You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Tarlac State University


College of Education
A.Y. 2020-2021

MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA ARALING PANLIPUNAN GRADO 2

Pagmamalaki sa ating Pambansang Wika

Inihanda ni:

ERWIN D. RIGOR
BEED 2-1
2nd Semester 2020-2021

Iniwasto ni:

PROF. DOUGLAS C. FERRER


Area Head, Social Studies

Binigyang-pansin ni:

PROF. EIZBETH P. BALANQUIT


Chairman, BSED Department

March 6, 2021
I. Layunin:
 Natutukoy ang Pambansang Wika.
 Nasasabi nang may pagmamalaki ang pambansang wika.
 Napapahalagahan ang pagkakakilanlan ng ating bansa.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa:
Pambansang Wika
B. Mga Kagamitan:
 Sibika at Kultura 1, pah. 79
 Sibika at Kultura, pah. 68
 Plas Kards
 Telebisyon ( Ako’y Pinoy Song)

C. Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa ating pambansang wika.

III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral
A. Paghahanda
1. Pagdarasal

Tumayo ang lahat. Iyuko natin


ang ating mga ulo at tayo ay
manalangin.

2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban

Sino ang lumiban ngayong araw?


Bago tayo magsimula ay hayaan
niyo muna akong magtsek kung
sino ang lumiban at dumalo.
Kapag natawag ko ang inyong
pangalan, ang inyong sasabihin ay
“Narito po”
Maliwanag mga bata? Opo sir!

4. Pagpasa ng Takdang Aralin

B. Balik Aral
Bago tayo magtungo sa ating
bagong aralin ay nais ko munang tayo
ay magbalik aral.
Magkakaroon tayo ng paligsahan sa
paghula ng mga pambansang sagisag
na napag- aralan natin kahapon,
titignan ko kung may natatandaan pa
kayo, Opo sir!
Handa na ba ang lahat?
Ano ang pambansang awit ng
Pilipinas?

Sir Lupang Hinirang po.

Magaling!

Sino naman ang pambansang bayani?


Sir! Si Dr. Jose P. Rizal

Mahusay!
Ano naman ang pambansang sayaw?

Sir! Tinikling po

Magaling!

Ano naman ang pambansang kasuotan?

Barong tagalog at Baro’t Saya


Mahusay!

Ano naman ang pambansang prutas?

Sir, Mangga po

Magaling!
Ito na ang huli ano ang pambansang
ibon?

Sir, ito po ay ang Agila

Napakahusay!

Ako ay nagagalak na malaman na inyo pang


naaalala ang ating aralin kahapon.

C. Pagganyak
Ngayon mga bata ay tatanungin kong
muli kayo patungkol sa mga wika na
karaniwang ginagamit natin sa loob
ng silid aralan?

Sige nga, ano ang karaniwang


wika ang ginagamit natin sa loob ng silid Sir, Ilocano po
aralan mag bigay nga ng isa.
Magaling!

Ano pa? Sir, Kapampangan po


Aba’t Mahusay. Meron pa ba?

Nadali mo! Mahusay. Sir, Tagalog po

D. Panlinang na Gawain
A. Paglalahad ng Paksa

Ang wikang Filipino ay


ang pambansang wika at isa Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng
sa mga opisyal na mabuti.
wika ng Pilipinas.

Ang pagbuo ng isang


pambansang wika upang
mapagkaisa ang buong
bansa ay mithiing
nagsimula noong 1935, sa
panahon ni Pangulong
Manuel L. Quezon.
May tanong ako, inyo
bang nakikilala ang nasa
larawan?

Sir, Ang dating Pangulong Manuel L.


Quezon po.

Magaling!
Siya ay si Dating Pangulong Manuel Luis
Quezon na siyang tinaguriang Ama ng ating
WIKANG PAMBANSA.

B. Pagsasagawa
Ngayon mga bata tayo ay Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng awitin
aawit ng awiting at sinimulan naring awitin.
pinamagatang “Ako’y Pinoy
na isinulat ni Florante De
Leon, sa pamamagitan ng
ating Telebisyon.

Ako’y Pinoy by Florante


Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ang mga mag-aaral umaawit.
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat Jose Rizal nuo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda

C. Pagpapahalaga
Ngayon mga bata ano ang Gumuhit ang mga mag- aaral
mahalagang aral na inyong
natutunan sa araw na ito?

Naghanda ako ng mga


cartolina upang iguhit
kung ano ang
mahahalagang natutunan
niyo ngayon araw.

Magagaling, ako ay lubhang


nagagalak dahil sa mga naibigay niyong
mga kasagutan gamit ang pag guhit, at
lahat ng inyong ginuhit ay tama. Mahalin
natin, pagyamanin ang wika natin dahil ito
ang pagkakakilanlan natin.
E. Pangwakas na Gawain
A. Paglalahat/Paglalapat
Ano ang pambansang wika
natin? Sir, WIKANG FILIPINO PO.

Magaling!

Sino naman ang Ama ng


Wikang Pambansa? Sir si Pangulong Manuel Luis Quezon po.

Wow, Mahusay.

B. Pagtataya/Ebalwasyon
PANUTO: TAMA O MALI. Ilagay ang letrang T kung tama ang nilalaman ng bawat
pangungusap at M naman kung mali.

1. _____ Ang wikang Filipino ating Pambansang Wika

2. _____ Mahalagang pag-ingatan ang ating pambansang wika.

3. _____ Mahalin at galangin ang ating pambansang wika.

4. _____ Ang dating pangulong Manuel Roxas ang ama ng Wikang Pambansa

5. _____ Tagalog ang wikang opisyal ng Pilipinas.

IV. Takdang Aralin

 Pag- aaralan bigkasin nang maayos ang Wikang Filipino.

You might also like