You are on page 1of 25

Senior High School

Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Konseptong Pangwika
(Bilingguwalismo, Multilingguwalismo,
Barayti/Register ng wika)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Unang Markahan –Modyul2: Konseptong Pangwika (Bilingguwalismo,
Multilingguwalismo, Barayti/Register ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenielyn T. Garalda
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Angelika C. Ramos
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Konseptong Pangwika
(Bilingguwalismo, Multilingguwalismo
Barayti/Register ng Wika)
Paunang Salita
Ang modyul na ito sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na
magagamit ng mga mag-aaral sa Ikalabing Isang baitang upang matulungang
matutunan ang mga paksa sa Unang Markahan.

Mababasa rito ang mga aralin sa konseptong Pangwika (Bilingguwaliso,


Multilingguwalismo at Barayti/ Regsiter ng Wika)

Sa paggamit ng modyul na ito, inaasahang matututunan ang mga kasanayang


itinadahana ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng
pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto tungo sa pagkamit ng mga
kasanayang pang-21 siglo kaalinsabay ng mga pamantayang itinakda ng K-12
Curriculum.

Para sa mga tagapagdaloy:

Mahalagang bahagi ng buhay ng isang indibidwal ang pag-aralan ang mga


konseptong pangwika gayundin ang aplikasyon nito na magagamit sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

Bilang tagapamatnubay – guro man, magulang o nakatatandang kapatid, ang


inyong paggabay upang maunawaan ng mag-aaral ang mga paksang-aralin sa
modyul na ito ay napakahalaga sa pagkamit ng mga pamantayan sa pagkatuto.

Sinikap ng mag-akda na padaliin ang mga talakayan upang mas maging


mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumamit ng mga pantulong na mga
sanggunian at mga akmang gawain nang sa gayon, higit na maging kahali-halina
sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng mga konseptong pangwika sa modyul na ito .

Para sa mag-aaral:

Inaasahan ang inyong kooperasyon na pag-aaralang mabuti ang mga


paksa sa modyul na ito. Sikaping masagutan nang matapat at seryoso ang
mga gawain upang matugunan ang mga kahingiang kasanayang
pampagkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pang- unawa ng mga
konseptong pangwika, huwag mag-alinlangang lumapit sa inyong guro.

Layon ng may-akda na mapagtagumpayan mo at matutunan ang mga


paksang- aralin ng modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral
ang modyul na ito upang kahit sa inyong tahanan ay makapagsagawa ka
ng pag-aaral at mapaunlad pa ang karunungang magagamit mo sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipatsa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta s iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin ang lahat ng pagsasanay
Alamin
Kumusta ka? isang malaking hamon sa atin ang pandemyang kinahaharap sa
kasalukuyan, ngunit ang pagkatuto mo ay hindi ko hahayaang maantala, karangalan ko ang
makapagbahagi ng karunungan kahit pa sa panahong malabo tayong magkaharap. Inihanda ko
ang modyul na ito para sa iyo, upang ang kaalaman mo ay lalong pang mapaunlad, gayundin
ang iyong mga karanasan ay mas lalong maging makabuluhan.
Ang wika ang daluyuan ng ano mang uri ng komunikasyon, ito ang mekanismo ng
maunlad na lipunan, ngunit batid mo rin ba na ang wika ay dinamiko at tuloy-tuloy na
nagbabago sa bawat pag-inog ng mundo? Tama!, Ang wika ay nagtataglay ng iba’t ibang mga
konsepto, ilan sa mga ito ay ang Bilingguwalismo, Multilinggwalismo at Register/Barayti ng
Wika.
Matututunan mo sa modyul na ito ang Kalikasan, Kahulugan, Kahalagahan ng gamit
ng Bilingguwalismo, Multilinggwalismo at Register/Barayti ng Wika sa sistema ng
pakikipagtalastasan ng bawat indibidwal.
Halika! Sabay nating tuklasin ang natatagong yaman ng iba’t ibang konseptong
pangwika, suriin natin at pagyamanin ang bawat kaalamang matutuklasan.

Most Essential Learning Competencies (MELC) (Ikalawang Linggo)


Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam at telebisyon. (F11PN-
Ia86)
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan (F11PN-Ia86)

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga-aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radyo at telebisyon;
2. nahihinuha ang gamit ng wika batay sa napakinggang talumpati at panayam; at
3. nasusuri at naiuugnay sa sariling karanasan ang mga konseptong pangwika, batay sa
kalikasan nito.

