You are on page 1of 16

7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Awiting-bayan at Bulong
(Panitikan ng Visayas)

AIRs - LM
LU_Q2_Filipino7_Module1
FILIPINO 7
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Awiting-bayan at Bulong
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: John-John L. Pasul


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Alvin D. Mangaoang, Delia A. Estrada
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Vincent O. Dumaguin

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – SDO La Union

Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

ii
LU_Q2_Filipino7_Module1
7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Awiting-bayan at Bulong
(Panitikan ng Visayas)

LU_Q2_Filipino7_Module1
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

iv

LU_Q2_Filipino7_Module1
Sapulin

Mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka? Binabati


kita dahil natapos mo nang mahusay ang mga paksa at mga gawain sa unang
markahan. Nagkaroon ka ng kaalaman at malalim na pang-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao. Ngayon, handa ka na ba para sa mga bagong kaalaman
at kasanayang malilinang mo sa markahang ito? Kung oo, maghanda ka na sa mga
aralin at halina’t samahan mo akong lakbayin ang inihandang modyul para sa iyo.

Ngayong ikalawang markahan, ating pag-aaralan ang mga akdang


pampanitikan ng Visayas o ng Kabisayaan. Tiyak na lubos mong ikatutuwa at
ikamamangha ang napakayamang kultura, tradisyon, paniniwala at kaugalian na
sumasalamin sa kanilang mga akdang pampanitikan.

Ang Modyul 1 ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa awiting-bayan at


bulong. Mababatid mo ang mayamang awiting umusbong sa Kabisayaan na siyang
isa sa maipagmamalaki ng mga Pilipino sa panitikan o musika.

Nabuo ang modyul na ito upang sa pagtatapos nito ay inaasahang malilinang


mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggangbulong, awiting-bayan, alamat bahagi ng akda at
teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan (F7PN-IIa-b-7); at
2. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa
akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya. (F7PB-IIa-b-7)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy at nauunawaan ang mga mahahalagang detalye, mensahe
at kaisipang nais iparating ng awiting-bayan at mga bulong;
2. Nakikilala ang mga tradisyon, paniniwala at kultura na sumasalamin
sa mga akda ng mga taga-Bisaya; at
3. Nabibigyang-halaga ang mga awiting-bayan at mga bulong sa
kasalukuyang panahon.

Halina’t ating talakayin ang mga ipinagmamalaking Awiting-bayan at mga


Bulong ng taga-Bisaya. Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaari ka nang
magsimula sa mga gawain at aralin.

1 LU_Q2_Filipino7_Module1
Aralin
Awiting-bayan
1 at Bulong ng Kabisayaan

Simulan

Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong
kaalaman sa mga bulong at awiting-bayan sa sumusunod na gawain.

Gawain 1: Magkantahan Tayo!


Panuto: Kantahin ang awit na nasa ibaba at pagkatapos sagutin ang mga tanong sa
sagutang papel.

Nakanta mo ba nang may himig ang awiting naihanda para sa iyo? Kung oo,
Halina’t sagutin ang mga tanong.

1. Pamilyar ka ba sa awiting Si Filemon?

2. Ano ang tawag sa ganitong awitin?

3. Magtala pa ng mga pamagat ng iba’t-ibang awiting tulad ng kantang Si


Filemon?

Gawain 2: Hulaan Mo!


Panuto: Suriin at bigyang pansin ang sumusunod na pahayag. Ano kaya ang mga
ito? Pamilyar ka ba sa mga pahayag na ito? Isulat mo sa iyong sagutang
papel ang masasabi mo sa sumusunod na pahayag.

2 LU_Q2_Filipino7_Module1
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang
paunang gawain. Batay sa iyong inawit na awiting-bayan at binasang mga bulong,
mapapansin ang mga kaugalian, tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Sa
pagkakataong ito, babasahin mo kung paano nagsimula ang awiting-bayan at mga
bulong.

