You are on page 1of 33

How to say,

“Pakopya ako”
without actually saying it.
Republika ng Pilipinas
PERPETUAL HELP COLLEGE OF PANGASINAN
Montemayor St. Malasiqui, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL
Taong Panuruan: 2022-2023

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

PLAGYARISMO
G. ALLAN D. ERGUIZA
Guro,SHS
LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
● Natutukoy ang mga gawaing may kaugnayan sa
pagkakaroon ng plagyarismo;
● Nabibigyang halaga ang mga pananagutan ng isang
mananaliksik bilang gabay sa mainam na
pagsasagawa ng sulating pananaliksik; at
● Nakalilikha ng isang polisiya sa plagiarism na
susundin ng klase.
Panoorin natin…
Ang
Sabi
ng mga
Mananaliksik…
Ang Plagyarismo ay…
P_ n g _ n g _ p _ a
Datos
Ideya
P_ g n _ n _ k _ w Pangungusap
Buod
P_ g s _ s _ n _ n _ a _ i _ g Balangkas
Himig
Ang Plagyarismo ay…
Pangongopya
Datos
Ideya
Pa g n a n a k a w Pangungusap
Buod
Pa g s i s i n u n g a l i n g Balangkas
Himig
PLAGYARISMO
Ayon kina Atienza, et.al., (1996) ito ay
pangongopya ng datos, mga ideya,
mga pangungusap, buod at balangkas
ng isang akda, himig at iba, hindi
kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
Ito ay uri ng pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin mo
ang hindi iyo.
PLAGYARISMO
Ayon kina Atienza, et.al., (1996) sa pananaliksik ay
may sinusunod na ETIKA. Katulad ito ng anumang
disiplina na may estriktong Code of Ethics na
ipinatutupad.
-malaking kasalanan ang plagyarismo
❑ Napatalsik ang isang dekano sa isang
unibersidad.
❑ Natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng
doktorado.
❑ Nawalan ng kredibilidad ang isang programa sa
telebisyon.
Plahiyo
“Panipi”
Quotation Marks
Halimbawa
ng Plagyarismo

Ayon kay Atienza,et.al (1996)


Plagyarismo
A. Kung ginagamit ang orihinal o mga salita, hindi
ipinaloob sa panipi o hindi ang pinagkunan,
B. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago
ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan,
C. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula
sa iba’t ibang akda at pinagtagpi-tagpi ang mga ito
ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan,
Plagyarismo
D. Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at
dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinila
na salin ang mga ito,
E. Kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo,
balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkuhan ng
“inspirasyon.” at
F. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na
pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang
nagkalap ng mga datos na ito.
Mga Parusang
Maaaring
Ipataw sa Isang
Plagyarista
Plagyarismo

Pinakamaagang parusa na para sa mga estudyante na mabigyan


ng 5.0 para sa kurso.
Kung mapapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,
maaaring patalsikin ang estudyante sa unibersidad.
Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay
kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa
INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS LAW at maaaring
sentensyahan ng multa o pagkakabilanggo.
PLAGYARISMO

Ayon sa Purdue University Online


Writing Lab (2014), ito ay tahasang
paggamit at pangongopya ng mga
salita/o ideya ng walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan
nito.
Ang Isyu ng Plagyarismo Manny V. Pangilinan

Senador Tito Sotto

Paggamit ng negosyante ng mga kataga


Paggamit ng senador ng ilang mula sa mga kilalang personalidad sa
mahahalagang sinabi ni Robert F. kaniyang talumpati nang walang
Kennedy sa kaniyang talumpati sa pagkilala
Senado ng walang kaukulang (http://www.gmanetwork.com/news/story/187652/news
pagbanggit sa pinagmulan nito /nation/mvp-borrowed-from-other-grad-speeches-says-
(http://www.rappler.com/nation/15858-kennedy-to-sott sorry).
o-this-is-a-clear-case-of-plagiarism).
Ang Isyu ng Plagyarismo Mga Estudyante at ang
Pananaliksik/Riserts
Karen Davila
Karen Davila

