You are on page 1of 2

Makukulay na dekorasyon, iba't ibang palamuti, at higit sa lahat ang makatawag-

pansin na amoy, amoy na umaalingasaw hindi sa baho kundi sa bango. yan ang
tatambad sa iyo ng nakaraang ika-walo ng Agosto kung saan nagsagawa ng isang
patimpalak ang Unibersidad ng De La Salle sa Cavite. Pinamagatan nila ang naturang
programa na "Lutong Pinoy kung saan maghahanda ang mga kalahok na estudyante
mula sa iba't ibang kurso ng samu't saring lutong tatak Pinoy.
Kanya kanyang putahe ang ginawa ng mga grupo kung saan sila nagpasiklaban
di lamang sa lasa maging sa presentasyon at iba pa nitong pakulo.
"Caf Amadeo ang tawag nila sa kanilang kainan, presentasyon ng kursong
BTM35. Ang bansag o ang ngalang Amadeo na isang lugar sa Cavite ay nagmula sa
date nitong pinuno na si Prinsipe Amadeus. Kanilang pinagmamalaki ang mga
produktong tinatawag nilang sariling atin, ang masustansyang asukal na Muscovado at
ang Kape Barakong humahalimuyak sa aking pang amoy. lan sa kanilang lutuin ay ang
Paella Valenciana, lutong malagkit na hinaluan ng masasarap na sarsa at pangpakulay,
relyenong bangus at ang mga kakaning puto at sapin-sapin. Di rin nawala sa kanilang
hapag ang masusustansyang prutas. Maayos ang kanilang presentasyon kung saan
gumamit sila ng banig bilang patungan na isa sa gawang Pinoy. Sa bawat plato ay may
nakahaing Paella Valenciana na may kasamang mapula't malaking sugpo at mga gulay
na talong at kangkong. Ang kanilang kasuotan ay magagara at ayon sa kanila ito raw
ang katutubong kasuotan ng mga taga-Amadeo.
Bacoor Cavite, iyan ang napili ng ikalawang grupo na aking pinuntahan. Sila ay
mga estudyante ng ARC11. Ang kanilang disenyo ay maganda, nagsabit sila ng mga
banderitas at kung anu-ano pa. Ayon sa kanila ang Bacoor ay kilala sa mga pagkaing
dagat nito. lan sa pangunahing pagkain at lutuin ng Bacoor ay ang Chili Beef at iba't
ibang luto ng tahong. Maayos ang pagkakahain at mukang masarap ang kanilang
pagkakaluto sa iba pa nilang handa gaya ng lumpiang ubod, lumpiang tahong, pritong
tahong at halo-halo bilang panghimagas. Ang kanilang kasuotan ay makukulay na
baro't saya at kaakibat nito ang pagtugtog ng mga sinaunang musika at panghaharana.
"Makakalimutan mo ang 'yong pangalan kapag ito'y iyong natikman HRM45.
Kurso palang halatang bihasa na sa kusina. sa sa mga nakatawag pansin sa akin ay
ang kakaiba at makukulay na dekorasyon ng grupong ito kung saan ay kanilang
ipinapakita ang "Pahiyas Festival ng Qeuzon. Sa unang tingin palang ay
manunumbalik na sa iyong balintataw ang masasayang piyesta na inyong
ipinagdiriwang. Ang kanilang kasuotan ay Filipiniana na kung saan sila ay mala-Maria
Clara sa mata ng mga nagdaraan sabayan pa ng pagsayaw sa saliw ng masarap
pakinggang musika. Sa kanilang kainan ay nakalatag ang malinis at malalaking dahon
ng saging na isa sa mga kaugaliang Pinoy at hanggang ngayon ay makikita pa rin sa
ilang mga probinsya. Kabilang sa kanilang mga handa ay ang itlog na maalat na
nilagyan ng kamatis, pritong boneless bangus, pinasingawang gulay na talong, okra at
kangkong na sinamahan pa ng bagoong. Melon juice na inumin at ang mga dilaw na
prutas gaya ng saging at mangga. Di rin nawala sa kanilang hapag ang kilalangkilala na
lutong Pinoy, ang Adobo na patok di lamang sa atin maging sa mga dayuhan.
lan lamang yan sa mga katakamtakam na lutuing kanilang inihanda. Talaga nga
namang makalaglag-tingin ang kanilang mga lutuin. Magandang pagmasdan sa
paningin at lalong maswerte sa mga nakatikim. Pinatunayan lamang ng mga estudyante
ang talento ng mga Pinoy sa pagluluto na siguradong pasok sa panlasa ng mga hurado
di lamang sa dugo maging sa mga pusong Pinoy.



Jade T. Dizon
MEB 12
Ms. Jasmin Medellin

You might also like