You are on page 1of 12

MALAY 26.

1 (2013): 71-82

Ang Kabilang Mukha ng Autismo: Mga Pagpapakahulugan


ng Mga Magulang sa Karanasan ng Pagkakaroon ng Anak
na may Autismo / The Other Face of Autism: Meanings that
Parents Develop from their Experiences of Having a Child
with Autism
Ron R. Resurreccion, Ph.D.
Pamantasang De La Salle, Pilipinas
ron.resurreccion@dlsu.edu.ph

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay masuri ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga magulang sa
kanilang karanasan ng pagkakaroon ng isang anak na may autismo. Sampung mag-asawa na may anak na
may autismo ang lumahok sa pag-aaral. Ang kanilang mga anak ay may edad na mula anim hanggang 20
taon. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang malaman nila sa isang espesyalista na ang kanilang
anak ay may autismo. Magkahiwalay na kinapanayam ang ama at ina ng batang may autismo at inanalisa ang
datos sa pamamagitan ng content analysis. Ayon sa datos, may limang tema ang pagpapakahulugan ng mga
magulang na may anak na may autismo. Ang unang tema ay “Kalooban ng Diyos.” Para sa mga magulang,
ang kondisyon ng anak ay biyaya ng Diyos at hindi dapat itanggi. Ang ikalawang tema ay “Tagapagbigay-
kasiyahan.” Ang kanilang anak ang nagpapaligaya sa kanila lalo na sa oras ng problema at pangangailangan.
Ang isa pang tema ay “Daan sa pagiging mabuting tao.” Nadagdagan ang magagandang katangian nila dahil
sa pag-aaruga sa kanilang anak. Ilan sa mga katangiang ito ay ang pagiging mapagpasensiya, pagkakaroon
ng matatag na pananampalataya, at pagtanaw ng utang na loob. Ang sumunod na tema ay “Tagapagpatibay
ng pamilya.” Dahil sa kanilang anak na may autismo, tumibay ang samahan ng pamilya. Ang ikalimang
tema ay “Instrumento sa pagbabago ng komunidad.” Dahil sa kanilang anak, ang kanilang mga kapitbahay
ay nagkaroon ng bagong pananaw sa mga taong may kapansanan. Ang kanilang karanasan ay nagsisilbing
inspirasyon din ng ibang mga magulang.

Mga Susing Salita: pagpapakahulugan, autismo, karanasan, magulang, anak

The objective of this study is to look into the different meanings that parents have made based on their
experiences of having a child with autism. Ten married couples, who have children with autism, participated
in this study. The ages of the children range from six to twenty, all of whom have been diagnosed by a specialist
for at least two years from the start of the data gathering. The father and mother were interviewed separately.
Data were then content analyzed. The meanings made by the parents of children with autism have five
themes. The first theme is “Will of God.” For the parents, their child’s condition is a blessing from God and
they should accept it. The second theme is “Source of joy.” Their child gives them happiness during difficult
and stressful times. Another theme is “Agent of positive character change.” Their experiences with their
child have helped them develop good qualities such as patience, spirituality, and gratitude. The next theme

Copyright © 2013 Pamantasang De La Salle, Pilipinas


72 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

is “Source of strength of the family.” Their child’s condition has facilitated bonding in the family. The fifth
theme is “Instrument of community change.” Their child’s condition has helped bring community awareness
and perspective on people with different abilities. Their experiences have also inspired other parents who
likewise struggle with having a child with different abilities.

Keywords: meaning-making, autism, experiences, parents, children

Napakahirap at napakasakit para sa isang kalungkutan, kawalan ng pag-asa, pagkabahala,


