You are on page 1of 24

TALAMBUHAY

DR. JOSE PROTACIO MERCADO RIZAL ALONZO .Y REALONDA

KAPANGANAKAN NI DR. JOSE RIZAL


Petsa: Miyerkules, Hunyo 19, 1861
Lugar: Calamba, Laguna BINYAG:
Petsa ng pagkakabinyag: Hunyo 22, 1861
Paring nag binyag: Padre Rufino Collantes

KAHULUGAN NG BUONG PANGALAN NI DR JOSE RIZAL


DR.
Ito ay isang nakasulat na pagpapaikli para sa doctor, pero sa panahon ni Jose Rizal, ito ay
ginamit sa formal business at respeto.
JOSE
Ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagpupugay sa patron ni San Jose.
PROTACIO
Ang pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan
ni Jose (ika-19 ng Hunyo).
RIZAL
Hango sa espanol na salita "Recial" na ang ibig sabihin ay luntlang bukirin. Ito rin ay bilang
pagsunod sa Claveria Decree na ipinatupad ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, kung saan
ang bawat pamilyang Pilipino ay pipili ng apelyido base sa listahang naaayon sa wikang
Espanyol.
MERCADO
Tunay na apelyido ng kaniyang ama. Hango s espanol na salita na mercado na ang ibig sabihin
ay palengke o pamilihan.
.Y
Ito ay nangangahulugan na (at) sa wikang kastila.
ALONZO
Ang unang apilyedo ni Dona Teodora Alonza Realonda.

REALONDA
Ang kinuhang bagong apilyedo ni Dona Teodora noong ipinatupad ang utos ni Gobernador-
Heneral Narciso Claveria na papalitang lahat ng apilyedo at ang kinuha niya ay ang pangalan ng
kanyang ninang na Realonda.

PAMILYA NI DR. JOSE RIZAL


FRANCISCO MERCADO RIZAL
KAPANGANAKAN Petsa: Abril 18, 1818
Lugar: Biñan, Laguna
MGA MAGULANG
Ama: Juan Mercado
Ina: Cecilia Alejandro
Paaralan: Colegio de San Jose, Maynila
KAMATAYAN Petsa: Enero 5, 1898

TEODORA ALONZO Y REALONDA


KAPANGANAKAN Petsa: Nobyembre 14, 1827
Lugar: Ongpin, Sta. Cruz, Maynila

MGA MAGULANG
Ama: Lorenzo Alberto Alonzo
Ina: Brigilda de Quintos
Paaralan: Colegio de Santa Rosa, Maynila
KAMATAYAN Petsa: Agosto 16, 1911

MGA KAPATID
1. Saturnina (1850)
2. Paciano (1851)
3. Narcisa (1852)
4. Olimpia (1855)
5. Lucia (1857)
6. Maria (1859)
7. Concepcion (1862)
8. Josefa (1865)
9. Trinidad (1868)
10. Soledad (1870)

PAG-AARAL
A. Biñan, Laguna (Hunyo 1870- Disyembre 1871)
B. Maynila

➢San Juan de Letran (Hunyo 10, 1872)

➢Ateneo de Manila

➢Unibersidad ng Santo Tomas

➢Unibersidad Central de Madrid


MGA KAKAYAHAN AT KASANAYAN NI RIZAL
PAGSULAT
Dula: Dula sa pista ng Paete
Tula:

➢Sa Aking mga Kabata

➢El Embargue: Himno ala Flota de Magallanes

➢La Tragedia de San Eustaquio

➢El Combates: Urbiztondo, Terror de Jolo

➢Un Recuerdo a mi Pueblo

➢La Entrada Triumfa de los Reyes Catolicos en Granda

➢A La Juventud Filipina

➢A Mi Madre

➢Los Viejeros

➢Mi Retiro

➢Ultimo Adios

Nobela:

➢Noli Me Tangere

➢El Filibusterismo

➢Makamisa

Paglilok :

➢Sagrado Corazon de Jesus

➢Mahal na Birheng Maria

PAGLALAKBAY
Barcelon:

➢Sinulat ang sanaysay (Amor Patrio)