Lakbayin

Samahan mo akong alamin ang kahulugan ng Awiting-bayan at mga Bulong.


Subukan ding awitin ang iba’t ibang awiting-bayan ng mga taga-Bisaya.

Alam mo bang…

Ang Pilipinas ay napakayaman sa larangan ng Panitikan mula pa man sa


ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop? Sumasalamin ito sa
ating sariling kultura, tradisyon, kaugalian, paniniwala, pamumuhay at kasaysayan.
Isa sa patunay nito ang mga pasalindilang panitikan na Awiting-bayan at mga
Bulong na nagmula pa sa ating mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay
isinasabuhay pa rin natin.

Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating mga


ninuno bago pa man ang mananakop ng mga espanyol. Ito ang mga panitikang
pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula
sa iba’t ibang henerasyon.

Ang kabisayaan o mga taga-Bisaya ay isa sa napakayaman ng mga awiting-


bayan at mga bulong. Nasasalamin ng mga ito ang kanilang sariling
pagkakakilanlan.

Awiting-bayan
➢ Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa
ganitong paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa
mga awiting ito. Ito rin ay sinaunang awit ng mga Pilipino na tinatangkilik
pa rin ng mga kabataan maging sa kasalukuyan.
➢ Ito ay tinatawag ding kantahing-bayan na isa sa mga uri ng sinaunang
panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ay nasa
anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa
bawat taludtod.
➢ Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Masasalamin sa mga ito ang
kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanap-buhay.
➢ Taglay rin ng awiting-bayan ang iba’t ibang damdamin tulad ng kaligayahan,
kalungkutan, galit at kapanatagan ng kalooban.

Dahil ito’y repleksiyon ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino may iba’t


ibang uri ng awiting bayan para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyong
ipinagdiriwang.

3 LU_Q2_Filipino7_Module1
Uri ng Awiting-bayan
1. Balitaw – Awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya. Ito
rin ay kombinasyon ng awit, sayaw at debate na karaniwang umiikot sa
paksang pag-ibig.
2. Kundiman – Awit ng pag-ibig na ginagamit ng mga Tagalog. Ito ang ginagamit
ng mga kalalakihan upang suyuin ang kanilang iniibig na mga kababaihan
sa pamamagitan ng paghaharana.
3. Dalit – Awit panrelihiyon o himno ng pagkilala sa Maykapal.
4. Diyona – Awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal.
5. Dung-aw – Awit sa patay ng mga Ilokano.
6. Kumintang – Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
7. Soliranin – Awit sa pamamangka o sa mga manggagawa tulad ng magsasaka.
8. Oyayi o Hele – Awiting ginagamit para sa pampatulog ng bata.
9. Talindaw – Isa pang uri ng awit sa pamamangka o pagsagwan.

Gawain 3: Nagustuhan Ko!


Panuto: Sagutin ang naihandang tanong para sa iyo. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

Alin sa mga uri ng awiting-bayan ang pinakagusto mo? Pangatuwiranan.

Mahusay! alam kong sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan ng


Awiting-bayan. Ngayon samahan mo akong alamin at awitin ang mga awiting-bayan
na nagmula sa kabisayaan.

Awiting-bayang ipinagmamalaki ng mga Kabisayaan

Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Dandansoy Dandansoy
(Salin sa Filipino)
Dandansoy, baya-an ta ikaw,
Pauli ako sa payaw, Dandansoy, iiwan na kita
Ugaling kong ikaw hidlawon Uuwi na ako sa payaw
Ang payaw imo lang lantawon Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw
Dandansoy kon imo apason,
Bisan tubig di magbaon Dandansoy, kung ako ay iyong susundan
Ugaling kon ikaw uhawon Kahit tubig, huwag ka nang magbaon
Sa dalan magbubon-bubon. Ngunit ikaw ay mauhaw
Sa daan, may maiinumang balon.

