You are on page 1of 3

Department of Education, Region V

Division of Sorsogon
Gubat North Central School
Unang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan IV

Pangalan ______________________________ Baitang: ______ Seksyon: ______________ Marka ______

I.Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1.Ang kapuluang matatagpuan sa timog-silangang Asya ay ang _________ .


A.Indonesia B.Malaysia C.Pilipinas D.Thailand

2.Ang samahang politikal na itinataguyod ng tao at may layuning tugunan ang kanilang mga pangangailangan
ay tinatawag na __________ .
A.bansa B.teritoryo C.pamahalaan D.soberanya

3.Tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang nasasakupan ang _________ .


A.bansa B.teritoryo C.pamahalaan D.soberanya

4.Ang ___________ ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar.


A.bansa B.teritoryo C.pamahalaan D.soberanya

5.Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing ____________ .


A.hilaga B.silangan C.timog D.kanluran

6.Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang __________ .


A.China B.Japan C.Taiwan D.Hongkong

7.Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at
iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito ay ____________ .
A.amihan B.bagyo C.klima D.monsoon

8.Ito ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig ng isang lugar.


A.klima B.temperatura C.monsoon D.amihan

9.Hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan at ang pagbabago sa klima na pinaniniwalaang Gawain ng


tao at maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera ang tinatawag na _________ .
A.atmospera B.bagyo C.climate change D.tsunami

10.Ang paiba-ibang ng ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang lugar.
A.monsoon B.amihan C.habagat D.bagyo

11.Saang lugar nakapagtala ng pinakamainit na temperatura?


A.Lungsod ng Tuguegarao B.Lungsod ng Baguio
C.Lungsod ng Tagaytay D.Metro Manila

12.Saan ngmumula ang hanging nagpapaganda ng klima ng bansa?


A.Dagat Kanlurang Pilipinas B.Dagat Celebes
C.Karagatang Pasipiko D.Dagat Sulu

13.Kailan inilalagay sa Babala Bilang 3 ang bagyo?


A.Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras
B.Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras
C.Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras
D.Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras

14.Ito ang pangunahing pananim sa bansa sapagkat ito ay tumutubo sa lahat ng dako ng Pilipinas lalo na
sa lupang di-gaanong malagkit kung magputik.
A.mais B.palay C.niyog D.tubo

15.Ang temperaturang hindi bababa sa 21⁰C at hindi tataas sa 32⁰C ay mainam sa pagtatanim ng puno
ng ________ .
A.mais B.tubo C.niyog D.abaka

16.Karamihan ng pananim na abaka ay makikita sa lalawigan ng ___________ .


A.Pampanga B.Sorsogon C.Benguet D.Palawan
17.Ang mamag o tarsier ay tanging sa madidilim na kagubatan lamang makikita sa lalawigan ng ________ .
A.Palawan B.Mindoro C.Bohol D.Davao

18.Isa sa pinakamaliit na isda sa buong mundo at matatagpuan rin sa bansa ay ang ________ .
A.tabios B.dilis C.hito D.talakitok

19.Ang maritime o ________ ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa.


A.kapuluan B.insular C.karagatan D.kagubatan

20.Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging insular ng bansa?


A.Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat.
B.Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito.
C.Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa loob at labas ng bansa.
D.Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa.

21.Ito ay malawak na lupain na patag, mababa, at angkop sa pagtatanim ng palay, mais at gulay.
A.kapatagan B.talampas C.lambak D.burol

22.Pabilog ang hugis ng itaas nito at madaling makapagpalago ng damo kaya mainam dito ang pag-aalaga
ng hayop.
A.bundok B.burol C.lambak D.bulubundukin

23.Ang Lungsod ng __________ ang pinakatanyag na talampas sa bansa at dinarayo ng mga turista lalo
na sa panahon ng tag-araw.
A.Baguio B.Tuguegarao C.Kidapawan D.Legazpi

24.Ito ang pinakamalalim, pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig.


A.dagat B.karagatan C.golpo D.tsanel

25.Ito ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas.


A.Ilog Pasig B.Ilog Cagayan C.Rio Grande de Mindanao D.Ilog Agno

26.Ang ____________ ang pinakamahabang hanay ng bundok sa bansa.


A.Bundok Cordillera B.Bundok Sierra Madre
C.Bundok Arayat D.Bundok Apo

27.Hinubog ang palayang ito ng ating mga ninuno na isang patunay ng sipag at tiyaga ng mga Pilipino.
A.Tulay ng San Juanico B.Hagdang-hagdang Palayan
C.Rizal Shrine D.Hundred Islands

28.Isa sa pinakamataas na talon, ang lakas nito ay nagtutustos ng lakas elektrisidad sa malaking bahagi
ng Mindanao.
A.Talon ng Pagsanjan B.Talon ng Maria Cristina
C.Talon ng Busay D.Talon ng Bayugin

29.Ang _________ ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar.


A.arkipelago B.topograpiya C.teritoryo D.kapuluan

30.Anong rehiyon ay may pinakamalaking lambak sa bansa?


A.Rehiyon I B.Rehiyon II C.Rehiyon III D.Rehiyon IV-A

II.Sagutin ng Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at mali kung hindi wasto.
____ 31.May kinalaman ang klima sa uri ng mga pananim na matatagpuan sa Pilipinas.
____ 32.Unti-unti nang nauubos ang ilang hayop sa bansa tulad ng agila.
____ 33.Dapat pangalagaan at panatilihin ang kaayusan ng mga likas na kapaligiran, ng mga pananim, at
hayop sa bansa.
____ 34.Ang kipot at tsanel ay parehong nagdurugtong sa dalawang malaking anyong tubig.
____ 35.Mula sa mga likas na yaman nakukuha ang pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao.
____ 36.Ang malalawak na taniman ng pinya ay makikita sa mga lalawigan ng Luzon.
____ 37.Ang marmol ay isang halimbawa ng yamang mineral na di-metal.
____ 38.Ang “coral reefs” ay unti-unti nang nauubos dahil sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.
____ 39.Tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan at panatilihin ang kagandahan ng magagandang
tanawin at pook-pasyalan sa Pilipinas.
____ 40. Ang ating bansa ay may bako-bakong lupa at paliko-likong baybayin.
Unang Markahan
Talahanayan ng Ispesipikasyon
Araling Panlipunan IV

Pamantayan sa Pagkatuto Bilang Bilang ng Aytem


1.Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga
nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon 1, 5, 6 3

2.Naiisa-isa ang katangian ng bansa 2, 3, 4 3

3.Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may


kinalaman sa klima ng bansa 7, 8, 9, 10, 13 5

4.Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa 11, 12 2

5.Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa 14,15,16,17,18 5

6.Naipapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang


maritime o insular 19, 20 2

7.Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at


anyong tubig ng bansa 21, 22, 23, 24 4

8.Nailalarawan ang katangian ng magagandang tanawin at pook-


pasyalan sa bansa 25, 26, 27, 28 4

9.Nasasabi ang kahulugan ng topograpiya 29 1

10.Nahahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon gamit ang


mapa ng topograpiya 30 1

11.Naipapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng mga


pananim at hayop sa Pilipinas 31, 35, 36, 37 4

12.Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga


katangiang pisikal sap ag-unlad ng bansa 32, 33, 38, 39 4

13.Nailalarawan ang yamang lupa, yamang tubig at yamang mineral 34, 40 2


Bilang ng Aytem 40

You might also like