➢Inilathala ang Diariong Tagalog

➢Laong- laan ang Sagisag ni Rizal

➢Nag- aaral ng Pilosopiya at Medisina sa Unibersidad Central de Madrid

France at Germany:

➢Ang matsing at ang Pagong, Iginuhit sa

➢Paris A Las Flores de Heidelberg, isinulat sa Germany

PAGIBIG
LEONORA RIVERA- Unang minahal ni Rizal
JOSEPHINE BRACKEN- huling minahal ni Rizal

KAMATAYAN
Petsa: Disyembre 30, 1896
Bagumbayan
Pinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo G. Polavieja

MGA TULA NI DR.JOSE RIZAL


ISANG ALAALA NG AKING BAYAN
May-akda: José Rizal
Orihinal na pamagat: A la juventud filipina
Bansa: Pilipinas
Wika: Kastila
Naglimbag: Liseo ng Maynila ng Sining at Panitikan
Petsa ng paglimbag: 1879
Isinulat ni Rizal ang tulang ito noong 1876. Nalikha ang tulang ito dala ng labis na pagmamahal
at pagpapahalaga sa kanyang lupang sinilangan, sa Calamba, Laguna.
Ang "Isang Alaala ng Aking Bayan" o "Un Recuerdo A Mi Pueblo" kapag isinalin sa wikang
Espanyol, o "A Tribute to My Town" sa wikang Ingles, ay isang tulang nilikha ni Rizal noong
siya'y namamalagi sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo.
Bilang isang labing-limang taong gulang na batang nawalay sa kanyang pamilya, naramdaman
niya ang matinding pagkalungkot at pagkaulila di lamang sa kanyang pamilya, ngunit pati na rin
sa kanyang lupang sinilangan, ang Calamba.

Isang Alaala Ng Aking Bayan


Jose Rizal
Nagugunita ko ang nagdaang araw
ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw
sa gilid ng isang baybaying luntian
ng rumaragasang agos ng dagatan;
Kung alalahanin ang damping marahan
halik sa noo ko ng hanging magaslaw
ito'y naglalagos sa 'king katauhan
lalong sumisigla't nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak


animo'y nagduruyan sa hanging marahas
habang sa buhangin dito'y nakalatag
ang lubhang maalon, mapusok na dagat
Kung aking samyuin sa mga bulaklak
kabanguhan nito ay ikinakalat
ang bukang liwayway na nanganganinag
masayang bumabati, may ngiti sa lahat.
Naalaala kong may kasamang lumbay
ang kamusmusan ko nang nagdaang araw
Kasama-sama ko'y inang mapagmahal
siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.
Naalaala kong lubhang mapanglaw
bayan kong Kalambang aking sinilangan
sa dalampasigan ng dagat-dagatan
sadlakan ng aking saya't kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galak


sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag
Mababakas pa rin yaong mga yapak
na nag-uunahan sa 'yong mga gubat
sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat
ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap
bisa ng hanging mo ay walang katulad.

Ang kagubatan mong kahanga-hanga


Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha
sa iyong himlayan ay wala nang luha
wala nang daranas ni munting balisa
ang bughaw mong langit na tinitingala
dala ang pag-ibig sa puso at diwa
buong kalikasa'y titik na mistula
aking nasisinag pangarap kong tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw


dito'y masagana ang saya ko't aliw
ng naggagandahang tugtog at awitin
siyang nagtataboy ng luha't hilahil
Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin
ang katauhan ko'y dagling pagsamahin
tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin
sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat


ako'y magbabantay, walang paghuhumpay
ang kabutihan mo na sa aking pangarap
Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap
ng dakilang Diwa ng maamong palad;
tanging ikaw lamang panatang maalab
pagdarasal kita sa lahat ng oras
na ikaw ay laging manatiling tapat.