1
Subukin

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat aytem at isulat


ang letra ng wastong sagot sa hiwalay na papel.

1. Anong barayti ng wika ang nagpapakita ng kakaibang katangian ng indibidwal sa


paggamit ng wika?
A. ekolek B. etnolek C. idyolek D. sosyolek
2. Ang mga bakla ay may natatanging wika na tanging sila lamang ang nakauunawa.
Anong uri ng barayti ng wika ang Bekimon?
A.creole B. ekolek C. pidgin D. sosyolek
3. Ano ang konseptong pangwika na sabay na nagagamit ang wikang Ingles at Filipino?
A.bilingguwalismo C. monolingguwalismo
B. lingguwistiko D. multilingguwalismo
4. Kailan isinakatuparan ang implementasyon ng patakarang bilingguwal sa ilalim ng
pamumuno ni Kalihim Juan Manuel?
A. Hunyo 19, 1974 C. Hunyo 18, 1974
B. B. Hunyo 18, 1975 D. Hunyo 19, 1975
5. Kung ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 ng mga pulo. Ilan namang wika at wikain ang
taglay nito?
A. 150 B. 155 C. 170 D. 165
6. Anong rehistro ng wika ang isinasaalang-alang ang tono sa pakikipag-usap upang
maihatid ang nais na ipahiwatig ng magkausap sa isa’t isa?
A. boses B. field C. mode D. tenor
7. Anong barayti ng wika ang natatangi lamang sa loob ng tahanan?
A. dayalek B. ekolek C. idyolek D. sosyolek
8. Ang kakaibang paraan ng pagbigkas ng salita ni Mike Enriquez ay nagbibigay aliw sa
mga manonood ng balita, anong uri ito ng barayti ng wika?
A. dayalek B. ekolek C. etnolek D. idyolek
9. Anong tawag sa barayti ng wika na nauukol lamang sa iisang pangkat o uri ng lipunan?
A. ekolek B. etnolek C. pidgin D. sosyolek
10. Order in the court, wistness, guilty, anong uri ito ng barayti ng wika?
A. creole B. etnolek C. idyolek D. sosyolek

2
B. Suriin ang bawat aytem. Isulat ang Tama kung wasto ito at Mali kung hindi wasto.
Ilagay ang mga sagot sa hiwalay na papel.

11. Ipinatupad ang Edukasyong Bilingguwal noong Pebrero 27, 1975 batay sa probisyong
ng bagong konstitusyon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon.
12. Sa Binagong kurikulum ang K12 program ang mga mag-aaral sa una at ikatlong baitang
ay inaasahang matututo gamit ang kanilang unang wika.
13. Ipinatupad noong Hulyo 14, 2009 ang Deped Order No. 74 na may pamagat na
“Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education” (MLE) bilang
tugon sa k12 program ng pamahalaan.
14. Tinatawag na unang wika ang dayalektong kinamulatan ng isang indibidwal sa
kanyang lalawigan.
15. Ang creole ay nabubuo dahil sa pagnanais ng dalawang indibidwal na mag-usap sa
kabila ng pagkakaroon nila ng magkaibang wika.

Balikan

Gawain 1: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat aytem at isulat ang letra ng wastong
sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang batas na nagsasaad na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino samanatalang
nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga wika”?
A. Saligang batas ng 1987, art. XIV
B. Saligang batas ng 1987, art. XVI
C. Kombensyong kontitusyunal 1972 sek.7
D.Kautusang Pangkagawaran blg.25.s.1974 sek.6

2. Ang kinilalang wikang pambansa ng Pilipinas ay___________.


A. Filipino B. Ingles C. Pilipino D. Tagalog

3. Anong konseptong pangwika ang kinakailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at
nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas?
A. wika B. wikang opisyal C. wikang panturo D. wikang pambansa

4. Sino ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa?”


A. Henry Gleason C. Jose P. Rizal
B. Jose B. Romero D. Manuel L. Quezon

5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pamantayan kung bakit ibinatay sa Tagalog
ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Ito ang wikang ginagamit sa Edukasyon C. Ito ang wikang gamit sa kalakalan
B. Ito ang wikang gamit sa mass media D.Pinakamaraming nasusulat na panitikan

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing Paksa:

Mahahalagang Terminolohiya:




Pangunahing Tanong:

4
Gawain 2: Suriin ang Komiks strip na makikita sa ibaba, punan ng wastong gamit ng wika ang
mga Speech balloon upang mabuo ang daloy ng talastasan. Isulat sa hiwalay na papel ang
inyong sagot.
Komiks 1:
Ang klase ni Gng. Garalda ay nagsasagawa ng
talakayan.

