You are on page 1of 41

Mga Komponent sa Pag-

aaral ng Lingguwistika
John Christian M. Agudera
Ponolohiya
✘ Pag-aaral ng ✘ Ponema – tunog ng isang
makabuluhang tunog o wika. Mula sa salitang
ponema Griyego na “phonema” o
✘ May palatunugan ang “phone” na ang ibig sabihin
bawat wika. Ito ang ay tunog. Pinakamaliit na
koleksyon ng mga tunog na yunit ng tunog.
ginagamit ng mga
mananalita ng isang wika

2
Makabuluhang tunog ang ponema.

Halimbawa: /bala/ (bullet)


/pala/ (shovel)
Pansinin ang ponema sa inisyal (unahan) na posisyon. Kung
papalitan ang /b/ ng /p/ nag-iiba ang kahulugan. Kaya ang
ponema sa inisyal na posisyon ay makabuluhan ‘pagkat
nakapagpapabago ng kahulugan.

3
Ponemang Segmental
-karaniwang kinakatawan ng mga letra,
maliban sa impit na tunog o glottal. Binubuo
ng dalawang bahagi: ponemang patinig at
ponemang katinig
TINIG NA NG DILA
LAPAT PUNTO
GITNA DULO
Ponemang Patinig = HARAP

MATAAS /I/ /U/


GITNA /E/ /O/
BABA /A/

4
P T G

✘ Ponemang Katinig = B D K

✘ Ang ponemang katinig sa F S Sh H

wikang Filipino ay binubuo V Z


ng 23 tunog Ch

M N Ň Ng

W Y

5
Ponemang Suprasegmental
✘ tunog na binibigkas kaalinsabay ng mga
salita, parirala, at pangungusap at nagbibigay
ng mga dagdag na kahulugan. Ito ay ang DIIN,
TONO, INTONASYON.

6
Diin – puwersang ibinubuga ng mambibigkas sa mga
pantig ng salita
MALUMAY – MALUMI – MABILIS – MARAGSA –
binibigkas nang binibigkas nang binibigkas ng tuloy- binibigkas ng tuloy-
banayad at may diin banayad at may diin tuloy at nagtatapos tuloy at nagtatapos
na matatagpuan sa na matatagpuan sa ang salita sa impit sa glottal na pasara
ikalawa ng huling ikalawa ng huling na pabuga at katinig
pantig ng salita. pantig ng salita.
Nagtatapos sa Nagtatapos sa
katinig, malapatinig glottal na pasutsot
o glottal na pabuga

busilak binata kanila mataba


gayuma payapa mata lumikha
banayad toyo matapat tuyo
7
Tono
✘ Sa paggamit nito sa pahayag nalalaman ang
damdaming sinasaloob. Mababatid kung galit,
masaya, may agam-agam at iba pa ang
nagsasalita. Tumutukoy ang tono sa tindi,
lumanay o puwersa ng pagbigkas. Ang lakas o
hina ng boses ay bahagi nito.

8
Intonasyon
✘ Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita
✘ Nagsasaad ng pagtatanong o paglalahad o pag-
aalinlangan.
Halimbawa:
1. Maganda si Cherry.
2. Maganda si Cherry?
Diptonggo ng Wikang Filipino
✘ Kumbinasyong ponemang patinig (a,e,i,o,u) at malapatinig (w, y)
sa isang pantig.
✘ Halimbawa:
alay = a-lay bahay = ba-hay
sisiw = si-siw abnoy = ab-noy

tandaan: alalayan bahayan (walang diptonggo)


Klaster
✘ Impluwensiya ng wikang dayuhan.
✘ Tunog na magkasunod na katinig o kambal-katinig sa isang pantig.
✘ Halimbawa:
blusa = blu-sa
klase = kla-se
eroplano = e-ro-pla-no
plakard = pla-kard
Tandaan: ang /ng/ ay isang ponema o isang tunog lamang, hindi ito klaster.
Isa itong digrapo na kinakatawan ng dalawang simbolo o letra.
Palapantigang Filipino
✘ Ang pantig (syllable) ay isang saltik ng dila o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Paghahati ng tunog sa salita.
✘ Tandaang sa bawat pantig, mayroon lamang isang patinig (vowel).
Hindi maaaring magkaroon ng dalawang patinig sa isang pantig.
Gayundin, hindi maaaring walang patinig sa bawat pantig ng salita:
maaalalahanin = ma-a-a-la-la-ha-nin
MALI ito: ma-aa-la-la-ha-nin
ma-a-ala-l-a-ha-nin

12
Ilang tuntunin sa pagpapantig
✘ Kapag may magkasunod na katinig sa gitnang posisyon ng salita,
maghihiwalay lamang ito kapag pinantig: K-K
aklat = ak-lat
pantig = pan-tig
✘ Kapag may tatlong magkakasunod na katinig, sasama sa nauunang
pantig ang una at pangalawang katinig, at sasama naman sa
susunod na pantig ang ikatlong katinig: KK-K
eksperto = eks-per-to