INTERPRETASYON SA TULA
Ang "Isang Alaala Ng Aking Bayan" ay isang tula ng pagkaulila at labis na pagmamahal. Ito ay
inialay ni RIzal, di lamang para sa lugar na kanyang kinalakihan, ngunit pati na rin sa nilisan
niyang kamusmusan; sa mga panahong simple at payapa pa ang kanyang kapaligiran, at libre
niyang nagagawa ang mga nais niya, mga panahong ang mga problema ay nasasagot ng
simpleng pagpapatahan sa pag-iyak.
Mariing ipinakita ni Rizal ang kanyang emosyon sa pamamagitan ng pagkekwento o di kaya'y
pagbanggit ng kanyang mga alaala sa nakaraan.
Sa ikaunang saknong ng nasabing tula, makikita na inaalala ni Rizal ang matatamis na panahon
ng kanyang kamusmusan, ang mga panahong nananatili siya sa mga malalawak at luntiang
damuhan habang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin at tinatamasa ang liwalas na
simoy na dala ng kalikasan.
Ipinapadama ni Rizal ang kanyang pagkaulila sa mga panahong dinuduyan siya ng kanyang
butihing ina malapit sa lawa at ang simpleng buhay sa kanyang inang bayan sa ikatlong saknong.
Ipinapakita ng ikaapat na saknong ang musmos na Rizal, na naglalaro ng nakayapak sa
kakahuyan at lumalangoy sa mga tabing-ilog. Binanggit rin niya ang kanyang debosyon bilang
isang Katoliko; na nangungulila siya sa mga panahong nagdadasal siya sa mga Parokya sa mga
probinsya.
Ang ikalimang saknong ay tumutukoy sa pagkamangha at pagpapahalaga niya sa mga likha ng
Poong Maykapal. Ipinahayag niya ito sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga salitang
makakapagtukoy sa mga ito tulad ng masukal at luntiang gubat at ang bughaw na kalangitan.
Ang ikaanim na saknong ang maituturing na kaibuturan ng tula. Dito ipinakita ni Rizal ang
kabuluhan at kahalagahan ng Calamba at ang angking kagandahan nito; ang lugar na nilikha ng
mga maliligayang alaala na matagal niya ng kinakapanabikan. Binanggit din ni Rizal lahat ng
sakit at kalungkutan na napawi ng kanyang mga alaala ng Calamba, na ang oras ng sumagi ang
mga ito sa kanyang isip ay sadyang napakahalaga.
At ang huling saknong ay sumasagisag sa kanyang mga mithiin para sa kanyang lupang
sinilangan; at ito ay ang maging mapayapa at mapuno ito ng kaligayahan na kagaya sa mga
panahong nananatili siya doon.

SIMBOLISMO
Kung aking masdan ang liryong busilak, animo'y nagduruyan sa hanging marahas- Ang kanyang
nararamdaman nung siya’y nasa bayan.
siyang nagtataboy ng luha't hilahil- Ang bayan ang tumatanggal ng kalungkotan
Ang kagubatan mong kahanga-hanga, Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha- Ang mga
kagubatan sa bayan ay kahanga-hanga na tila nakikita niya ang repleksyon ng gumawa ang
(Diyos).

“SA KABATAANG PILIPINO”


May-akda: José Rizal
Orihinal na pamagat: A la juventud filipina
Bansa: Pilipinas
Wika: Kastila
Naglimbag: Liseo ng Maynila ng Sining at Panitikan
Petsa ng paglimbag: 1879
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonte ay pinanganak sa isang mayamang angkan sa
Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa
Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na
nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng
Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” ay salin ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni
Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1879 sa gulang na labingwalong taon. Ang tulang
ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo
Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga
Kastila’t katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng
mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob dito ang unang gantimpala.
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming
makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang
kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong
Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

SA KABATAANG PILIPINO
Ni Jose Rizal
Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,


Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig


Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal


Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.