2.

3.

1.

Komiks 2:
Nagkita ang magkaibigan sa tanggapan ng Profesional Regulatory
Commission (PRC) upang mag-renew ng lisensya.

2.
1.

4.
3.

Mahusay ang iyong mga naging sagot, ipinakikita lamang nito na lubos mong naunawaan ang
araling tinalakay sa unang linggo ng iyong modyul. Tiyak na handa ka na para sa mga susunod
na aralin. Tara Na! simulan na natin.

5
Tuklasin
Gawain 1: WORD CLOUD. Magtala ng mga salitang maiuugnay sa Panliligaw. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

panliligaw

Gawain 2: Basahin at suriin ang talumpati. Itala sa inyong kwaderno ang mga salitang hiram

PPT: Panliligaw,Pandemya at Teknolohiya


ni Jenielyn T. Garalda
Sadyang mabilis na nagbabago ang mundo pati kaluluwa at damdamin ng tao ay mabilis din
na nagbabago, ngayon masaya, maya-maya malungkot na, kanina lang kung makahalakhak
wagas tapos ngayon humahagulgol na sa iyak. Ganito kabilis ang panahon ngayon.

Alam mo bang kahit ang kinasanayang kultura ni Juan ay nagbago na rin, kaya nga kay sarap
balikan ng kwento nina lolo at lola tungkol sa kanilang pagliligawan, ang kanilang karanasan
ay hindi na tulad ng karanasan ngayon, ibang iba na sina Juan at Juana isang kindat sabayan
mo ng isang chat, hayun holding hands na si Jhon at Joanna.

Ang panghaharana ay isang kultura ng panliligaw, kung saan aawit ang lalaking umiibig sa
dalaga sa kalaliman ng gabi nang mga kundimang aakit sa puso ng dalaga, kung papalarin ang
binata sa durungawan ay makikita ang dalagang sinisinta.

Ngunit ang ganitong gawi ay tila bulang naglaho sa himpapawid dala ng mabilis na ihip ng
hangin, ang gitara ay hindi na kailangan dahil ang bida ay si Spotify gamit ang cellphone ni
binata isang click lang at maipapadala na niya ang awiting maghahatid ng kanyang pag-ibig sa
dalaga.

Lalo na ngayong panahon may COVID19 pa kung saan mas limitado ang pagsasama-sama,
naku talaga naman, sumandal na tayo sa teknolohiya, pati ang panliligaw ay bahagi na ng NEW
NORMAL. Video Call para makausap si crush, nandiyan din ang pag-popost ng sweet message
sa wall tapos ita-tag si crush, pwede rin magpadala ng bitmoji,imoji at kung ano anong GIF ng
pusong tumitibok, Alam mo kung anong malupet si ate girl sa sulok kinikilig.

6
Hindi natin maitatangging ito na mukha ng panliligaw na pinalakas ni teknolohiya at
pinagtibay pa ni COVID19, kaya ang karanasan ni lolo Juan at lola Juana ay isang magandang
kwento nalang para kay kuya Jhon at ate Joanna.

#newnormal

Naitala mo na ba ang mga salitang hiram? Magaling! Ngayon naman ay alamin natin kung ano
ang tawag sa dalawang magkaibang wika na nagagamit sa iisang konsepto. Handa ka na ba?

Gawain 3: MAGSALIN KA! Mula sa mga salitang hiram na iyong naitala, subukin mong
isalin ito sa wikang Filipino. Isulat sa hiwalay na papel ang mga sagot.

wikang Ingles salin sa wikang Filipino

Pamprosesong tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang inyong sagot.

Sa iyong palagay nakatutulong ba sa mas mabilis sa komunikasyon


ang paggamit ng dalawang wika?

7
Suriin

BILINGGUWALISMO

Sa pakikipag-usap bahagi na ng isang indibidwal ang paggamit ng wika, ang tao ay may
kakayahang gumamit ng dalawang wika at batay sa pagpapakahulugan ng Meriam Webster
Bilingguwal ang tawag sa taong may kakahayang gumamit at umunawa ng dalawang
magkaibang wika

