You are on page 1of 4

pRepublic of the Philippines

Department of Education
Region I-Ilocos Region
Schools Division Office- City of San Fernando (LU)
SAGAYAD ELEMENTARY SCHOOL
SAGAYAD, City of San Fernando, La Union
__________________________________________________________________________________________
Banghay Aralin sa EPP V
Entrepreneurship/ICT
I. LAYUNIN:
1. Nakasasagot nang may buong pag-unawa sa mga tanong tungkol sa paksa
2. Naisasapuso ang kahalagahan ng pasaalang-alang sa kapwa
3. Nakasusulat ng mga pangungusap na nagpapahayag ng pagsaalang-alang sa kapwa

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Ang mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at Serbisyo
Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Kagamitan: video lesson,activity sheets
Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), Health
III. PAMAMARAAN:
A. BALIK-ARAL
 Ano ang ating napagaralan noong nakaraang araw?
 Ano ang kahulugan at kahalagahan ng produkto at serbisyo?
 Bakit ito mahalaga sa mga taong katulad mo?
 Magbigay ng mga halimbawa ng produkto at serbisyo.

B. PAGGANYAK
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga taong nakikita ng mga bata sa kanilang
paligid.

 Sino-sino ang mga nasa larawan?


 Iba-iba ba nag kanilang pangangailangan sa araw-araw?
 Ano-ano ang mga pangangailangan ng bawat isa?

B. PAGLALAHAD

Gamit ang mga larawan na kanilang nakita, magtatanong ang guro na may kaugnay sa paksang
tatalakayin. Itatanong ng guro ang sumusunod:

 Sa inyong palagay, mayroon bang pagkakaiba ang mga pangangailangan ng


bawat tao sa inyong larawang nakita?
 Ano ang posibleng dahlia kung bakit magkakaiba ang mga pangangailanagn ng
mga nasa larawan?
 Sa mga larawang inyong nakita, may konsepto na ba kayong nabuo tungkol sa
ating tatalakayin?
C. PAGTATALAKAY
Tatalakayin ng guro ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo
gamit ang video lesson at kolaborasyon ng mga bata sa pakikinig at pagsagot sa bawat
katanungan.
1. Konsumer o kostomer
-may sariling pangangailangan na angkop sa kanilang edad,kalagayan,
kalusugan, hanap-buhay o gawain at kasarian

Halimbawa:
Buntis- mga gamit ng bagong silang na sanggol, bitamina, OBGYN
Sanggol-Pedia, gatas, bitamina, matutulugan
Matanda- gamut, bitamina, pagkain
may sakit- gamut, doctor, pagkain, ,maiinom
mag-aaral- lapis, kwaderno, kulay
mag-anak- bahay, pagkain
teenager-uniporme
mga taong naghahanap-buhay-pagkain
D. PAGLALAPAT
Gamit nag tab board ng mga bata, sasagutan nila kung ang mga sumusunod na larawan ay
pangangailangan ng bawat konsyumer.

E. PAGLALAHAT
 Ano ang inyong napag-aralan sa araw na ito?
 Sino-sino ang mga nangangailangan ng angkop na serbisyo at produkto?
 Magbigay ng mga halimbawa ng kanilang pangangailangan?
 Tama ba na dapat maibigay sa ating kapwa ang angkop na pangangailangang produkto at
serbisyo? Bakit?
 Kung hindi maibibigay ang angkop na pangangailangan sa ating kapwa ano ang
mangyayari?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Isulat sa patlang kung T kung ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa
pangangailangan ng ating kapwa at M kung hindi.

_____1. Matibay ang sapatos ni Pedro.


_____2. Epektibo ang nabiling bitamina ni Aling Rose.
_____3. Madaling masira ang uniporme ni Anna.
_____4. Expired na pala ang nabili niyang gamot sa botika.
_____5. Masusutansiyang prutas ang binili ni Jenny.
_____6. Ang nilutong merienda ni Chloe ay napanis kaagad.
_____7. Laging pinapaasyos ni Mang Ambo ang kanyang electric fan.
_____8. Si Jordan ay nakasuot ng makapal na jacket sa gitna ng kalsadang tirik ang araw.
_____9. Bumili si Ante Lucy ng mas murang gamot ngunit hindi gaanong mabisa para sa kanyang sakit.
_____10. Tinatangkilik ng aking ina ang mga gawang pinoy dahil sa ito ay mas matibay.

V. TAKDANG ARALIN
Magtala ng mga 5 miyembro ng pamilya isulat ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Reflection:

_____________ of Learners who earned 80% above

_____________of Learners who require additional activities for remediation


i

You might also like