You are on page 1of 1

Estudyante

ni John Christian Agudera

Isang gabi, may isang hindi mapakali:


bakit tuwing pakiramdam na ayos na ang lahat
saka may mangyayaring hindi maganda?
tihaya sa kisame, baling sa kanan at kaliwa
tila baga may kung ano sa loob ng utak;
pinuputakte, dilat ang mga mata
tulala sa kawalan, dinig ang paghinga ng orasan.

Pagsusulit, titik, pangungusap,


sanaysay, at proyekto
inaalala kung saan nagkulang
siguradong sigurado, hindi
ni minsan nagkamali maging sa tuldok.
Nahuling pumasok, mabagal kasi ang-

Maya't maya niyang binabasa


ang pinakahuling mensahe:

Wala kang ipinasa kahit isang gawa

Matagal-tagal din nagnilay


lumipad sa kawalan ang kaluluwa
buo ang loob, tumugon sa mensahe:

Sorry po
Hindi po pala nagsend
Nawalan po ng data
Magsesend na lang po ako, hahabol po

Bago pa niya tuluyang napagtanto


sa hindi maipaliwanag na kabog sa dibdib
hanggang ngayon hindi pa rin nagse-send ang kanyang mensahe.

Sana, sa tuwing nagiging negatibo ang lahat ng pangyayari


sa isang estudyante ay nagagawa nitong bumalik sa kanyang
pagkabata, upang muli nitong masariwa ang buhay at walang
iniisip na problema madungisan at masugatan basta't
makapaglaro lamang, sa ganitong panahon mas ligtas pa
ang kaniyang isipan kaysa ngayon na ang mundo'y mapaglaro ng kapalaran.

You might also like