You are on page 1of 2

“Sa Pilipinas”

Likha ni Claudia D.

Sa Pilipinas kapag maitim ka panget ka,

Sa Pilipinas kapag maputi ka

Di ka maganda,sadyang maputi ka lang talaga

Sa Pilipinas kapag K-pop fan ka,cancer ka

Di mo man daw naiintindihan

Linyahan ng mga feeling makabayan, ni hindi naman kabisado ang lupang hinirang.

Sa Pilipinas kapag naka short ka, mala Aubrey kana

m
er as
Tapos kapag ballot na ballot ka, di ka daw marunong pumorma.

co
eH w
Ano ba talaga?

o.
Ni ultimo nga pagbili ng milk tea may issue

rs e
Mga hipokrito lakas maka hashtag ng #NoToBullying
ou urc
Pero tuwang tuwa sa mga nakakainsultong meme.
o

Sa Pilipinas kapag naka braces ka,wala kanang karapatang ngumiti


aC s

Iisipin agad nila na gusto mol ang ipasikat kaya Malaki ang kurba ng iyong mga labi,
vi y re

Tapos kapag may tattoo ka, masamang tao ka na

Nakakatawa lang kasi,may kakilala akong halos sa simbahan na tumira


ed d

pero ang ugali nangangamoy basura.


ar stu

Sa Pilipinas walang pakialamanan kahit makasakit pa ng ibang tao,

pero ang daming may pakialam pagdating sa personal na buhay mo


is

kapag may nagawa kang mali, lahat sila huhusga sayo.


Th

Lahat nagmimistulang perpekto, laging binabase ang kagandahan sa panlabas na itsura

Kung makalait kay Sansan akala mo mga ilong mestizo’t,mestiza.


sh

Lahat na ata mapanghusga

Lahat nagiging big deal sa kanila,nawawalan na ng halaga ang bawat isa

Kung anong bago dapat magaya,sumikat lang sa social media

Ganito tayo kung lamuninng Sistema

This study source was downloaded by 100000811578939 from CourseHero.com on 06-28-2021 03:19:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/55631549/SA-PILIPINASdocx/
Talamak na ang salitang “Bobo”,kung kani-kanino ito binabato,

Tila nawawalan na ng respeto makasabay lang sa uso

Video muna bago tumulong sa iba tao,

Kasikatan muna bago ang prinsipyo,

Husga muna bago alamin ang totoong kwento.

Nakakalungkot pero ito ang totoo.

Kaya kung iniisip mong panget ka dahil sa mga sinasabi ng iba,

kung nanliit ka sa sarili mo dahil sa mga panlalait nila,

kung pakiramdam mo tama sila nagkakamali ka,

kasi walang pangit sa mundo

m
er as
marami lang talaga ang feeling perpekto sa bansang ito.

co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000811578939 from CourseHero.com on 06-28-2021 03:19:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/55631549/SA-PILIPINASdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like