BILINGGUWALISMO. Tawag sa paggamit ng dalawang mag-kaibang wika o dayalekto sa


Pakikipagtalastasan, Naisabatas ang Bilingguwalismo noong,
• Pebrero 27,1973 batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa Edukasyon. Sa Resolusyon
Blg. 73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973 pinagtibay ang sumusunod ( Bernabe1987-
159)
• Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim
Juan Manuel ay naglagda sa pamamagitan ng kaututsang Pangkagawaran
Blg.25s.1974 ng mga panuntunan sa pagpapagamit ng Patakaran Edukasayong
Bilingguwal (Boras-Vega, 2010)
• At bilang pag-alinsunod sa Saligang Batas ng 1987 pinagtibay ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 52, serye 1987, hinggil sa patakarang edukasyong bilinggwal na
naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa pagtuturo ng wikang Wikang Filipino at
Ingles at magamit din itong midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng paaralan
( Veranda 1977-17)

8
MULTILINGGUWALISMO

Ang salitang Multilingual ayon sa pagpapahakuhulugan ay “of, having, or expressed in


several languages” (Merriam Webster) samakatuwid, sinasabing ang Multlingguwalismo ay
ang kakayahayan ng indibdwal na magpahayag gamit ang iba’t ibang wika.
Ayon sa mga Dalubhasa sa wika, ang Pilipinas ay nagtataglay ng 150 aktibong wika’t
wikain na mula sa iba’t ibang rehiyon. Ang kalagayang ito ng wika ang naging dahilan ng pag-
usbong ng Multilingguwalismo.
Sa ilang mga pag-aaral sinasabing ang pagkatuto ng isang bata ay nakasalalay sa
pagkaunawa nito ng ng kanyang unang wika o ang tinatawag na Mother Tongue, kaya naman
ang Sektor ng Edukasyon na may layuning palakasin ang Kalidad ng Edukasyon sa bansa ay
nag naglabas ng kautusan kung saan ipatutupad ang paggamit ng Mother Tongue, ito na
dahilan ng pag-usbong ng Multilingguwalismo.
Noong 14 ng Hulyo 2009, Inilabas ang Deped Order No.74 na may pamagat na
“Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE), na umiiral pa rin
hanggang sa kasalukuyan. Ito ang pagtuturo sa Grade 1-3 sa kanilang unang wika sa mga
aralin.

Sa proyektong isinagawa ng Lingua Franca at Lubuagan lumabasa na:


a. Una, Mas mabilis ang pagkatuto ng mag-aaral gamit ang kanilang unang wika (L1);
b. Pangalawa, ang mga mag-aaral na natutong sumulat at bumasa gamit ang kanilang
unang wika, ay mas mabilis na natutong magsalita, magbasa at sumulat kaysa sa mga
mag-aaral na unang gumamit ng kanilang pangalawang wika(L2) ang Ikatlong wika
(L3); at
c. Ikatlo, ang mga mag-aaral na natutong gumamit ng kanilang unang wika ay
nagkaroon ng mabilis ng pagkatuto sa iba’t ibang asignatura at mga kompetensi.

Upang higit mong maunawaan ang kahalagahan ng Multilingguwalismo halina’t panoorin ang
video sa Youtube gamit ang link na https://www.youtube.com/watch?v=Hs3PX_5bqbg

9
BARAYTI/RIGESTER NG WIKA

Ayon sa mga sosyolinggwistikong pananaw ang pagkakaroon ng Barayti ng Wika


ay dahil sa pagkakaiba-iba ng grupo/pangkat na kinabibilangan ng tao, kasama dito
ang propesyon, kinasanayang uri ng pamumuhay, tirahan at antas ng pinag-aralan.Ang rehistro
ay ginagamit upang tukuyin ang barayti ng wika ayon sa gumagamit.

Dayalek. Ito ang wikang ginagamit sa isang tiyak na lalawigan o kapuluan, wikang
kinamulatan ng mga tao itinuturing din ito unang wika. Ang dayalek ay itinuturing na barayti
ng wika dahil sa nagtataglay ito ng pagkakaiba-iba ng katngian ng bokabularyo at gramatika
ayon sa gumagamit. Halimbawa ang Tagalog ay dayalekto ng taga-Maynila tinatawag itong
Tagalog- Maynila iba ito sa Tagalog-Bulacan at Tagalog-Nueva Ecija, nagkaroon ng barayson
ang Tagalog dahil na rin sa kalagayang heyograpikal ng isang lugar.

