You are on page 1of 1

SAPOL

Labor News
Ang mga kaawa awang mangagawa sa Fish Port: Ano kaya ang kanilang
kinabukasan?

Ang mga Fish Labor sa ating Fish Port na nagdidiskarga ng mga tinuladang
isada na magmula sa Lansa – Fish carrier Boat na pag aari ng mga
mayayaman na negosyanteng may malaking industriya sa pangingisda dito
sa ating lungsod ng Heneral Santos.

Ang mga kawawang Fish Laborer ay hindi man lang sila binibigyan ng
kanilang karapatan bilang mga mangagawa na sana sila ay magkaroon din
sila bilang miembro ng Social Security System, Philhealth, Employees
Compensation Program at Pag-ibig, Sila ay may karapatan din dahil ito ay
compulsory sa Batas.

Ang sistema ng kanilang Employer o Kaya ang may-ari ng isda sa


pagpapasahod sa Fish Labor ay “Sharing System Daw”

Ngunit kahit ito ay sharing system hindi nangahulugan na ligtas na ang


mayari ng palaisdaan sa “Employer-Employee Relationship;

At ang mga mangagawang ito ay may karapatang magtanggap ng mga


Benefisyong “Labor Standard” alinsunod sa ating Batas. The new labor code
of the Philippines.

Mantakin ninyo ang sabi ng mga Fish Labor sa Fish Port na aming
nakapanayam, ang sabi raw ng kanilang Amo o may ari wala silang
Employer-Employee Relationship dahil hindi raw sila mga trabahante nila.
Ang trabaho daw nila ay piece work o kaya pakyawan per kahon ng mga
isda. Ang pagdiskarga at kung isdang bariles ay isa-isang binabayaran nila,
Malaki man o maliit na bariles.

Kung ganon, ang Fish Labor na ito ay nararapat lang na tatanggap ng 13th
month pay, five days (5) incentive leave (SIL) at twelve (12) legal Holidays
sa loob ng isang taon kung sila ay nagtrabaho sa araw na ito maaring double
ang sahod na tangapin 200 percent( %) of his basic pay; at iba pang
nararapat sa Fish Labor.
Kaya sana naman kayong mga may-ari na mga mayayaman sana maawa
naman kayo sa Fish Labor dahil sila ang tumutulong sa inyo upang lumaki
ang inyong negosyo at maabot ninyo ang matagal na ninyo minimithi tungo
sa pagyaman.

Tito T. Torribiano

You might also like