https: //images.app.goo.gl./XsCyqT7pcYzkUz1m7

4 LU_Q2_Filipino7_Module1
Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Ay! Ay! Kalisud Ay! Ay! Kalisud


(Salin sa Filipino)
Ay! Ay, kalisud sang binayaan,
Adlao gab-i firmi kita guina tangisan, Ay! ay kalisud, kay saklap ng iniwan
Ay, ay! Inday nga walay sing kapalaran, Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Walay guid, walay guid sarang ko Ay! ay irog ko, ang sumpa’y bakit
kalipayan nalimutan?
Ay cielo azul abao! Diin ka na, bala Buhat nang iyong iniwan laging sa
Bulugui ta bangi ang na bilango sang kalungkutan.
gugma. O aking mahal, nahan ngayon ang
Mayad pa ng mamatay kung halus iyong habag
mamatay, Bakit di mo lingapin ang pusong
Agud di ako maka dumdum nga ako nagdurusa
walay kalipay. Aanhin ang buhay kung di matanaw
Ay! ay, kalisud sang binayaan, Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
Adlao gab-i firmi kita guina tangisan. kong buhay
Ay! ay! Inday nga walay sing kapalaran, O aking mahal, nahan ngayon ang
iyong habag
Walayguid, walay guid sarang ko Bakit di mo lingapin ang pusong
kalipayan. nagdurusa
Aanhin ang buhay kung di ka matanaw
Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
kong buhay.

https://br.pinterest.com/pin/554998354071012773/

Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Ili-Ili Tulog Anay Batang munti, Batang munti


(Salin sa Filipino)
Ili-Ili, tulog anay.
Wala diri imong nanay. Matulog ka na,
Kadto tienda Wala rito ang iyong ina.
Bakal papay. Siya ay bumili ng tinapay
Ili-ili Batang munti, batang munti
Tulog anay Matulog ka na.

https://storytellerstayo.ph/ugoy-ng-duyan/

5 LU_Q2_Filipino7_Module1
Awiting-Bayang Sugbuwanon / Cebuano

Ug Binhi Ang Binhi


(Salin sa Filipino)
Tra, la, la, la.
Aco’y gatanum ug binhi, Tra, la, la, la.
Nanalingsing, nabuhi. Ako’y nagtanim ng binhi,
Sana buhi, namunga, Sumibol, nabuhay.
Sa namunga ng naminhi. Di naglao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi.

https://www.christies.com/en/lot/lot-6080065

Kumusta! Alam kong marami ka ng natutuhan tungkol sa mga awiting-bayan


ng kabisayaan. Ngayon, handang-handa ka na sa mga gawain.

Gawain 4: Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin at itala ang mga kaugalian, tradisyon o paniniwala ng mga
kabisayaan na makikita sa mga awiting-bayan. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

Pamagat Tradisyon, paniniwala o kaugaliang


makikita sa Awiting-bayan
Awiting-bayan
1. Dandansoy
2. Ug binhi/ Ang binhi
3. Ili-Ili Tulog Anay
4. Ay! Ay Kalisud

Mahusay! binabati kita dahil natapos mo ang gawain. Magpatuloy at ating


alamin ang isa pang yaman ng ating mga katutubong panitikang pasalindila na
pamana sa kasalukuyan.

Bulong
➢ Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao
sa kapuloan ng Pilipinas? Isinasagawa ng ating mga ninuno at maging sa
kasalukuyang panahon ang mga bulong sa iba’t ibang sitwasyon.
➢ Ginagamit kapag nagpapasintabi kung napaparaan sa tapat ng nuno sa
punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang
tirahan ng mga engkanto, lamang lupa o maligno. Binibigkas ang mga bulong
upang mabigyang babala ang mga nilalang na hindi nakikita para maiwasan
silang masaktan o matapakan. Pinaniniwalaan kasing kapag nasaktan ang
mga nilalang na ito ay maari silang magalit at magdulot ng hindi
maipaliwanag na karamdaman o sakit.