Sosyolek. Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng isang partikuar na pangkat nakaaapekto
ang katayuang sosyal, hanapbuhay at propesyon ng isang indibidwal. Ang bawat propesyon
ay mayroon ibat ibang wikang ginagamit na wika sa kanilang larang tinatawag itong Jargon.
Makikita rin ang pagkakaiba-iba sa paggamit ng wika batay sa pangkat na kinabibilangan.
Halimbawa:
Bakla Bakla! goabels na ditey more na more ang mga chopopong
otoko.
Estudyante Oi friend, halika na dito ang daming pogi.
Coňo OMG! Bes, too many pogi here.
tambay Wow Pre! Ang daming chikabes.
Ang wika ng mga nasa Ikatlong kasarian ay kinikilala ring uri ng sosyolek (Bekemon) sapagkat
sa kasalukuyang panahon ay kinikilala ang kanilang pangkat.

Idyolek. Barayti ito ng wika na natatangi sa isang indibidwal, ito ang kakaibang paraan sa
pagbigkas ng salita na nagbibigay ng impresyon sa mga mga tagapakinig. Ipinakikita ng
Idyolek ang katangian at kakayahan ng indibidwal sa personal na paggamit ng wika.
Personalidad Pamosong Linya
Kuya Kim Atienza “Ang Buhay ay Weather, Weather lang”
Nora Aunor “Walang Himala”
Ekolek. Wikang ginagamit sa loob ng tahanan.
Register. Wikang ginagamit na may tiyak at domeyn at pagpapakahulugan
Tatlong dimensyon ng Register ng Wika (Bernales 2002)
Field. Nauukol ito sa paksang pinag-uusapan na naayon sa kanilang Larang.
Mode. Pasulat at pasalita ito ang mga paraan kung paano isasagawa ang pakikipagtalastalas
Tenor. Tono ng pag-uusap, isinasalang-alang ang gamit ng wika sa kung sino ang kausap.
Mayroon din Rehistro ng Wika batay sa larang.
Komposisyon sa mang- Komposisyon sa Komposisyon sa
aawit manunulat Siyentipiko

musika Sanaysay/Tula Pagsasama-sama ng mga


elemento

10
Pidgin. “Nobody’s language”. Nabuo ang pidgin dahil sa pagnanais ng dalawang indibidwal
na mayroong magkaibang unang wika na magkaroon ng kumunikasyon. Kadalasan itong
nagaganap sa pagitan ng bansang sinakop at sumakop.halimbawa ang Wikang Chavacano, ito
mula sa pinaghalong wikang Filipino at Wikang kasatila na sa kalaunay at hanggang sa
kasalukuyan ay ginagamit sa lalawigan ng Cavite at sa probinsya ng Zamaboangga, Dahil sa
ang PIDGIN ay tinanggap na at ginagamit ito na tinatawag na

Creole.Wikang nagmula sa Pidgin. (Bernales, 2014)

Pamprosesong tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang inyong sagot.

Paano mo nagagamit ang konseptong pangwika sa iyong


pang-araw-araw na pakikipag –usap?

Gawain 1: Punan ng wastong wika/salita ang patlang upang mabuo ang usapan. Piliin sa kahon
ang wastong salita. Isulat sa hiwalay na papel ang inyong sasot.

kainan test palikuran assigment pangkatan notebook liban


score canteen
kamag-aral CR classmate kwaderno lesson aralin absent
groupings puntos

Usapan sa klase bago dumating ang guro

Jessa: ______________, kamusta naman kayo kahapon?


Joyce: Naku! mabuti na lang __________ ka kahapon, alam mo nagalit si Gng. Garalda
kasiwalang nagpasa ng pinagawa niyang _______________ tungkol sa Bilingguwalismo.
Nelly: At alam mo ba kung anong meron mamaya sa klase ni Gng. Garalda?
Jessa: Ano?
Rogin: Eh ano pa ba? eh di ______________, nagbasa ba kayo ng ___________ kahapon?
Jessa: Naku! paano ba yan malamang wala na naman akong _______ nito.

Jessie: Huwag nga pala ninyong kalimutan meron tayong __________ mamaya
sa stat. Nagdala ba kayo ng mga kailangan natin sa stat?

Clark: Ano nga pala ang kailangan natin sa stat? Nagpasa na ba kayo ng _____________?

Joyce:Ate Jessa, samahan mo naman ako sa __________ habang wala pa si Maam Garalda.

Jessa: Sige, halika na tapos punta tayo sa __________.

Gng. Garalda: Magandang Tanghali, handa na ba ang lahat sa pagsusulit?

11
Pagyamanin
Gawain 1: I can see your voice
Basahin at Suriin ang mga pahayag. Kilalanin ang personalidad na bumanggit ng mga ito,
isulat sa kwaderno ang sagot.

Mag-aral nang maigi,


1. 3. di umano’y / di umano
upang buhay ay bumuti.

