You are on page 1of 2

I. Piliin ang titik na may tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa isang bansa kapag ito ay nakakabit sa isang kontinente.
a. insular b. kontinental c. relatibong lokasyon
2. Ito ang elementong nagpapatupad sa ganap na kapangyarihan ng mga mamamayan.
a. teritoryo b. pamahalaan c. soberanya
3. Ito ang pinakamahalagang element ng estado.
a. mamamyan b. soberanya c.teritoryo
4. Ito ay katangian ng isang bansa na tumutukoy sa pangngasiwa at paghawak ng kapangyarihang pampolitika
para sa kasapi, mamamayan, katutubo ng isang komunidad, lipunan , at estado.
a. kasaysayan b. kultura c. pamahlaan
5. Ito ay element ng estado na tumutukoy sa pisikal na ari-ariang nasasakop ng estado.
a. teritoryo b. soberanya c. mamamayan
6. Ito ay katangian ng isang bansa na tumutukoy sa kabuoang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang lahi.
a. kultura b. lahi c. wika
7. Ito ay katangian ng isang bansa na tumutukoy sa mga salitang ginagamit sa isang pook o rehiyon
upang magkaunawaan.
a. pamahalaan b. wika c. lahi
8. Ito ay katangian ng isang bansa na tumutukoy sa mga pangyayaring naganap sa kauna-unahang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
a. wika b. lahi c. kasaysayan
9. Ito ay katangian ng isang bansa na tumutokoy sa pangkat ng mga tao na may pinagmulan.
a. lahi b. kasaysayan c. kultura
10. Ito ang nagsasabi kung gaano kainit at kalamig ang isang lugar.
a. temperatura b. panahon c. klima
11. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang lagay ng panahon.
a. klima b. temperatura c. panahon
12. Ito ang mga buwan kung saan nararanasan ang tag-ulan sa Pilipinas.
a. Marso-Mayo b. Disyembre-Pebrero c. Hunyo-Nobyembre
13. Ito ay hangin na nakararating sa Pilipinas mula sa timog-kaluran.
a. hanging amihan b. hanging habagat c. hanging hilaga
14. Ito ang mga buwan kung saan nararanasan ang tuyong taglamig sa Pilipinas.
a. Disyembre-Pebrero b. Hunyo- Nobyembre c. Marso-Mayo
15. Ito ay hangin na nakararating sa Plipinas mula sa hilagang silangan.
a. hanging hilaga b. hanging amihan c. hanging habagat
16. Ito ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng ulat sa kalagayan ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng
bansa.
a. PAGASA b. PHIVOLCS c. DOLE
17. Ito ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas.
a. Cagayan River b. Mindano River c. Agusan River
18. Ito ang itunuturing na pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
a. Bundok Pulag b. Bundok Arayat c. Bundok Apo
19. Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyong tubig.
a. dagat c. look b. karagatan
20. Ito ay higit na mas maliit kaysa karagatan.
a. lawa b. kipot c. dagat
21 Ito ay anyong lupa na ang dulo ay umaabot na sa dagat o lawa.
a. tangos b. tangway c. pulo
22. Ito ay magkakadikit at kabit-kabit na bundok.
a. talampas b. bundok c. bulubundukin
23. Ito ay mataas na anyong lupa
a. bulkan b. bundok c. kapatagan
24. Ito ay anyong lupa na may bunganga o crater sa itaas.
a. lambak b. bulubundukin c. bulkan
25. Ito ang pinakamahabang hanay ng bulubundukin sa Pilipinas.
a. Sierra Madre b. Caraballo c. Zambales
26-28. Gumuhit ng tatlong anyong lupa.
29-30. Gumuhit ng dalawang anyong tubig.

You might also like