6 LU_Q2_Filipino7_Module1
➢ Ginagamit ang bulong upang itaboy ang masasamang elemento sa iba’t ibang
lugar.
➢ Isinasagawa rin ang bulong ng mga albularyo sa kanilang panggagamot.
Ginagamit ang mga ito para gumaling ang taong may karamdaman tulad ng
nausog, sumakit ang tiyan, pagkahilo at pagkawala ng malay.
➢ Ito ay nagiging gamot sa pamamagitan ng pagbulong para sa mga taong
nakulam, namaligno o napaglaruan ng lamang-lupa.

Sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang kabisayaan ay naniniwala at


isinasagawa pa rin ang mga bulong na ito.

Mababasa ang mga halimbawang bulong ng kabisayaan sa halimbawang ito.

Sa ilonggo Salin sa Filipino

“Tabi-tabi… “Tabi-tabi …
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y masagi namin

Gawain 5: Bigyang Hatol Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Batay sa binasang bulong, ibigay ang mga kaugalian o paniniwala ng mga
kabisayaan?

2. Ano ang dahilan bakit isinasagawa ang mga bulong?

3. Bakit hanggang sa kasalukuyang panahon ay isinasagawa pa rin ang mga


bulong na ito?

Galugarin

Isa sa pinakapopular na awiting-bayan ng kabisayaan ay ang awit na Si


Pilemon na nagmula sa Cebu. Subukang alamin at ipaliwanag ang mahahalagang
detalye at mensaheng nais ipaabot nito.

Gawain 6: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Ipaliwanag ang mahalagang detalye, mensahe at kaisipan sa awiting-bayan
na sumasalamin sa kultura, pamumuhay, kaugalian at paniniwala ng mga
kabisayaan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. “Dandansoy, iiwan na kita, uuwi na ako sa payaw. Kung sakaling ika’y


mangulila sa payaw, ikaw ay tumanaw”.
Ano ang mensahe at damdamin ang isinasaad ng linyang ito? Ipaliwanag

7 LU_Q2_Filipino7_Module1
2. “Matulog ka na, Wala rito ang iyong ina. Siya ay bumili ng tinapay. Batang
munti, batang munti matulog ka na.”
Ano ang isinasaad na kaisipan ng awiting- bayan sa kaugalian ng mga
kabisayaan? Ipaliwanag

3. “Tra, la, la, la. Ako’y nagtanim ng binhi. Sumibol, nabuhay. Di naglaho’t
namunga, Ang bunga’y naging binhi.”
Ano ang isinasaad ng awiting-bayan sa kaugalian at pamumuhay ng mga
kabisayaan? Ipaliwanag

Gawain 7: Bigyang Linaw Mo!


Panuto: Ibigay ang mensahe at ipaliwanag ang kaugalian at pamumuhay ng
kabisayaan na sinasalamin ng awiting-bayang Si Pilemon. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Si Pilemon Si Pilemon
(Salin sa Filipino)
Si Pilemon, Pilemon
Namasol sa kadagatan Si Pilemon, si Pilemon,
Nakakuha-nakakuha nangisda sa karagatan,
Ug isdang ng tambasakan Nakahuli, nakahuli
Guibaligya, guibaligya ng isdang tambasakan,
Sa merkado ng guba Pinagbili, pinagbili
Ang halin puros kura, sa isang maliit na palengke
Ang halin puros kura Kumita ng kaunting pera,
Igo ra I panuba. kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.

https://www.antiquesandthearts.com/ -open-seasons

Pagpapaliwanag:

8 LU_Q2_Filipino7_Module1
Palalimin

Gawain 8: Pananaw Ko, Pakinggan Mo!


Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang talata tungkol sa paniniwala ng mga
Pilipino. Sagutin ang tanong sa sagutang papel.