magulang ang matanggap at maunawaan ang pagkagalit, pagkaawa sa anak, pagkasiphayo, at
pagkakaroon ng isang anak na may kapansanan. pagkagulo ng isip (Liwag 3-16; Altiere and Kluge
Hindi maiwasang maitanong nila kung bakit 142-52; Myers, Mackintosh, and Goin-Kochel
sa dinami-dami ng mga pamilya, sila pa ang 670-684). Napakasakit para sa mga magulang na
nabigyan ng ganitong problema. Ang isa sa isiping hindi na magiging normal ang kanilang
mga pinakamalubhang kapansanan na maaaring anak kailanman. Palagi silang napapaisip, “Paano
makuha ng isang bata na kinakaharap ng mga na ang kinabukasan ng aking anak? Paano sila
pamilya ngayon ay ang autismo. Negatibo ang tatanggapin ng ibang tao?” Ang mga katanungang
pagkakakilala ng lipunan sa autismo sapagkat ito ang kadalasang nagpapagulo sa kanilang pag-
totoo naman na malaking pasakit ang naidudulot iisip.
nito sa pamilya ngunit ito rin naman ay may Dumaragdag pa sa pagkagulo ng kanilang isip
positibong mukha. Ang layunin ng pag-aaral na ang hindi malinaw na sanhi ng kapansanang ito.
ito ay malaman ang iba’t ibang pagpapakahulugan Sa kabila ng maraming ginagawang pag-aaral,
ng mga magulang sa kanilang karanasan sa hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryo
pagkakaroon ng anak na may autismo. kung ano ang tiyak na sanhi ng autismo (Hardman,
Sa Pilipinas, mahigit sa 70,000 bata ang may Drew, and Egan 347-71). Dahil hindi pa malinaw
autismo at sampung porsiyento lamang nito ang ang tunay na sanhi ng kapansanang ito, isang
nabibigyan ng interbensiyon (Autism Hearts malaking pagsubok din ang paghahanap ng mga
Foundation). Higit na marami ang mga batang epektibong interbensiyon para ito maiwasan
lalaking nagkakaroon nito kompara sa mga at malunasan. Walang duda na patuloy pa ring
babae (Fombonne 87-89). Ang autismo ay isang makakapinsala sa mga pamilya ang kapansanang
uri ng kapansanan mula pagkabata na saklaw ng ito sa mga darating na panahon. Patuloy pa ring
nervous system disabilities (National Institute maghahanap ng mga sagot ang mga magulang
of Child Health and Human Development). Ang sa mga katanungang bumabagabag sa kanilang
kondisyong ito ay nagdudulot sa isang indibidwal isipan (Altiere and Kluge 142-52).
ng kahirapan sa interaksiyon at komunikasyon, at Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na dala ng
limitado ang kakayahan niyang makilahok sa mga autismo, ang mga ama at mga ina ay nagkakaroon
pang-araw-araw na gawain (American Psychiatric pa rin ng lakas upang matanggap ang kondisyon
Association). Ang lubos na nakakabahala sa ng kanilang anak (Cook, Tessier and Klein 64).
lahat ng sintomas ng autismo ay ang kawalan ng Ang pagbibigay ng kahulugan sa kanilang mga
kakayahang makapagsalita nang maayos (Phelps, karanasan sa pagkakaroon ng anak na may
Hodgson, McCammon, and Lamson 27-35; kapansanan ang nagiging paraan ng mga magulang
Altiere and Kluge 142-52; Liwag 3-16). at ng pamilya upang harapin at tanggapin ang
Nagdudulot ng iba’t ibang negatibong emosyon kanilang sitwasyon (Myers, Mackintosh and
sa mga magulang ang kondisyon ng kanilang anak. Goin-Kochel 670-84). Ang pagpapakahulugan ay
Ang mga magulang ay nakararanas ng matinding mabisang paraan upang mapadali ang pagtanggap
ANG KABILANG MUKHA NG AUTISMO R.R. RESURRECCION 73