__________________ ________________

Magandang Gabi 4. At ‘yan ang mga balitang nakalap sa


2. Bayan! aming malawak na pagpapatrol.

__________________ _________________

5.
Hindi namin kayo
tatantanan!

_________________

Gawain 2:Pagsusuri ng salita sa talaan


Suriin ang mga salitang makikita sa talaan. Sagutin ang mga tanong na mababasa sa ibaba at
isulat sa hiwalay na papel ang inyong wastong sagot.

CPU menu terminal


network Specs Mother Board
Virus Megabyte memory
nunmberlock escape control
RAM GIG cut

Pamprosesong Tanong:

1. Saan mo madalas nababasa o ginagamit ang mga salita sa loob ng kahon?


2. Anong mga salitang tanging sa kompyuter mo lamang maaring gamitin?
3. Alin sa mga salita ang maari mong gamitin kahit hindi ka nakaharap
sa kompyuter? Saan mo ito ginagamit?

12
Gawain 3: E- Interview, muna tayo dahil sa ipinagbabawal ang face to face contact Ang e-
interview ay ang pakikipanayam gamit ang social media accounts (gaya ng Facebook
messenger). Pumili ka ng nakapagsasalita o nakauunawa ng mga wikang makikita sa
talahanayan at subukin mong alamin ang salin ng mga sumusunod na salita. Isulat sa iyong
kwaderno ang isinagawang panayam.

Tagalog Ingles Kapampangan Cebuano Ilokano Ilonggo Bekimon


Puso
Kamay
Braso
Sitaw
Talong

Pamprosesong Tanong:

1. Anong naiisip mo habang isinagawa ang e-interview?


2. Masasabi mo bang maunlad ang wikang Filipino?
3. Paano napaunlad ng gawain ang paggamit mo ng wika
sa pang-araw-araw mong gawain?

13
Isaisip
Gawain 1: Kuwento Ko, Buuin Mo!
Punan ang mga patlang ng salitang bubuo sa mga pangungusap. Isulat sa kwaderno ang
inyong sagot.

Lakbay ng Wika

Ang Pilipinas ay binubuo ng 1,707 iba’t ibang pangkat ng Pilipino ang naninirahan
dito, iba’t ibang wika rin ang gamit. Sadyang mayaman sa lahat ng bagay ang bansa kaya
naman madalas itong dayuhin ng mga dayuhan dahil dito mas lalong pang nadagdagan
ang wikang sinasalita ng mga Pilipino at upang maging malinaw sa lahat ang wastong
paggamit ng wika, ipinakilala ng mga dalubhasa ang Konseptong pangwika.

Isinasaad ng Batas Republika na ang wikang ________________ ay opisyal na wika.


Isa ito sa dahilan kung bakit ipinairal noong _________________ ang
____________________ sa pagtuturo sa ilalim ng pamumuno ni _______________.
Naging mabilis ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa paggamit ng dalawang bilang
instrumento sa pagkatuto.

Maraming pag-aaral ang isinagawa sa pagpapaunlad ng wika, lumabas sa ilang mga


pag-aaral na hindi nagiging lubos ang pagkatuto ng mag-aaral dahil sa kakulangan ng
paggamit ng kanilang unang wika dahil na rin sa umiiral na patakarang bilingguwal sa
pagtuturo kung saan tanging ang __________at __________ gamit sa pagtuturo.

Bunga ng mga serye ng pag-aaral, ipinatupad noong __________________ ang


Deped Order No. 74 ang ___________________________, dito ituturo sa mag-aaral
mula ____________ ang mga asignatura gamit ang kanilang unang wika o
_______________.

Daynamiko ang wika, mabilis itong nagbabago at sumasabay sa galaw ng lipunan,


iba’t ibang konseptong pangwika ang ipinakilala ng mga lingguwistiko, narito ang
_____________ o wikang sa loob lamang ng bahay ginagamit, _____________, na
sinasaabing wika ng mga partikular na pangkat. Kahit ang paraan ng pagsasalita ng isang
tao ay binigyang tawag na _______________, habang tinawag namang dayalek ang wika
ng mga lalawigan.

Saan man makarating ang ating wika mananatiling yaman ng bawat Pilipino ang
pagkakaraoon ng sariling wikang magpapaunlad sa bawat isa.

14
Gawain 2: 3R- Recall, React at Rewrite
Isiping muli ang mga aralin at punan ang hinihingi ng bawat tahahanayan. Isulat sa kwaderno
ang inyong sagot.