13
✘ kapag ang m 0 n na susundan ng br, bl, tr, ts, pl, iba ang tuntunin. K-KK:
alambre = a-lam-bre
plantsa = plan-tsa
✘ Kapag apat ang magkakasunod na katinig sa gitna ng salita,
maghihiwalay lamang nang balanse. KK-KK: ekstra = eks-tra
Kayarian ng Pantig - Ito ay pormasyon ng mga
pantig. Ang K ay katinig; ang P ay patinig.
KAYARIAN HALIMBAWA
P a-so
KP ba-ta
PK
KPK sak-lap
KKP pla-to
PKK eks-tra
KKPK prak-tis
KKPKK tsart
KKPKKK shorts
15
Morpolohiya
✘ Pag-aaral ng pormulasyon ng salita o morpema
✘ Paano nabubuo ang salita at nakalilikha ng iba’t ibang
kahulugan
✘ Morpema – yunit ng salita.
halimbawa: spaghetti + nag = nag-spaghetti
spaghetti + mag = mag-spaghetti

16
Mga Anyo ng Morpema
✘ Morpemang Ponema:
ang /a/ at /o/ ay mga tunog na karaniwang ginagamit sa pagtukoy ng
kasarian. Ito ay impluwensya ng mga Kastila.
Halimbawa: abogado abogada
propesor propesora
usisero usisera
Tandaang hindi ito mailalapat sa lahat ng mga pangngalang salita.
Halimbawa: kompositor
makata
✘ Morpemang Salitang Ugat – ang salitang ugat ang pinakapayak
na anyo ng morpema na may taglay na kahulugan. Malayang
morpema ito:

ganda takbo sarap lasap tikim


✘ Morpemang Panlapi: ang panlapi ay morpemang hindi malaya, sapagkat
hindi makatatayo nang mag-isa o hindi mababatid ang kahulugan kung
hindi ikakabit sa salitang ugat:
✘ Mga uri: unlapi, gitlapi, hulapi
✘ Paglalapi:
1. pag-uunlapi – pagkakabit ng unlapi sa salitang ugat. magbuhat
2. Paggigitlapi – pagkakabit ng gitlapi sa salitang ugat. tumawa
3. Paghuhulapi – pagkakabit ng hulapi sa salitang ugat. alisin
4. Kabilaan – pagkakabit ng unlapi at hulapi sa salitang ugat.
magtakbuhan
5. Laguhan – pagkakabit ng unlapi, gitlapi at hulapi sa salitang ugat.
pagsumikapan
Uri ng Morpema ayon sa Kayarian
✘ Payak na Morpema – ito ✘ Ang mga payak na
ang salitang ugat. morpema ang nagbibigay
Pinakaubod ng mga ng pangunahing kahulugan
salitang maylapi, tambalan sa mabubuong morpema
at inuulit. anuman ang kayarian nito.

20
✘ Morpemang Maylapi – ✘ Morpemang Inuulit – pag-uulit ng salita.
salitang ugat na nilapian: 1. Parsyal na pag-uulit – bahagi lamang ng
nagtakbuhan salita ang inuulit. aalis bali-baligtad
magsama pag-ibig

2. Ganap na pag-uulit – buong salitang ugat


ang inuulit.

araw-araw palingon-lingon
ngingiti-ngiti

21
✘ Morpemang tambalan: pagsasama ng dalawang salita na
maaaring makabuo ng kahulugan.
1. Ganap na tambalan – sa pagsasama ng dalawang salita
nakakabuo ng bagong kahulugan na walang kaugnayan sa
pinagtambal na salita. bahaghari anakpawis
2. Parsyal na tambalan – pagsasama ng dalawang salita kung
saan nananatili pa rin ang orihinal na kahulugan ng mga
salitang ito sa nabuong kahulugan. silid-aralan
punungguro

22
Tuntunin sa Panghihiram ng Salita
1. Kung ang salita ay mula sa ibang wikang dayuhan (maliban sa
Kastila), panatilihin ang baybay o ispeling kung makalilito ang
pagsasa-Filipino nito: spaghetti bouquet burger excuse
2. Kung ang salita ay pangngalang pantangi, panatilihin ang ispeling:
Jollibee Facebook Valenzuela
3. Kung ang salita ay pang-agham at teknikal: x-ray calcium
software
4. Kung ang salita ay mula sa ibang wika sa Pilipinas, panatilihin ang
ispeling: vakul (Ivatan) kofun (Ibanag) chidwai (Ivatan) cabalen
(Kapampangan)
✘ Bago manghiram ng salita, alamin muna kung
may katumbas sa sariling wika, at iyon ang
gamitin: rule – tuntunin, skill – kasanayan,
hegemony – gahum (Cebuano), flash fiction –
dagli,

