You are on page 1of 21

SINING ARALIN 1

Mga Disenyo sa Kultural na


Pamayanan sa Luzon
Kultural na Pamayanan
sa Luzon
Ifugao
Kalinga
Gaddang
 Ang mga kultural na pamayanan
sa Luzon tulad ng Gaddang ng
Nueva Viscaya, Ifugao at Kalinga
ng hilagang Luzon ay may kani-
kanilang ipinagmamalaking obra.
 Ang kanilang mga disenyo ay
ginagamitan ng iba’t- ibang linya,
kulay at hugis.
 Ang mga linya ay maaaring
tuwid, pakurba, pahalang at
patayo.
Kadalasang ang mga
kulay na ginagamit ay
pula, dilaw, berde at
itim.
 Iba’t- ibang hugis ang makikita sa
mga disenyo tulad ng triyanggulo,
kwadrado, parisukat, bilog at
bilohaba.
 Ang kanilang mga disenyo ay
hango sa kalikasan o sa kanilang
kapaligiran.
1. Katutubong Ifugao
 Naninirahan sila sa Hilagang Luzon
 Makikita ang kanilang mga disenyo sa kanilang
mga kasuotan at kagamitan
 Ilan sa kanilang mga disenyo ay araw, kidlat,
isda, ahas, butiki, puno at tao.

Dibuhong araw Dibuhong tao


Disenyong Ifugao
2. Katutubong Kalinga

 Makukulay ang pananamuti ng


mga Kalinga na matatagpuan
sa pinakahilagang bahagi ng
Luzon.
 Ang kanilang mga palamuti sa katawan ay
nagpapapakilala sa kanilang katayuan sa
lipunan.
 Madalas gamitin ng
mga Kalinga ang kulay
na pula, dilaw, berde, at
itim.
Disenyong Kalinga
3. Katutubong Gaddang

 Ang mga Gaddang sa Nueva Viscaya ay kilala


at bantog sa paghahabi ng tela.
 Ang mga manghahabing
Gaddang ay gumagamit ng
tradisyunal na hakbang sa
paghahabi na may
mabusising paglalagay ng
mga palamuti gaya ng plastic
beads at bato.
 Ilan sa kanilang mga
produkto ay bakwat (belt),
aken (skirt), at abag (G-
string) na gawa sa mga
mamahalin at maliliit na bato.
Disenyong Gaddang

You might also like