Bilang isang kabataan sa modernong panahon, ano ang iyong pananaw ukol
sa paniniwala at kaugalian na ito?

9 LU_Q2_Filipino7_Module1
Gawain 9: Saliksikin Mo!
Panuto: Magsaliksik ng limang awiting-bayan sa inyong sariling bayan. Ilista lahat
ito sa sagutang papel. Pagkatapos, basahin ang talata at sagutin ang
mahalagang tanong tungkol sa mga awiting-bayan.

Awiting- Bayan

1.

2.

3.

4.

5.

Basahin at unawaing mabuti ang talata at sagutin ang mahalagang tanong.

Basahin:
Kasabay sa pagmoderno ng panahon, ang pagbabago ng mga musikang
pinakikinggan ng mga Pilipino. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa panlasa sa
mga musikang nais pakinggan lalong-lalo na ang mga kabataang tulad mo.
Nandiyan ang Rock, RnB, KPop, Ppop, Jazz, Reggae at kung ano-ano pa na
kinahuhumalingan ng mga kabataan. Dahil sa pag-usbong ng mga bagong awitin
unti-unti na ring nalilimutan at nawawala ang mga Awiting-bayan na pamana pa
sa atin ng ating mga ninuno.

10 LU_Q2_Filipino7_Module1
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta?
A. Awiting-Bayan B. Pambansang-awit
C. Bulong D. Katutubong awit

2. Ang awiting-bayan ay karaniwang sumasalamin sa ?


A. mayamang kalikasan ng ating bansa
B. suliraning kinakaharap ng ating bansa
C. kutura, paniniwala at kaugalian ng bansa
D. pagkamasayahin ng mga Pilipino sa araw-araw

3. Ang talindaw at soliranin ay karaniwang naiuugnay sa ?


A. pangangaso C. pamamangka
B. panliligaw D. pakikidigma

4. Ang bulong ay sumisimbolo sa paniniwala ng mga Pilipino sa ?


A. himala B. Diyos
C. engkanto D. kamalasan

5. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao


sa kapuloan ng Pilipinas.
A. Awiting-Bayan C. Bulong
B. Albularyo D. Dasal

6. Ito ay ginagamit o sinasambit upang itaboy ang mga masasamang


espirito noong unang panahon at maging sa kasalukuyan?
A. Awiting-Bayan C. Bulong
B. Albularyo D. Dasal

7. Ano ang tawag sa awiting-bayang inaawit sa panahon ng


pamamanhikan o sa kasal?
A. Balitaw B. Dalit
C. Diyona D. Kundiman

8. Ano ang awiting-bayang ginagamit ng mga ilokano tuwing may patay?


A. Balitaw C. Dung-aw
B. Dalit D. Kumintang

11 LU_Q2_Filipino7_Module1
9. Ano ang ibig ipakahulugan at mensahe ng awiting-bayang “Ili-ili
tulog
anay”?
A. Mahirap ang pag-aalaga ng bata.
B. Masaya ang maging inang may anak.
C. Responsibilidad ng ina sa kaniyang anak.
D. Pag-aruga at pag-aalaga ng ina sa kaniyang anak.

10. Ano ang ibig ipakahulugan at mensahe ng awiting-bayang


“Ay, ay Kalisud”?
A. Pagkawalay sa kaniyang mga magulang.
B. Pagkabigo dahil sa pangarap na inaasam-asam.
C. Kalungkutan at kasawian sa kaniyang minamahal.
D. Wala ng saysay ang buhay dahil sa pagkabigo sa pag-ibig.

B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng mga awiting-bayan ang


sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Talindaw B. Oyayi C. Balitaw D. Kundiman


E. Soliranin F. Dalit G. Dung-aw H. Diyona

1. Dandansoy
2. Si Filemon
3. Ili-ili tulog anay
4. Ay, ay kalisud
5. Ug Binhi

You might also like