon na makikita sa bawat
sisidlan. Mayroong wari mo’y
nakangiti, nakalabas ang ngipin,
seryoso ang ekspresyon, malungkot,
maaring bata, matanda at iba pa. Ang
bawat Maitum ay espesyal dahil
walang pare-pareho ang mukha, lahat
sila ay iba-iba. At dahil sa
magkakaibang mukha na ito,
masasabi nating ang mukha ng
Maitum ang replika ng taong namatay

Maitum Jar. Ayub Cave, Pinol, Maitum, Sarangani na nasa sisidlan nito.

Detalyado ang mukha nito; ang kanyang kilay, mata, tenga, ilong, bibig. Ang
ibang natagpuang Maitum Jars ay may kulay na maaaring nagpapahiwatig ng ‘social
status’. Iba’t-iba rin ang sukat ng bawat antropomorpikong takip na nagpapahiwatig ng
edad ng isang tao. Sa larawan, makikita ang mga mata nitong detalyadong naukit. Ang
mata ay ‘expressive’. Ang kanyang tenga ay may butas para sa hikaw. Mapapansin
natin na ito ay isang lalaki dahil sa kanyang breasts. Sa loob ng Maitum jar ay
mayroong mga paso kasama ng mga buto na maaaring ginamit sa paglilipat ng mga
buto. Maaari din namang ang mga bangang natagpuan ay mahahalagang kagamitan ng
taong yumao na. Ito ay maihahalintulad sa ating tradisyon ngayon. Isinasama natin sa
taong yumao na ang kanyang mga mahahalagang gamit.
Page |5

Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng bangang panlibing ay nagpapakita ng


mataas na lebel ng ‘craftmanship’. Ang pagdepict ng human figures ay masasabi nating
napakahirap sapagkat ang paggawa ng malinaw na detalye sa taong namatay ay hindi
ganoon kadaling gawin.

Ang bangang naghihikab(Yawning Jar) ay


natagpuan ni Dr. Robert Fox sa kweba ng Leta-
Leta, El Nido Palawan noong 1965.

Ang artifak na ito ay yari sa luwad na tulad


ng isang taong naghihikab. Bagaman sabi ng mga
eksperto na ito daw ay aksidente lamang na
nagawa, maaari nating mahinuha na ito ay ginamit
bilang sisidlan ng mga inumin na ginagamit sa
mga ritwal. Maaaring isa ito sa mga ginamit na The Yawning Jar
pang-alay.
Kasama ng mga bangang panlibing, may mga nahanap na ilang mga kabibing
purselas sa loob ng isa sa mga bangang panlibing. May mga mangkok at kopita din na
nahanap. Maaaring ito ay ginamit na pang-alay. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang
konsepto ng pang-alay sapagkat tayo ay naniniwala na ang mga taong yumao na ay
may panibagong buhay pa sa kabilang mundo. Nag-aalay tayo ng mga pagkain sa
paniniwalang ang kaluluwa ang siyang kakain dito. Minsan ay kandila bilang ilaw, mga
bulaklak tanda ng pagmamahal. Maaari ding alak o sigarilyo na animo’y buhay pa ang
taong iyon at makakainom pa ng alak at makakapagsigarilyo. Nag-aalay din tayo ng
mga materyall na bagay sa kanila.

Ang sistema ng pamumuhay noong unang panahon ay naging parte na ng ating


kasaysayan. Ang mga libingang nahanap ay bakas ng sinaunang paniniwala ng mga
Pilipino ukol sa halaga ng buhay ng isang taong pumanaw na. Naiba man o nabago ang
paraan ng paglilibing dito sa atin, hindi pa rin nawala ang paniniwala natin sa kabilang
buhay at pagpapahalaga sa ating mga mahal na yumao na.

You might also like