You are on page 1of 8

a.

Ano-ano ang mga bagay na nakahiligan


mong gawin noong ikaw ay bata pa?
b. Paano mo nagagawa ang iyong
nakahiligan?
c. Ano ang pakiramdam mo kapag
nakagagawa ka ng magandang bagay na
alam mong ikaw ang bumuo? Bakit?
Pinoy…Iba ka!
Ang totoong Filipino ay may pagmamahal sa kanyang bansa.
Pinakikita niya ang pagiging Filipino sa pamamagitan ng
pagsisikap at lahat ng kanyang magagandang nagawa.
Pinatutunayan sa lahat na siya ay may angking talino at
kakayahan. Walang takot na hinaharap ang hamon sa buhay
mabigo man o magtagumpay.
Ang ating bansa ay nakilala ng mga dayuhan dahil din sa
ating mga angking kakayahan. Ang pagiging malikhain natin sa
larangan ng sining; palakasan, sayaw, awit, maging pinilakang
tabing. Maging sa angking kagandahan ay malaking kakilanlan
ang ilan nating kababayan.
Efren “Bata”
Reyes Pangkat
kawayan

Lea
salonga

Michael Christian
martinez Lisa
macuja
Pinoy…Iba ka!
Likas sa mga Filipino ang maging malikhain, dahil sa mga
bagay na nakikita natin sa ating kapaligiran. Dito tayo
hinahangaan ng mga dayuhan. Nakalilikha tayo mula sa mga
bagay na lagi nating nagagamit, nakikita at pangangailangan.
Natutulungan tayong iangat ang antas ng ating pamumuhay sa
pamamagitan ng Sining; pagpinta o pagguhit, pagsasayaw, pag-
arte maging sa paraan ng pag-awit at paggawa ng pelikula.
Malaki ang magiging bahagi mo sa ating lipunan kung ikaw ay
magiging malikhain. Linangin mo ang iyong mga kakayahan o
talento.
Pandaigdigang Pagkakaisa
Tayong mga Filipino at tunay na malikhain; sa isip, sa
salita at sa gawa. Dahil tayo ay masayahin, nakagagawa
tayo ng mga bagay na nakapagpapasaya sa ating kapwa,
dahilan din upang umangat tayo sa larangan ng
makabagong teknolohiya. Nakagagawa o nakatutuklas tayo
ng kakaibang bagay ayon sa pangangailangan natin upang
maiangat ang antas ng ating pamumuhay. Maging daan
upang makamit ang pandaigdigang pagkakaisa.
Pangkatang Gawain
Inaatasan ang inyong pangkat na bumuo ng isang
sayaw gamit ang modernong tugtugin gamit ang
hakbang ng katutubong sayaw. Bumuo ng mga pangkat
para sa maikling palabas. Ang gawaing ito ay
maibabahagi at maipapakita ang inyong kaalaman,
talento at pagiging malikhain.
Pamantayan

5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos


Ang presentasyon ay maayos at pinaghandaan
Ang bawat isa sa grupo ay kasali at nagtulong-tulong
Ang nabuong sayaw ay angkop sa napiling tugtog
Naipakita ang kagalingan at pagkamalikhain
KABUUANG PUNTOS
“Nasa Diyos
ang awa, nasa
tao ang gawa.”

You might also like