Pagkopya ng brodkaster sa ilang Kalimitang suliranin ng mga guro


ang mga uri ng gawain ng mga
bahagi ng akda ni Angela Stuart estudyante lalong-lalo na sa mga
Santiago para sa kaniyang gawaing pagsulat at pagsasagawa
dokyumentaryo tungkol sa ng pananaliksik.
pagkamatay ni Cory Aquino -G.Erguiza (2022)
(http://www.pep.ph/news/22804/Writer-accuses-
Karen-Davila-of-plagiarism ).
Iba pang
ANYO ng
Plagyarismo
Pagtukoy ng Plagiarism.Org (2014)
❑ Pang-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
❑ Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga
siniping pahayag;
❑ Pagbibigay ng maling impormasyon sa
pinagmulan ng siniping pahayag;

o ❑ Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o


a r i s m
Plagy kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya nang walang sapat na
pagkilala;at
❑ Ang pangongopya ng napakaraming ideya at
pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo
na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi
ang pinagmulan nito.
Mini-PETA
Polisiya sa
Plagiarism ng KLAS
E
Pangkatang Gawain
1. Ipagpapalagay ng bawat pangkat ay miyembro ng isang komite na naatasang
lumikha ng isang polisiya sa plagiarism na susundin ng klase.
2. Ang grupo/pangkat ay dapat magkasundo sa depinisyon ng plagiarism.
Pagkatapos itong pagkasunduan, lumikha ng isang polisiya ayon sa
naatasang anyo/uri ng plagiarism. Itala ang nalikha gamit ang ppt o canva
app (binubuo ng isa o dalawang slide).
3. Pagkatapos magawa ng bawat grupo ang kani-kanilang polisiya,
maghandang ibahagi ito sa klase.
4. Pag-uusapan ng buong klase ang mga angkop na polisiya sa bawat uri ng
plagiarism. Ang kalalabasan ng pagtalakay ang siyang magiging
pangkalahatang polisiya sa plagiarism na ipatutupad ng klase. Isasaayos at
bubuoin ng kalihim ng klase ang lahat ng napag-usapan at bibigyan ng kopya
ng polisiya ang bawat isa.
a r i s m o
Plagy
❑ Pang-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
-1-
❑ Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
-2-
❑ Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
-3-
❑ Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto
ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala;at
-4-
❑ Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan
na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan
nito. –5-
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado
Mahusay na natukoy ang
kahulugan at anyo ng 10
plagiarism.
Komprehensibong nasuri ang
naatasang anyo ng plagiarism 10
at angkop ang parusang
naibigay.
Nagkaroon ng pagkakaisa ang
grupo at naging mabunga ang 8
talakayan sa pagbuo ng mga
polisiya.
Malakas ang tinig at malinaw
ang pagpapahayag sa 7
presentasyon ng polisiya.

KABUOAN (35)
PRESENTASYON
Mga Pangkat

Sistematiko Lohikal

Kritikal

Analitikal
Organisado
Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at
sinungaling. Kung matuklasan na ang isang
mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala
sa kanyang pinagkunan, sapat na ito para
mabura lahat ng iba pa niyang pinagpaguran.
Hindi na kapani-paniwala ang kanyang
saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang
kanyang gawain. Parang sinisira na rin niya
ang kanyang pangalan at kinabukasan…

Alalahanin, kung madali para sa sinumang


estudyante ang mangopya, magiging madali
para sa kanya ang gumawa ng korapsyon
kung siya ay nagtatrabaho na.
KWIZ
Mga Sanggunian
Elektroniko
● https://uphslms.com/blended/
● http://www.rappler.com/nation/15858-kennedy-to-sotto-this-is-a-clear-case-of-plagiarism
● http://www.gmanetwork.com/news/story/187652/news/nation/mvp-borrowed-from-other-grad-speeches-say
s-sorry
● http://www.pep.ph/news/22804/Writer-accuses-Karen-Davila-of-plagiarism

Aklat
• De Laza, Crizel S. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo
sa pananaliksik. Manila: Rex Book Store
Maraming Salamat!
May mga katanungan?
landomagsangerguiza@facebook.com
09155865454
erguiza.allan@pangasinan.uphshl.edu.ph

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, and infographics &
images by Freepik.
Republika ng Pilipinas
PERPETUAL HELP COLLEGE OF PANGASINAN
Montemayor St. Malasiqui, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL
Taong Panuruan: 2021-2022

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

PLAGYARISMO
G. ALLAN D. ERGUIZA
Guro,SHS

You might also like