You are on page 1of 13

"Edukasyong ang pinakamalakas na

sandatang magagamit upang


mabago ang mundo”
Nelson Rolihlahla Mandela
Ipinanganak ng ika 18 ng Hulyo, 1918.
Isang politiko na naglingkod bilang Pangulo
ng South Africa mula 1994 hanggang 1999.
Kinilala siya dahil sa kanyang naging
aktibong papel sa pagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao o Racial
Integration sa kaniyang bansang South Africa
na noo'y pinamumunuan ng isang
pamamahalaang racist.
Nelson Rolihlahla Mandela
Ang pakikipaglaban niya sa ganitong
kalakaran ay nagdulot ng kaniyang
pagkabilanggo ng 27 taon.
Naging daan ito upang magawaran siya ng
Nobel Peace Prize para sa kanyang mga
nagawa upang maibagsak ang panukalang
apartheid (patakarang paghihiwalay ng mga
puting tao mula sa mga itim o negro) sa
kaniyang bansa.
Nelson Rolihlahla
Mandela
Labis ding hinangaan ng mga tao
ang kanyang pagiging mabuting tao,
mapagkumbaba, marangal,
masiyahin, at tunay na maginoo.
Makikita ang mga katangiang ito sa
sumusunod na anekdotang
nagpapamalas kung bakit
iginagalang at minamahal ng mundo
si Nelson Mandela.
Ayon kay John Carlin
 isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief
ng London Independent sa South Africa.
 Nasaksihan ni John Carlin ang taos na kabaitan ni
Nelson Mandela nang makita niya ang mabuti at
magalang na pagtrato ni Nelson Mandela sa
empleyado niyang babae na dating naging
malupit at nag-diskrimina sa mga itim na tulad
niya.
 Katunayan ay walang pinatalsik ni isa man si
Mandela sa dating empleyado ng nagdaang
administrasyon. Nanatili silang lahat nang
makilala nila ang likas na kabutihan ng bago
nilang pangulo ay minahal at hinangaan nila ito ng
labis pa kaysa sinuman sa mga puting
nagingpangulo ng kanilang bansa.
Ayon kay Jessie Duarte

 Si Deputy Secretary-General Jessie Duarte ay naging


personal assistant ni Mandela mula 1990-1994.

 Ayon sa kaniya ay nakasanayan na raw ni Mandela ang


pagtiklop at pag-aayos ng kanyang mga pinagtulugan.

 Ayon din sa kaniya ay ayaw na ayaw ni Mandela na may


mga taong sumama ang loob o masaktan dahil sa
kaniya
Ayon kay John Simpson
 Si John Simpson Ay isang mamamahayag at
World Affairs Editor ng BBC News

 Isa umano sa hindi niya makakalimutang


karanasan kaugnay ni Mandela ay nang
magtungo ito sa dating paaralan ni Simpson
sa Cambride. Sinabi niya raw ang
sumusunod:
 "Ako'y labis na kinakabahan sa pagsasalita
rito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil ako
ay isang matandang pensionado. Pangalawa,
dahil ako'y walang trabaho. At pangatlo,
dahil mayroon akong napakasamang
criminal record.
Ayon kay Matt Damon
 ay isang tanyag na artista sa America.
Kasama si Damon sa mga artistang
gumanap sa pelikula tungkol sa buhay
ni Mandela.
 Nang mapunta raw sila sa South Africa
para mag-shooting ay sinabihan silang
makikilala na nila si Mandela at
puwede nilang dalhin ang kanilang mga
anak.
 Dito nasaksihan ni Damon at ng
kaniyang pamilya ang kabaitan ng His
exellency Nelson Mandela.
Ayon Rick Stengel

 Long walk to freedom


 1994 sa pangangampanya ni Mandela
para sa pagkapangulo.

 Nagkaroon ng aberya sa makina ng


eroplano na naging dahilan ng
pagpanic ng marami ngunit kalmado
lamang si Mandela.
 “Pare natakot ako sa nangyari sa itaas
kanina”
"Ang mahalaga sa buhay ay hindi lang ang
katotohanang tayo ay nabuhay.
Sa mga nagawa natin para sa ikabubuti ng
buhay ng iba nalalaman kung naging
makabuluhan ang ating naging buhay."

You might also like