You are on page 1of 12

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

H  SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 





I  MATERYAL AT  
DI‐MATERYAL NA 
 
KULTURA 
4  Department of Education 
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 
2nd Floor Bonifacio Building 
DepEd Complex, Meralco Avenue 
Pasig City 
Revised 2010 
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 
DepEd ‐ Division of Negros Occidental 
under the Strengthening the Implementation of Basic Education 
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  This edition has been revised with permission for online distribution 
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal 
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported 
by AusAID.  
GRADE IV

MATERYAL AT DI-MATERYAL NA KULTURA

ALAMIN MO

Pag-aralan ang larawan sa ibaba.

Anong ipinakikita ng mga larawan?

1
Makikita pa ba natin sa kasalukuyan ang mga gawaing tulad nito? Bakit
kaya?

Ang gawaing ito ay bahagi ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinakikita rito


ang mga paraan kung paano sila namumuhay, ang kanilang mga gawain, mga
kagamitan, kaugalian at mga paniniwala. Kultura ang tawag dito.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa –

• Dalawang uri ng kultura ng mga Pilipino – ang materyal at di-


materyal

PAG-ARALAN MO

Maliwanag na ba sa iyo ngayon kung ano ang kultura?

A. Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. May ganito rin ba sa bahay


ninyo?

1.

2.

3. 4.

KILALALANIN ANG BAWAT ISA

2
Nahahawakan ba ang mga ito?
Bahagi rin ba ito ng ating kultura?

B. Anong ginagawa ng mga bata sa larawan?

Ang sayaw ba at laro ay nahahawakan?


Bahagi rin ba ito ng ating kultura?

May dalawang uri tayo ng kultura. Alam mo ba kung anu-ano ang mga
ito?

Ito ay ang kulturang materyal at kulturang di-materyal. Kaya mo bang


tukuyin kung alin sa mga larawang nauna ang bahagi ng materyal na kultura at
ng di-materyal na kultura?

Upang matulungan ka sa pagtuloy nito, suriin mong mabuti ang


sumusunod na paghahambing sa dalawa.

Kulturang Materyal Kulturang Di-Materyal


Mga bagay na nakikita, nahihipo o Mga bagay na di- nahahawakan o
nahahawakan gaya ng damit, di-nahihipo gaya ng awit, sayaw,
kasangkapan, pagkain, tirahan, sining at panitikan, mga tradisyon,
palamuti sa bahay at sa katawan, at kaugalian, paniniwala, saloobin,
iba pa. edukasyon, pagpapahalaga,
pamahalaan, at iba pa.

3
Maliwanag na ba sa iyo kung ano ang materyal at di-materyal na kultura?

PAGSANAYAN MO

Isulat sa kuwadernong sagutan ang sagot sa mga sumusunod na


pagsasanay.

A. Isulat ang M kung materyal at DM kung di-materyal ang bawat


kulturang sumusunod.

________________ 1. Katutubong awit

________________ 2. Katutubong sayaw

________________ 3. Kwintas, hikaw at palamuti

________________ 4. Prusisyon

________________ 5. Bahay-Kubo

________________ 6. Barangay

________________ 7. Bugtong at Kasabihan

________________ 8. Simbahan sa Quiapo

________________ 9. Paghalik sa kamay ng nakatatanda

________________ 10. Banga at palayok

4
B. Magbigay ng 7 halimbawa ng materyal na kultura at 7 di-materyal.

Kulturang Materyal Kulturang Di-Materyal

Kung nagawa mo na ng mahusay ang mga pagsasanay, binabati kita!

TANDAAN MO

• Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagbibigay ng


pagkakakilanlan sa kanila ay tinatawag na kultura.

• Ang Kulturang materyal ay mga bagay na nakikita, nahahawakan o


nahihipo at nagagamit sa araw-araw na pamumuhay gaya ng
pagkain, tirahan, damit at kagamitan.

• Ang mga Kulturang di-materyal ay di-nahihipo o nahahawakan gaya


ng paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, edukasyon at iba pa.

5
ISAPUSO MO

Magbigay ng 3 kaugaliang Pilipino na nakikita mo pa ring ginagawa


hanggang ngayon.

a.
b.
c.

Nakabuti ba sa palagay mo ang pagsasagawa nito hanggang sa


ngayon?Pangatwiranan mo ang Iyong sagot.

GAWIN MO

Gumawa ng isang larawan na nagpapakita ng mga materyal at di-


materyal na bahagi ng kultura ng mga Pilipino.

PAGTATAYA

Isulat ang sagot sa mga sumusunod sa iyong kuwadernong sagutan.

A. Sabihin kung materyal o di-materyal na bahagi ng kultura ang ipinapakita


sa mga sumusunod na larawan.

6
1.

2.

3.

7
4.

5.

6.

8
7.

8.

9.

9
10.

B. Basahin at unawain ang bawat pangungusap.


Isulat ang √ kung ang pangungusap ay Totoo, at X, kung Hindi-Totoo.

_____ 1. Ang larong sipa ay halimbawa ng kulturang di-materyal nating


mga Pilipino.
_____ 2. Ang kultura ng bansa ang nagbibigay ng pagkakakilanlan dito.
_____ 3. Bahagi ng ating kulturang material ang mga katutubong
sayaw.
_____ 4. Ang sining at panitikan ay bahagi ng kulturang material ng
bansa.
_____ 5. Ang pangingisda ay halimbawa ng kulturang material ng mga
Pilipino.
_____ 6. Ang bahay-kubo ay halimbawa ng kulturang material.
_____ 7. Ang batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay maituturing na
kulturang di-materyal.
_____ 8. Bahagi ng ating kulturang material ang mga katutubong awit.
_____ 9. Ang relihiyon ay bahagi ng ating kulturang di-materyal.
_____ 10. Ang baro’t saya ay halimbawa ng kulturang material.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

10

You might also like