You are on page 1of 7

Ang Bagong Pamahalaang Awtoritaryan

- Pagkatapos magdeklara ng Batas-Militar,


pinirmahan ni Pangulong Marcos ang tinatawag
na “Presidential Decrees”, upang maging
gabay sa kanyang pamahalaan. Tinawag niya
itong Awtoritaryong Konstitusyonal. Lahat ng
mga direktiba ay itinuring na utos ng Pangulo
Batas Senado 77
Nag-utos sa pagdaos ng Con-con o
Kumbensyon Pangkonstitusyon. Sa
kumbensiyong ito, binago ang Saligang
Batas ng Pilipinas at nilagdaan noong
Nobyembre 30, 1972. Ito ang naging
Saligang Batas 1973
Referendum ng 1973
- Pagtatanong sa mga taong bayan
tungkol sa kanilang pagsang-ayon o di-
pagsang-ayon sa pamahalaan ng
barangay, bagong saligang batas,
pagpapatuloy ng Batas Militar at plebisito
Parlyamentaryong Pamahalaan
- Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap at
tagapagbatas ay napasailalim ng isang
Punong Ministro at Pangulo
Interim Batasang Pambansa
- Ito ang naging Pambansang Asambleya
Militar
- Ang ministro ng tanggulang pambansa at
ang hepe ng sandatahang lakas ay
direktong nasa ilalim ng opisina ng Punong
Ministro at Pangulong Marcos
Ang Bagong Lipunan
- Inihayag ng pamahalaan ang kampanya
nito upang maipatupad ang mga pagbabago sa
lipunan o ang pagkakaroon ng Bagong Lipunan
- Ginamit sa kampanyang ito ang ang
islogan na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina
ang kailangan”
- Ito ay kinapapalooban ng kapayapaan at
kaayusan, reporma sa lupa, pangkabuhayang
pagpapaunlad, kaunlarang pangmoral,
reporma sa pamahalaan, reporma sa
edukasyon, at mga panlipunang paglilingkod
Mga Unang Hakbang
1. Pinatigil ang operasyon ng media
2. Kinontrol ng pamahalaan ang malalaking
kampanya tulad ng San Miguel Corp, PLDT at
MERALCO
3. Pinairal ang curfew sa buong bansa –
pagtatakda ng oras na hindi na maaaring
lumabas ng bahay ang mga tao
4. Ipinagbabawal ang rally, welga, pagbuo ng
pampublikong pagtitipon-tipon
Kapayapaan at Kaayusan
- Nagtakda ang pamahalaan ng paglilinis ng
mga gusali, lansangan, kanal at pali-paligid
ng mga tahanan
Reporma sa Lupa
- Ang Presidential Decree Blg 27 ang
nagbigay ng pagkakataon sa mga
magsasakang walang lupa na ariin ng
isang bahagi ng lupang sinasaka nila.
Inilunsad din ang Masagana 99 o
pagpapadami ng ani at produksiyon sa
palay sa pamamagitan ng pagpapabuti ng
uri ng binhi ng palay at bigas

You might also like