Recall- itala ang mga React- itala ang mga reaksyon Rewrite- isulat muli
susing salita sa araling sa araling tinalakay ang pahayag na
tinalakay magbibigay linaw sa
mga napiling susing
salita

Isagawa
I-Search
Magsagawa ka ng pananaliksik kaugnay sa paggamit ng iba’t ibang konseptong pangwika.
Isulat sa iyong kwaderno ang isinagawang pananaliksik.

Gabay:

1. Magsaliksik online ng isang talumpating binigkas gamit lamang ang iisang Wika.
2. Magsaliksik online ng isang panayam na gumagamit ng ibat ibang wika.
3. Itala ang sumusunod na detalye:
Talumpati Panayam
Pangalan ng mga taong
sangkot
Pamagat
Link/URL na pinagkunan
4. Suriin ang dalawang ito gamit ang Problem, Effect, Cause, Solution (PECS):

Problem/Suliranin Itala ang mga nakita ninyong problema o magiging problema.

Effect/epekto Itala ang epekto ng gamit ng wika sa iyong pinanood na


tamulapati at panayam.
Cause/Sanhi Itala ang nakikita mong sanhi ng paraan ng pagkakagamit ng
wika.
Solution/Solusyon Magbigay ng posibleng solusyon sa naitala mong suliranin.
5. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka.

15
Pamantayan sa Pagmamarka
Puntos Pamantayan Diskripsyon
Napakahusay Nasuri ang talumpati gamit ang
PECS
10 Kumpleto at natugunan ang Naibigay ang pangalan ng
higit sa inaasahan mahusay at kasangkot sa talumpati
natatangi ang isinagawang Naibigay ang pamagat ng
pagsusuri talumpati
Naitala ang Link/URL pinagkunan
talumpati
Nasuri ang talumpati gamit ang
Mahusay PECS
7 Naibigay ang pangalan ng mga
Natugunan ang inaasahan kasangkot sa talumpati
mahusay na naisagwa ang Naibigay ang pamat ng talumpati
pagsusuri Hindi naitala ang Link/URL
pinagkuna ng talumpati
Nasuri ang talumpati gamit ang
Di-gaanong Mahusay PECS
5 Naibigay ang pangalan ng mga
May ilang kakulangan hindi kasangkot sa talumpati
gaanong naisagwa ang gawain Hindi naibigay ang pamat ng
talumpati
Hindi naitala ang Link/URL
pinagkuna ng talumpati
May kakulangan Nasuri ang talumpati gamit ang
PECS
4 May kakulangan hindi Hindi naibigay ang pangalan ng
gaanong napaghandaan ang mga kasangkot sa talumpati
gawain Hindi naibigay ang pamat ng
talumpati
Hindi naitala ang Link/URL
pinagkuna ng talumpati
May malaking kakulangan Nasuri ang talumpati ngunit may
bahagi ng PECS na hindi
Maraming kakulangan hindi naisagawa
3 napaghandaan at hindi Hindi naibigay ang pangalan ng
malinaw ang natapos na mga kasangkot sa talumpati
gawain Hindi naibigay ang pamat ng
talumpati
Hindi naitala ang Link/URL
pinagkuna ng talumpati
Kailangan ng gabay Hindi nagsagawa ng e-interview
1
Walang isinagawang gawain

16
Tayahin
I. Panuto: Suriin ang mga pahayag na nakasulat nang pahilis sa Hanay A at piliin ang
konseptong pangwika sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Malaki ang impluwensya ng social media sa mga kabataan A. creole
kaya naman sa edad na 14 si nene ay nanay/mama na.
2. Naimbag a bigat! Masiglang bati ng mag-aaral sa unang B. dayalek
baitang sa kanilang guro
3. Ang mga tao sa Zamboanga ay kinasanayan na ang paggamit C. ekolek
ng wikang kastila gaya ng Buenas Tardes bilang pagbati.
4. Marami ng na tegibels dahil sa pandemyang D. pidgin
Covid 19.
5. “Bro! long time no see, Musta na ermat at erpat mo tol?” E. sosyolek

II.Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi. Isulat sa kwaderno
ang sagot.

6. Ang lahat ng mag-aaral sa elementarya ay gumagamit ng kanilang unang wika pagkatuto.


7. Ang sosyolek ay barayti ng wika na naayon sa kasarian ng isang tao.
8. Sa K12 program ang wika Filipino at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay gagamitin
nang magkahiwalay sa dalawang paraan: para sa asignatura at para wikang panturo.
9. Si Mike Enriquez ay isang mahusay na halimbawa ng ekolek na barayti ng wika.
10. Si Dr. Jose Rizal ay isang multilingguwal na indibidwal.

