Professional Documents
Culture Documents
I. PANIMULA
Uri ng Panitikan:
Sarswela
Bansang Pinamulan:
Pilipinas
Patricio Mariano
Isang bantog na makata, nobelista, mandudula, nasyonalista,, rebolusyonaryo, biyolonista at
pintor. Nakaambag siya sa pagpapaunlad ng dulang Tagalog at gayundin ay iniangat ang
kasiningan ng dula sa panahon ng komersyalisasyon.
Isinilang siya noong Marso 17, 1878 sa Santa Cruz, Maynila kina Petronilo Mariano at Dionisia
Geronimo. Nag - aaral siya ng Sekundarya sa Ateneo Municipal at Colegio de San Juan Letran.
Nag - aaral siya ng pagpipinta, biyolin, abogasya at bookkeeping sa Escuela de Artes y Oficios.
Natanggap niya niya ang Bachelor of Arts sa Liceo de Manila. Nagging manunulat siya ng mga
sarswela at nagsalin ng mga akdang pampanitikan. Ang kanyang unang dula, Sampaguita, ay
itinanghal sa teatro Zorilla noong 1901; Ang Silanganan sa Teatro Rizal noong 1904; at ang
pakakak sa Manila Grand opera House noong 1914.
Ang pinakapopular niyang sarswela, ‘’ anak Dagat ‘’ na itinanghal sa Teatro Zorilla noong 1921,
ay tungkol sa isang babae na iniligtas ng isang mangingisda at ng kanyang asawa.
Ama - isang taong patuloy na nangangarap at nagpoporsige pra sa anak para makatapos sa pag
- aaral
Tagpuan
sa Dagat
BUOD
Bago pa man ako makarating sa kasalukuyang estado ng aking buhay, isang dating mundo ng
aking kabataan ang nanatiling bahagi na aking pagkatao at kailaman ay hindi na maiwawaksi pa
saan man ako dadalhin ng tadhana.
Ito ay mundo ng Dagat, ng pangingisda sa laot o karagatan. Ang aking ama ay nauwi sa pagiging
isang simpleng mangingisda dahil na nakapagtapos ng kahit elementary noong kanyang
kapanahunan. Kaya natural lamang sa aming magkakapatid na mamulat sa buhay dagat bilang
isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng aming pamilya.
Mahigit sa isang kalahating dekada rin yata ng buhay ko ay nagugol sa mga karansan sa dagat at
paglalaot, particlular na ang panghuhuli ng alimasag sa pamamagitan ng lambat. Sa toto lang,
hindi madali ang ganitong hanapbuhay dahil bukod sa babad ka lagi sa init ng araw, minsan ay
may nakaumang pang panganib na bagyo at habagat. Kaya ilang beses ko ring naisumpa ang
pagdarag at laot na kapag ito ay nakasasagabal sa aking mg gawain at libangang pangtin edyer
noon tulad ng panliligaw, barkada at bulakbol. Kaya naipangako ko sa aking sarili na kailanman
ay hindi na ako babalik sa pangingisda tulad ng aking ama, kung bibigyan ng pagkakataon. At
naipangako ko rin na magsisikap ako upang maging propesyunal balang araw at hindi bilang
isang tagasagwan lamang ng Bangka sa laot.
Sa pagpupunyagi ng aking magulang ay natupad ang pangrap ko para sa aking sarili lagi kasing
payo ng tatay ko na matutuwa siya na sa paglipas ng panahon ay Makita kaming ballpen at
papel ang hawak imbes na lambat at sagwan, katulad niya na nakaupo sa likod ng isang malinis
na mesa sa loob ng isang malamig na silid, hindi sa kakarampot na upuang kawayan ng Bangka
sa ialim ng tirik ng araw. Hindi ko naman siya binigo sapagkat iyon din naman talaga ang nais ko
- ang matuklasan angmundo ng karagatan.