You are on page 1of 1

Sa ating punong guro, Gng. Maria Paz S.

Pernia, mga guro, mga


kapwa ko mag-aaral, mga kaibigan magandang umaga po sa inyong
lahat. Ako si Michaila Ellaine R. Palmero, isang mag-aaral mula sa
ikalimang baitang Science Class.
Ang inyong lingkod ay humahangad bilang isang SPG Treasurer o
Ingat yaman sa ilalim ng LEAD Party (Lead for
Excellence ,Academics and Development).
Ano nga ba ang aking maiaambag sa ating Samahan kung sakaling
akoy palaring manalo sa halalang ito.
 Unang una, hango sa pangalan ng aming partido maglilingkod
ako / kami ayon sa aming kakayahan ng may kahusayan
upang makatulong sa pag-unlad ng paaralan
 Pangalawa, isusulong ko ang pagkakaroon ng fund raising
campaign para sa ating samahan at makabuo ng ibat -ibat
proyekto para sa paaralan.
 Pangatlo, isusulong ko ang pagkakaroon ng transparency sa
mga usaping pinansyal ng samahan.
 Pang apat, makikiisa ako sa mga gawain ng Samahan na
makakatulong sa ating paarlan.
 At pang lima, gagampanan ko ang aking tungkulin ng may
saya, dedikasyon at katapatan.

Kung kaya’t sa darating na huwebes, umaasa ako at ang aking mga


kapartido sa inyong mahalagang suporta.
Muli, maganda umaga at Mabuhay tayong lahat. Mabuhay ang
SPG! Mabuhay ang paaralang Elementarya ng Gabaldon. Maraming
Salamat po!

You might also like