ng mga magulang na may anak na may autismo Ang mga mag-asawa ay isa-isang tinawagan
(Huws, Jones and Ingledew 569–84). Ang kanya- upang makuha ang kanilang permisong makalahok
kanyang pagpapakahulugan ng mga ama at ina ay sa pag-aaral at makapanayam. Sila ay binigyan ng
nagdudulot din ng pagkakaisa at pagkakaroon ng liham ng pagpayag o consent form kung saan
matatag na samahan ng mag-asawa (Robinson, nakasaad ang layunin ng pag-aaral, ang kanilang
Carroll and Watson 131-47). papel sa pag-aaral, at ang kanilang mga karapatan
Ang pangunahing kabuluhan ng pag-aaral na bilang mga kalahok. Ang mga panayam ay ginawa
ito ay ang pagbibigay-diin sa positibong panig sa kani-kanilang mga tahanan. Gumamit ng gabay
ng pagkakaroon ng isang anak na may autismo. sa panayam o interview guide ang mananaliksik.
Sa kabila ng mga pagsubok sa mga magulang ay Upang hindi makaimpluwensiya sa sagot ng kani-
magagandang pagpapakahulugang nabubuo mula kanilang asawa, magkahiwalay na kinapanayam
sa kanilang mga karanasan. Hindi maikakaila na ang ama at ang ina gamit ang interview guide at
maraming pamilya ang hindi nakakabangon sa voice recorder. Ang kwalitatibong pag-analisa
ganitong pagsubok ngunit may mga pamilya rin gamit ang content analysis ay isinagawa ng apat
naman na lalong yumayabong ang samahan dahil na propesor ng Departamento ng Sikolohiya ng
kanilang napagtanto ang mga dahilan kung bakit Pamantasang De La Salle. Pagkatapos maanalisa
sila nagkaroon ng anak na may kapansanan. ang datos, binalikan ang mga mag-asawa at
ipinakita ang resulta upang makompirma at
METODO malaman kung sila ay sang-ayon sa kinalabasan
ng pag-aaral.
Sampung mag-asawa ang naging kalahok sa
pag-aaral na ito. Karamihan sa kanila ay napili RESULTA
sa pamamagitan ng chain referral sa tulong ng
mga community-based rehabilitation centers. Ang Lumalabas na may limang tema ang
mga mag-asawa ay nagsasama na nang higit sa pagpapakahulugan ng mga magulang ng mga
pitong taon. Ang mga ama ay may edad mula 28 batang may autismo. Ang mga tema ay: 1.)
hanggang 54 samantalang ang mga ina naman Kalooban ng Diyos, 2.) Tagapagbigay ng
ay mula 27 hanggang 52. Sa sampung mag- kasiyahan, 3.) Daan sa pagiging mabuting tao, 4.)
asawa, walong mag-asawa ay mga Katoliko at Tagapagpatibay ng pamilya, at 5.) Instrumento sa
dalawang mag-asawa naman ay mga Kristiyano. pagbabago ng komunidad.
Ang mga mag-asawa ay nagmula sa iba’t ibang
estado ng buhay. Tatlong mag-asawa ang nakatira Kalooban ng Diyos
sa eksklusibong subdibisyon at walang hirap
na nabibigyan ng interbensiyon ang kanilang Sa limang tema, ang “Kalooban ng Diyos”
anak. Apat na mag-asawa ang masasabing may ang pinakakaraniwang pagpapakahulugan ng
katamtamang katayuan sa buhay. Tatlong mag- mga magulang. Walong ama at siyam na ina ang
asawa naman ang nakatira sa mga barangay at naniniwala na ang pagkakaroon nila ng anak na
umaasa lamang sa mga serbisyong publiko. Sa may autismo ay kagustuhan ng Diyos. Tingnan
sampung mag-asawa, siyam ang may lalaking ang Talahayan 1 para sa mga piling pahayag ng
anak na may autismo at isa lamang ang may mga magulang.
anak na babae. Ang edad ng kanilang mga anak Ayon kay Carla, “Ibinigay sa atin ng Diyos
ay mula 6 hanngang 20. Lahat ng mga batang ‘yan. It’s up to us kung paano papalakihin.”
may autismo sa pag-aaral na ito ay nagkaroon ng Kapag ibinigay ng Diyos, dapat mo itong
diagnosis noong sila ay dalawa hanggang apat na tanggapin. Kahit ano pa ang kondisyon ng iyong
taong gulang. anak, dapat magalak sapagkat ipinagkaloob ito
sa iyo.
74 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Para sa ibang magulang naman, ang Bukod sa kasiyahan, ang pagiging magulang
pagkakaroon nila ng anak na may karamdaman ng isang anak na may autismo ay isang karanasang
ay hindi lamang kagustuhan ng Diyos. Ang maipagmamalaki. Ang makapagpalaki ng
kanilang anak ay isa ring biyaya na nagdadala ng isang batang may ganitong kondisyon ay isang
magagandang karanasan sa kanilang pamilya na tagumpay para sa isang magulang na kakaunti
hindi nila mararanasan kung ang kanilang anak lamang ang yaman.