24
Kung ang salita ay may katumbas sa Kastila, hiramin ang
bigkas Kastila at baybayin batay sa Abakada:
Inggles Kastila Filipino
machine maquina makina
psychology psicologia sikolohiya
image imagen imahen
conference conferencia kumperensiya
traditional tradicional tradisyonal
style estilo estilo
politics politica politika
structure estructura estruktura
family familia pamilya
aspect aspecto aspekto
university univercidad25 unibersidad
Mga Salitang Siyokoy ayon kay Virgilio Almario
✘ Ang salitang siyokoy ay salitang walang malinaw na
pinagmulang wika o hindi maikakategorya sa wikang Ingles,
Kastila, at Tagalog o Filipino, kaya hindi ito maituturing na
wastong salita ayon sa tuntunin sa ortograpiya. Halimbawa:
✘ imahe na dapat ay imahen
✘ aspeto na dapat ay aspekto
✘ kontemporaryo na dapat ay kontemporanyo
✘ pulitika na dapat ay politika
✘ istilo na dapat ay estilo

26
Wastong gamit ng salita
ng/nang:
3. Kapag inuulit ang pandiwa:
Tandaan lamang ang sumusunod na tuntunin
sa paggamit ng nang at kapag hindi Tawa nang tawa ang bata.
pasok sa tuntuning ito ng ang gamitin. 4. Kapag ang tinutukoy ay paraan at sukat:
1. Kasingkahulugan ng upang at para: Humakbang ka nang malaki.
Kumain ka ng gulay nang ikaw ay lumusog. Binaril si Rizal nang nakatalikod.
2. Kasingkahulugan ng noong: 5. Pinagsamang na at ng:
Dumating siya nang araw na iyon. Papunta nang Cubao si Gina.
Sobra nang lupit ng mga Kastila.

27
✘ Pinto – “door”, bahagi ng silid o espasyo na nabubuksan at
nasasara.
✘ Pintuan – “doorway”, bahagi ng silid o espasyo na
dinadaanan o pinapasukan.

Isara mo ang pinto.


Huwag kang humarang sa pintuan.

28
✘ Walisin – paglilinis sa tiyak na dumi o kalat.
✘ Walisan – tumutukoy sa lugar o espasyong paggaganapan
ng pagwawalis.

Walisan mo naman ang bakuran.


Walisin mo naman ang mga tuyong dahon sa bakuran.

29
✘ Pahirin – pagtatanggal o pag-aalis ng dumi
✘ Pahiran – paglalagay ng bagay

Pahirin mo ang luha mo Jane.


Pahiran mo ng mantikilya ang tinapay.

30
✘ Sila – panghalip panao na tumutukoy sa marami.
✘ Sina – panghalip panao na tumutukoy sa mga tiyak na tao.

Umalis sila kanina.


Umalis sina Ben at Daisy kanina.

31
✘ Daw/din – ginagamit kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig.
✘ Raw/rin – ginagamit kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at malapatinig.

Malaya na raw tayo.


Masakit din ang iwanan ng minamahal.

32
✘ Pangyayari – event, o mga nagaganap na bagay.
✘ Kaganapan – fulfillment o achivement, o pagbuo ng isang
bagay.

Iniulat niya ang mga pangyayari sa MRT.


Masaya siya sa kaganapan ng pagiging nurse.

33
Ang Gamit ng Gitling (-)
✘ Hyphen ito sa Ingles. ✘ Ginagamit ang gitling
Samantalang ang dash upang paghiwalayin ang
naman ay gatlang na patinig at katinig.
karaniwang ginagamit sa Representasyon din ito ng
pagbibigay ng depinisyon. impit. Bukod dito, may iba
pang tuntunin na dapat
tandaan:

34
✘ Kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig, at
uunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig:

mag + aral = mag-aral


pag + ibig = pag-ibig
nag + usap = nag-usap

35
✘ Kapag inuulit ang salita nang ganap at parsyal (parsyal na
dalawang pantig ang inulit).

Araw-araw
Linggo-linggo
Minu-minuto
Segu-segundo

36
✘ Kapag may nawawalang kataga, tulad ng ng:

pamatay-insekto = pamatay ng insekto


pamatid-uhaw = pamatid ng uhaw

37
✘ Kapag uunlapian ang numero:

✘ Ika-8 ng umaga
✘ Ika-10 ng Agosto

*kaya kapag salita na, hindi na kailangan ang gitling:


ikawalo, ikasampu

38
✘ Kapag uunlapian ang pangngalang pantangi:

✘ Taga-UP
✘ Maka-Noynoy
✘ Taga-Tarlac
✘ Mag-Facebook
✘ Nag-Tweeter
✘ Nag-Jollibee
*kapag inuulit naman nang parsyal:
Magfe-Facebook
Nagja-Jollibee
Nagti-Tweeter (kapag may klaster TW, hindi isinasama sa inuulit ang ikalawang katinig W.
nagti-Tweeter. Kaugnay din nito ang halimbawa sa salitang trabaho, dapat =
nagtatrabaho
39
✘ Kapag inunlapian ang salitang hiniram sa ibang wika:

✘ nag-burger
✘ ma-excuse
✘ mag-spaghetti
✘ nag-internet
Kapag may parsyal na pag-uulit:
nagbu-burger
mae-excuse
mag-i-spaghetti
nag-i-internet

40
✘ Kapag inilalagay ang apelyido sa pagkadalaga ng babae:

✘ Gloria Macapagal-Arroyo

41

You might also like