You are on page 1of 1

Kumbensiyon sa Tejeros

Isang kumbensiyon ang muling ginanap noong Marso 22, 1897 sa Casa Hacienda de Tejeros sa
San Francisco de Malabon(kasalukuyang General Trias) sa Cavite. Ginawa ang pagpupulong na ito upang
ayusin ang hidwaan sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang. Si Bonifacio ang tumayong tagapangulo ng
kumbensiyon. Nagsagawa ng isang halalan ang kumbensiyon upang pormal na maideklara ang katipunan
bilang isang pamahalaang rebolusyunaryo. Sa halalang ito, napagkasunduan nila na maaaring hirangin
ang sinuman kahit na walang pormal na edukasyon. Napagkasunduan din nila na anuman ang resulta ng
halalan ay tatanggapin ito lahat. Hindi nakadalo sa naturang halalan si Aguinaldo na noon ay
nangunguna sa isang labanan sa Pasong Santo sa Dasmariñas, Cavite.

Ang sumusunod ay ang naging resulta ng nasabing halalan:

Pangulo: Emilio Aguinaldo

Pangalawang Pangulo: Mariano Trias

Kapitan- Heneral: Artemio Ricarte

Direktor ng Digmaan: Emiliano Riego de Dios

Direktor ng Interyor: Andres Bonifacio

TiInutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal kay Bonifacio bilang Kalihim ng Interyor
dahil sa hindi pagiging abogado nito. Nainsulto sa ganitong turan si Bonifacio. Idineklara niyang
walang bisa ang naganap na halalan at binuwag ang bagong tatag na pamahalaang
rebolusyunaryo. Isang araw matapos ang kumbensyon, naglabas si Bonifacio ng isang petisyon
na nilagdaan ng 44 pang kasapi, ang “ Acta de Tejeros”. Dito, muli niyang tinukoy na walang bisa
at hindi naayon sa batas ang naganap na kumbensiyon.

Sa kabila ng kinahantungan ng kumbensiyon, ipinagpatuloy ng mga bagong halal na


pinuno maliban kay Bonifacio ang panunumpa sa Santa cruz de Malabon(kasalukuyang Tanza) sa
Cavite.

You might also like