INTERPRETASYON SA TULA
Makikita kaagad sa unang taludtod ang ipinaparating na mensahe ni Rizal na ang kabataan ay
ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga salitang “kabataan ng aking pangarap” at “pag-asa ng
bayan”. Isinaad din nya na hinihintay niyang mangibabaw ang katalinuhan ng mga kabataan
upang magtulong-tulong sa pagunlad ng bayan. Pinapayuhan din niya, sa ikatlong talata, na
gamitin ng kabataan ang karunungan sa agham at sining upang makawala sa gapos na nagsisiil sa
damdamin ng mamamayan.
Inihalintulad din nya ang himig ng kabataan sa boses ni Philomel na nakakapagpawi ng luha at
hinagpis. Ang diwa at alaala ng kabataan ay siya ding gagamitin upang mapagtibay ang ating
bayan, at ito ay walang kamatayang nakatanim sa puso ng kabataan. Parang pinapangaralan niya
ang mga kabataang Pilipino na gamitin ang kanilang angking talino at nakamit na karunungan sa
dalawang paraan, ang dalawang para na ito ay ang iangat ang Pilipinas upang tayo’y umunlad, at
maging patriot ng bansang Pilipinas.
Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay
unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang
ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.
Ipinahahayag din sa tulang ito na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang
“Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga
kastilang ipinanganak sa Pilipinas na siyang gamit ng salitang ito.
PILOSOPIYA NG TULA
Ang kabataan ang magtatanggol sa katayuan at dignidad ng bawat Pilipino na siyang hindi
binibigyang halaga ng mga Espanyol
Ang kabataang Pilipino ay may kakayahan din na dapat bigyang kahalagahan
Sa pagmithi ng mataas para sa mga pangarap makikita at mauunawaan ang kagandahan at
kahalagahan ng edukasyon
Pagpapahalaga sa edukasyon ng kabataang Pilipino

ANG AKING HULING PAALAM


May-akda: José Rizal
Orihinal na pamagat: Mi Ultimo Adios
Bansa: Pilipinas
Wika: Kastila
Petsa ng paglimbag: Walang eksakto
Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihang tulang ito.
Isinalin ni Andres Bonifacio
Sa huli, mariin ang pamamaalam sa mga mahal na magulang at kapatid, nang may pasaring ng
pagkamit ng ginhawa mula sa hirap na buhay
Ang Mi último adiós o Huling Paalam ay isang tulang likha ng pambansang bayani ng Pilipinas
na si Jose Rizal. Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila sa mga pangunahing wika
ng daigdig tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo, Malayo, at marami pang iba.
Ayon sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng
pagbaril sa kanya, Disyembre 29,1896
Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago,
isinilid sa kusinilyang de alkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa
kaniya bago siya (Rizal) barilin.
Mariin din ang pakilala sa asawang mula sa ibang lupain at ang maluwat na pagtanggap sa
kamatayan bilag ganap na katahimikan.
Mababanaag din ang madamdaming paghahabilin sa mga maiiwan, ang pagkilala sa mga sandali
ng pag-alala at pagkalimot sa hinaharap, malamyos na habilin ng pagkilala sa pamamagitan ng
pag-aalay ngbulaklak at dasal.

ANG AKING HULING PAALAM


Paalam, sinta kong Lupang Tinubuan
Bayang sinagana ng sikat ng araw
Marikit na mutya ng dagat silangan
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw.

Sa iyo’y handog ko ng ganap na tuwa


Malungkot kong buhay na lanta at abâ
Naging dakila man, boong pagnanasang
Ihahandog ko rin sa iyong paglaya.

Ang nangasa digmang dumog sa paglaban


Alay din sa iyo ang kanilang buhay
Hirap ay dî pansín at dî agam agam
Ang pagkaparool o pagtatagumpay.

Bibitaya’t dusang linikhâ ng bangis


O pakikibakang lubhang mapanganib
Walang kailangan kung ito ang nais
ng bayan at madlang pinakaiibig.

Mamamatay ako, ngayong namamalas


Ang bukang liwayay na nanganganinag
ng minimithî kong araw na sísikat
Sa likod ng dilím na kagulat gulat.

Kung ang kulay pula’y kinakailangan


Upang itina mo sa iyong liwayway
Dugô ko’y ibubò pangiti kong alay
Nang iyang sinag mo ay lalong dumingal.

Lagi kong pangarap mulang magkaisip


Magpahangga ngayong maganap ang bait
Ay mapanood kang hiyas na marikit
Nang dagat silangang dito’y lumiligid.

Mata mong marikit sana’y lumigaya


Walang bakas luha’t puspos na ng sigla
Tingalâ ang noo, balisa’y walâ na
Walang bahid poot walâ nang pangamba.

¡Pangarap ng buhay! Marubdob kong nais,


Ikaw ay lumusog, hiyaw ng pagibig
ng kalulwa kong gayak sa pagalis
Upang lumaya ka, buhay ay lumawig.