III.Piliin ang letra wastong sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

11. Ano ang register ng wika kung saan ipakikita ang paraan at kung paano isinagawa ang
talastasan?
A. field B. mode C. process D. tenor
12. Sa bawat propesyon ay may tanging wikang sila lamang ang nakauunawa. Ano itong
sinasabing isang uri ng sosyolek?
A. dayalek B. ekolek C. jargon D. private language
13. Ayon kay Bernales may tatlong dimensyon ang register ng wika, ito ang dimensyon kung
saan nakatuon ang usapan na naayon sa iisang larang.
A. field B. mode C. tenor D. tono
14. Sa binagong sistema ng edukasyon maari nang gamitin ang dalawang wika bilang wikang
panturo.
A. bilingguwalismo C. multingguwalismo
B. linguwistiko D. monolingguwalismo
15. Anong konseptong pangwika ang umiiral sa ilalim ng programang K12 ng Kagawaran ng
Edukasyon?
A. barayti ng wika C. multilingguwalismo
B. bilingguwalismo D. rehistro ng wika

17
Binabati kita at matagumapay mong napag-aralan ang mga paksa
sa modyul na ito at nasagutan ang mga gawain ngayon maaari mo
nang itama ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pagtingin
sa susi ng pagwawasto sa huling bahagi ng modyul na ito.
Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at KATAPATAN.
HANGGANG SA SUSUNOD NA MODYUL

Karagdagang Gawain

Gawain 1: Pagtibayin ang Palagay


Dugtungan ang mga parirala upang pagtibayin ang iyong palagay kaugnay sa mga araling
tinalakay. Isulat sa kwaderno ang sagot.

▪ Sa aking palagay____________________________
▪ Sa kabilang dako____________________________
▪ Ayon kay__________________________________
▪ Sang-ayon sa_______________________________

Gawain 2: Panonood
Panoorin ang video sa link na: https://www.youtube.com/watch?v=a9cKBZAWhmM. Suriin
ang ginamit na wika sa tulong ng tseklist sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

AMERIKANANG BISAYA - FOREIGNER SPEAKING BISAYA - MOTHER IN LAW TRY FILIPINO SNACKS - VLOG #3.mp4

Tseklist

TAGALOG INGLES IBANG WIKA

18
Sanggunian

“Cartoon Hotel Reception Modern Lobby.” Comic strip. cdn4.Vectorstock.com, 2020.


https://cdn4.vectorstock.com/i/1000x1000/36/03/cartoon-hotel-reception-modern-
lobby-vector- 22533603.jpg .

Bernales, Rolando. Wika at Komunikasyon Sa Nagbabagong Panahon. Malabon City,


Philippines: Mutya Publishing, 2014.

“Businesswoman Waving Hand Hello Vector Image.” Comic strip. Www.vectorstock.com.


Accessed July 5, 2020. https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/businesswoman-waving-hand-hello-vector-18012417.

“Classroom Clipart Modern Classroom.” Comic strip. Webstockreview.net. Accessed July 5,


2020. https://webstockreview.net/pict/getfirst.

Jocson, Magdalena T. “Mga Konseptong Pangwika( Bilingguwalismo at


Multilingguwalism.” Essay. In Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang
Pilipino, edited by Ferdinand Jarin, 22–25. QUEZON CITY, METRO MANILA:
VibalGroup, 2016.

Lachica, Veneranda. “Komunikasyon at Linggwistika.” patakarang bilingguwalismo, 1977.


https://books.google.com.ph/.

Order No.74 s. 2009, Deped. “INSTITUTIONALIZING MOTHER TONGUE-BASED


MULTILINGUAL EDUCATION (MLE).” Multilingual Philippines, 2010.
https://mlephil.wordpress.com/.

Pableo, Kevin. “Tunog Nobelti: Pinoy Novelty Songs throughout the Year.” wordpress.com,
2018. https://thekevinpableo.wordpress.com/2018/05/30/tunog-nobelti-pinoy-novelty-
songs-throughout-the-years/.

“Student Class , Hands up Students, Students Illustration PNG Clipart.” Comic strip.
Www.uihere.com. Accessed July 5, 2020. https://www.uihere.com/free-cliparts/student-
royalty-free-class-clip-art-hands-up-students-1425464.

“Transparent Teacher Male.” Comic strip. Ya-Webdesign.com. Accessed July 5, 2020.


https://ya-webdesign.com/imgdownload.html.

19

You might also like