Kay tamís malugmok, matanghal ka lamang


Mamatay ng upang mabigyan kang buhay
Mamatay sa silong ng langit mong mahal
Malibing sa lupang puspos karikitan.

Kung sakasakaling sa aba kong libing


Mayuming bulaklak ay iyong mapansing
Sumilang sa gitnâ ng damong mahinhín
Hagka’t ang halík mo’y aking tatanggapin.

Sa noo kong hapô na doo’y ninidlíp


Sa libingang hukay na lupang malamig
Ay tatanggapín ko ang iyong pagibig
Init ng pagiliw ng nínintang dibdib.

Bayaan mong ako’y malasin ng buwan


Nang kanyang liwanag na lubhang malamlam
Bayaang ihatíd sa aking libingan
Mahinahong sinat ng kanyang liwayway.

Bayaang humibik ang simoy ng hangin


At kung may dumapò sa Tanda ng libing
Na ano mang ibon, bayaang awitin
ng huning matimyas ang payapang aliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningas


Ulan ay tuyuin, singaw ay itaas
Maging panganuri’t dalisay na ulap
Kalangkap ang hibik ng aking pagliyag.

Bayaang ang aking maagang pagpanaw


Itangis ng isang tapat na magmahal
Kung payapang hapon sa aki’y magalay
ng isang dalangin, ako’y patungkulan.
Idalangin mo rin ang kinapos palad
Na nangamatay na, yaong nangaghirap
Sa tanang pasakit, at ang lumalangap
Naming mg̃a ina ng luhang masaklap.

Iyong idalangin ang bawa’t ulila


Ang nangapipiít na nangagdurusa,
Iyong idalangin sana’y matubos ka
Sa pagkaaliping laong binabata.

Kung nababalot na ang mga libingan


ng sapot ng gabing payak kadiliman
Kung wala ng tanod kundî pawang bangkay,
Huwag gambalain ang katahimikan.

Pakimatyagan mo ang hiwagang lihim


At mapapakingan lungkot ng taginting
ng isang kudyapi, ito ay ako rin
Inaawitan ka ng boong paggiliw.

Kung ang libingan ko’y limot na ng madla


At wala ng kuros ni bato mang tanda
Sa nangaglílinang ay ipaubayang
Bungkali’t isabog ang natimping lupa.

Ang mg̃a abo ko bago pailanlang


Mauwî sa wala na pinanggalingan
Ay makalat ulíng parang kapupunan
ng iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa gayo’y wala nang ano man sa aking


Ako’y limutin mo, aking lilibutin
Yaong himpapawid, kaparanga’t hangin
At ako sa iyo’y magiging taginting.
Bango, tingig, higing, awit na masaya
Liwanag at kulay na lugod ng mata,
Uulit ulitin sa tuwítuwî na
Ang kataimtiman ng aking pagsamba.

Sintang Pilipinas, Lupang Tinubuan


Sakit ng sakit ko, ngayon ay pakingan
Ang hulíng habilin: Sa iyo’y íiwan
Ang lahat ng lalong inirog sa buhay.

Ako ay tútungo sa bayang payapa


Na walang alipi’t punong mapangaba
Doo’y di nanatay ang paniniwala
At ang naghahari’y yaong si Bathala.

Paalam na ako, magulang, kapatíd,


Bahagi ng puso’t unang nakaniíg,
Ipagpasalamat na ako’y malingíd
Sa buhay na itong puspos ng ligalig.

Paalam irog kong Banyagang hirang


Aking sinisinta, aking kasayahan.
Paalam sa inyo mg̃a minamahal
Mamatay ay ganap na katahimikan.

INTERPRETASYON SA TULA
Inilarawan ni Rizal sa tulang "Mi Ultimo Adios" ang kanyangpagpapahalaga sa Inang Bayan, sa
mga mamamayan, sa mga ingat yaman, at sa mga kultura nito. Ipinakita nya ang kanyang
pagmamahal dito sa kaniyang mga huling sandali. Marahil ay binalikan nya ang mga ala ala ng
kanyang pagkabata hanggang sa pagkamulat tungo sa paghangad ng isang perpektong konsepto
ng isang bayan. Sa kanyang pagbabalik tanaw nakita nya kung ano ang naging silbi nya bilang
taong pinagkalooban ng Diyos ng buhay, at ng isang magaling na utak. At nainilarawan nya
kung paano nya minithiing balang araw ay makikita nya ang bayan nyang malaya at payapa.
Buong dignidad nyang tinanggap ang kamatayan sa kaloobang nakita nya na natupad nya ang
kanyang layunin, bihira ang mga taong namamatay na natupad ito kahit man lang nakita ito. Sa
kanyang mga huling sandali, ipinaubaya ni Rizal ang kanyang buhay sa pag-aalala ng kanyang
mga nagawa. Nais nyang kilalanin sya higit sa lahat bilang isang taong ibinigay ang sarili sa
bayan. Bayani man o hindi ang mahalaga ay bigyang saysay ang kanyang mga nagawa at kung
posible ay tularan ito ng kanyang mga kababayan. Kapayapaan laban sa karahasan, pag-ibig
tungo sakalayaan. Sinasalamin ng tula ang kanyang wagas na pag-aalay sa kanyang buhay para
sa kalayaan ng Inang Bayan. Isa itong kulminasyon sa kadakilaan nya at sa mga minithi nya
mula noong sya ay namulat sa mundo at sa lipunan. Ito ang kanyang panghuling mensahe sa
kapwa Pilipino ukol sa paghahangad ng kasarinlan, pakikipaglaban para sa kapayapaan at kung
ito ma'y makamit ay pangangalagaan ng kahit pa pagbubuwis ng sariling buhay.
TALAMBUHAY
ANDRÉS BONIFACIO
Rebolusyonaryo

Kapanganakan: 30 Nobyembre 1863 Tondo, Maynila


Namatay: 10 Mayo 1897 Maragondon, Cavite
Nasyonalidad: Filipino
Ibang pangalan: Supremo, Anak Bayan, Agapito Bagumbayan
Nakilala sa: Ama ng Himagsikang Pilipino, Ang Dakilang
Maralita
Partido : La Liga Filipina Katipunan
Asawa: Gregoria De Jesus
Anak: Andres Bonifacio y de Jesús (namatay noong sanggol pa)
Pirma:

PANGANGANAK
Ipinanganak sa: Tundo, Maynila noong Nob. 30 1863
Magulang: Santiago Bonifacio at Catalina de Castro
Nag-aral sa: Don Guillermo Osmena sa Melsic
napahinto sa pag-aaral, pero marunong na magbasa at magsulat, at marunong magsalita ng
Kastila.

TRABAHO
Naulila sa magulang nang maagang edad, nagging tindero ng pamaypay na papel sa Meisic,
Tundo para magkaroon ng pera. Gumagawa din ng karatula at paskil para sa mga bahay kalakal
Naging mensahero ng Fleming and Co., at hinirang bilang pinakamahusay na ahente ng
kumpanya.
Lumipat sa Fressell and Co. dahil sa mababang sweldo

IMPLUWENSIYA

Tinitingala niya si Jose Rizal at binabasa ang mga akdang gawa nito.
Binasa ang mga akda katulad ng Noli Me Tangere, EI Filibusterismo, The Wandering Jew at
iba pa.
Nabasa niya ang rebolusyon ng Pransya at naipluwensiya maghimagsik

PAG-IBIG ❤
Unang pag-ibig niya ay isang Monica galing sa Palomar, Bacoor. Nagpakasal sila, ngunit
namatay si Monica sa ketong.
Nakilala niya si Gregoria de Jesus sa KKK. Nagpakasal sila, at nakilala si Gregoria bilang
lakambini ng KKK.

AKDA
Isinulat ang Decalogo ng Katipunan
Pinasulat si E. Jcinto ng Kartilya na nakita niyang mas magana sa Decal ogo, kaya ginamit niya
bilang kapalit.
Sa kanyang mga sinulat na akda ay gumamit siya ng mga sagisag tulad ng Agap-ito,
Bagumbayan at May Pag-asa
Kasapi ni Apolinario Mabini sa La Liga Filipina

KASAPI NG HIMAGSIKAN
Noong 1892, mataos dakpin si Jose Rizal at ipatapon sa Dapitan, initinatag ni Bonifacio ang
Katipunan (Kataastaasang, kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan).
Di tumagal, ang KKK na ang naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik
Kasama niya rito sina Valentin Diaz, Deodato Arellano, Teodora Plata, Ladislao Diwa atbp.
Itinatag ang KKK sa calle azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto)
kinikilala si Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa katipunan ang tawag sa kanya ay
"Supremo" at 'di kalaunan ay tinawag rin siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan" dahil sa
pagtatatag niya ng Pamahalaang Mapaghimagsik
Nagpunit sila ng mga cedula sa Pugad Lawin sa Balintawak (ngayon ay Bahay Toro, Proj 8, QC)
Nagkaroon ng halalan sa Tejeros, Cavite. Nanalo bilang pangulo si Aguinaldo at si Bonifacio
naman ay nagging Tagapangasiwa ng Panloob lamang.
Kinwestiyon ng mga tao ang kakayahan ni Bonifacio kaya't nagalit si Bonifacio at indin eklarang
walang bias ang halalang naganap.
Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio dahil siya kinasuhan ng sedisyon at pagtataksil.
Si Mariano Noriel ang nagbigay ng selya dong sobre kay Lazaro Makapagal na nagsasabi na
barilin si Bonifacio kasama na ang kanyang kapatid na si Procopio noong ika- 10 ng mayo 1897
sa Bundok Nagpatong/ Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite

MGA AKDA
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ang Dapat Mabatid ng MgaTagalog
Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan
Decalogo Ng Katipunan

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS


TULA NI ANDRES BONIFACIO
Ito’y isinulat noong 1896
isang tulang nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa. Mahigit na
tatlong daang taon ding nagsawalang-kibo ang mga Tagalog sa mga kamay ng kanyang
mananakop sa dahilang makapangyarihan ang mga ito. Marami namana sa kanila ang mga
Pilipino tulad ng kanilang kultura, pananalita, relihiyon at kung anu-ano pa na hanggang ngayon
ay isinusunod natin—subalit hindi tayo nagkaroon ng tunay at ganap na kalayaan.
Sa tulang Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leonardo A. Dianzon, ipinagpatuloy wari ang
magkakatanikalang tulang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya Tula ni Hermenegildo Flores,
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni Marcelo H. del Pilar, at Katapusang Hibik Ng
Pilipinas Tula ni Andres Bonifacio (Original text in Tagalog).

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS


Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak


sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis…


ang layaw ng anak: dalita’t pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo’y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,


hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi’t biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon;


barilin, lasunin, nang kami’y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga’y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;


bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto’t lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas


na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente’y nagkalat,
rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami’y inisip,


kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado—kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,


bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito’y ang mga iba pa,


huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di’y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya’t sukaban,


kami’y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog


ang baril at kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa


ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami’y mapuksa,
langit mo naman ang kami’y madusta.

INTERPRETASYON NG TULA
Unang saknong: Nagsasabi sa Ina - ang Pilipinas - na ang ating kalayan ay mawawala na.
Ikalawang Saknong: Sinasabi ngayon na para sa iba, hindi na ang Pilipinas ang kanilang Inang
Bayan, na iniwan na nila ito.
Ikatlong Saknong: Bonifacio distinguishes Ina - Pilipinas from Ina – Espanya by saying Inang
Espanya. He says that the Filipino people will follow her 'til they're still alive however ??? what
does "Tagalog di'y siyang minamasama pa" mean? Dito ay ipinapalkita ni Bonifacio ang
impluwensya ng Espanya, ang Inang Espanya. Sabi niya na minsan ang Tagalong ang
minamasama pa
Ika-apat na Saknong: Sinasabi niya na pinabayaan natin ang ating bansa, at ihanda na ang ating
mga kabaong, sapagkat iniwan na natin ang ating bansa
Ikalimang Saknong: Sinasabi niya na lalaban sila para sa kalayaan.
Ikaanim na Saknong: Ngayon, tinawag niyang Pilipinas ang Inang Bayan, at sinabing hindi na
nito kailangan ng awa, sapagkat wala na itong konsensiya. Sabi niya na ang kamatayan ang
langit ng mga rebolusyonaryo, at pagkaalipin sa mga Pilipino, sapagkat pinabayaan nating
maging alipin tayo sa Espanya
Ika-pitong Saknong: Nagpaalam si Bonifacio sa Pilipinas, sapagkat ang Pilipinas na ito ay
walang habag at gumuguho na. Hindi na daw ito "Pilipinas, kundi isang alipin ng Espanya.
Gusto niyang mamuhay sa isang malayang Pilipinas, hindi isang Pilipinas sa ilalim ng Espanya

SIMBOLISMO
Sa unang saknong ng tulang ito ay simisimbolo sa kalayaan ng mga katagalugan o mga Pilipino.

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA


Ni Andres Bonifacio
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang
ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na
mandirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang
tula para sa kanyang minamahal na bayan.
Katulad rin ng mga tula ni Rizal, ang tula ni Bonifacio ay naglayong maipahiwatig ang
damdamin niya para sa inang bayan. Ang pag kilos at lumaban para sa Pilipinas na makalaya ang
isa sa mga pangunahing paksa ng tula niya.
Ang tulang ito ay sumisimbolo sa pagmamahal sa ating inang bansa. Ang pagmamahal sa
bansang pinagmulan, ang ating tahanan.
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
Ni Andres Bonifacio
Marso 1896

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagkadalisay at magkadakila

Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad

Sa bayan ng taong may dangal na ingat,

Umawit, tumula, kumata't at sumulat,

Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,

Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,

Na hinahandugan ng busong pagkasi,

Na sa lalong mahal nakapangyayari,

At ginugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan:

Siya'y iona't tangi sa kinamulatan


Ng kawili-wiling liwanang ng araw

Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,

Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,

Mula sa masaya'y gasong kasanggulan

Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala't inaasa-asam

Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan

Wari ay masarap kung dahil sa bayan

At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!

Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib

At siya ay dapat na ipagtangkilik,

Ang anak, asawa, magulang, kapatid;

Isang tawag niya'y tatalidang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan

At walang tinamo kundi kapaitan,

Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak

Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,

Ng bala-balaki't makapal na hirap,

muling manariaw't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang busong pag-ibig

At hanggang may dugo'y ubusing itigis;

kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!

INTERPRETASYON NG TULA
1 saknong: Sinabi niya na ang pagmamahal sa bayan ang pinakamagandang pagmamahal.

2 saknong: Lahat ng tao ay nagnanais na ipuri ang kanilang bansa sapagkat ang bansa nila ay
may integridad at dangal

3-5 saknong: Ang mga taong mapagmahal, ay gagawin lahat para sa bayan, kahit na sarili nilang
dugo, yaman o kahit na ano, pati buhay ay ibibigay para lang sa bayan. Ayon kay Bonifacio, ang
inang bayan ay tila kinalimutan na ng sikat ng araw. Hindi na ito naaarawan (parang sinasabing
wala nang pag-asa).

6-8 saknong: Ang bayan daw na ito ay ang lugar kung saan tayo'y ipinanganak at kung saan tayo
ililibing, Ang mga taong nawalay sa bayan ay walang mas inaasam kundi ang makita ulit ang
tinubuang lupa. Ayon sa kanyay okay lang na magdusa at mamayat basta't alang-alang sa Bayan.

9-12 saknong: Sinabi ni Bonifacio na ang pagmamahal ng mga Pilipino sa inang bayan ay
sobrang laki na kung may panganib ay hindi sila magaatubiling tumulong. Sinasabi niyang ang
tunay na kaligayahan at langit ang isang bayang malaya dahil pinagtanggol ng kanyang mga tao
hanggang kamatayan.
DARAGA COMMUNITY COLLEGE

Salvacion, Daraga, Albay

Proyekto sa
Panulaang Pilipino

Ipinasa ni: Leanne Lawrence A. Bonaobra

II BSED FIL -C
Ipinasa Kay: Michael Mallorca
PAGSUSURI AT
PANANALIKSIK NG MGA
TULA AT TALAMBUHAY NG
MAY AKDA

You might also like