ay hindi naiiba sa ibang bata. Para naman sa ibang magulang, ang kasiyahang
Kung ang ibang magulang ay nagtatanong dulot ng anak ay hindi lamang panandalian kundi
kung bakit sa dinami-dami ng mga mag-asawa panghabambuhay. Sa isang regular na ikot ng
sa mundo ay sila pa ang nagkaroon ng anak na buhay ng isang pamilya, ang ama at ina ay
may kapansanan, ang ibang mga magulang naman maiiwan ng mga anak kapag sila ay nagkarooon
ay may mas positibong pananaw. Para sa kanila, ng sariling pamilya. Ito ay kadalasang nagdudulot
sila ay pinili ng Diyos dahil maaaring sila ay ng kalungkutan sa mag-asawa. Sa magulang
may kakayahang alagaan ang isang batang may na may anak na may autismo, nasabi nilang
kapansanan. masuwerte sila dahil maaaring hindi ito mangyari
Para naman sa ibang mga magulang, ang anak sa kanila.
nila ang naging instrumento ng Diyos upang
mahanap nila ang kanilang adbokasiya. Dahil sa Daan sa pagiging mabuting tao
kanilang anak, nalaman nila ang kagustuhan ng
Diyos para sa kanila at nagkaroon ng kabuluhan Isa ring karaniwang pagpapakahulugan sa
ang kanilang buhay. Sila ang tagapagbigay ng pagkakaroon ng anak na may autismo ng mga
tulong at pag-asa sa ibang mga magulang na may magulang ay ang “Daan sa pagiging mabuting
anak ring may kapansanan. tao.” Anim na ama at anim na ina rin ang
nagsabi na dahil sa kanilang anak, marami
Tagapagbigay ng kasiyahan silang natutunang aral sa buhay at nahasang
magagandang katangian na sa tingin nila ay hindi
Marami rin sa mga magulang ang may nila mararanasan o makakamtan kung ang anak
pananaw na ang kanilang anak ay “Tagapagbigay nila ay normal. Tingnan ang Talahanayan 3 para
ng kasiyahan.” Anim na ama at pitong ina sa mga piling pahayag ng mga magulang.
ang nagsabi na kahit na nahihirapan sila sa Marami sa kanila ang nagsabi na humaba
kondisyon ng kanilang anak, sila ay nakakahanap ang pasensiya nila at lumawak ang pag-unawa sa
ng kaligayahan sa mga ito. Nababawasan ibang tao. Hindi lang sila natutong magpasensiya
ang kanilang pagod at mga problema kapag sa mga taong hindi nakakaunawa ng kondisyon
nakakapiling nila ang kanilang anak. Tingnan ng kanilang anak, nagkaroon din sila ng pag-
ang Talahanayan 2 para sa mga piling pahayag unawa sa ibang taong may mga kakulangan o
ng mga magulang. kapansanan.
Malaking kasiyahan din ang naidudulot ng Marahil nakayanan nilang habaan ang
anak na may autismo sa magulang kapag siya ay pasensiya at magpakatatag sa mga pagsubok
may mga bagay na natututunang gawin kahit na dulot ng autismo dahil natuto silang magmahal
ito ay mga simpleng gawain lamang. Tanggap nang walang kapalit. Sabi nga ni Enrique, “There
na ng mga magulang na maraming bagay ang is nothing that could possibly go wrong if you
hindi na magagawa ng kanilang anak tulad ng give love unselfishly (Walang maaaring maging
pagsasalita o pag-aalaga sa sarili. Kaya kapag ang mali kung ibibigay mo ang iyong buong pusong
anak ay nakagawa ng isang di inaasahang bagay, pagmamahal nang walang bahid ng kasakiman).”
hindi mailarawan ang kasiyahang naidudulot nito Lumakas din ang kanilang pananampalataya
sa magulang. sa Diyos. Para sa ilang magulang, napatunayan
ANG KABILANG MUKHA NG AUTISMO R.R. RESURRECCION 75

nila na hindi sila iiwan ng Diyos at parati silang batang may autismo ay kapiling nila. Pahayag
susuportahan sa oras ng matitinding pagsubok at ni Lani, “He made us realize that what is really
pangangailangan. Ang anak nila ang nagsisilbing important, aside from being with God, is time for
paalala na ang Diyos ay laging nariyan. your family… to have really time for your family.”
Para naman sa ibang magulang, ang anak Tingnan ang Talahanayan 4 para sa mga piling
nila ang nagsilbing paalaala na ang kasiyahan ay pahayag ng mga magulang.
nakukuha sa mga simpleng bagay. Nasanay sila Napansin din ng mga mag-asawa na mas
sa simpleng pamumuhay sapagkat nagbago ang naging matatag ang samahan nilang mag-asawa
prioridad nila sa mga gastusin. dahil sa kanilang anak. Sila ang sandalan ng isa’t
Dahil ang mga batang may autismo ay isa mula nang malaman nila ang kondisyon ng
hindi nagsisinungaling, ang isa pang nahasang kanilang anak.
magandang katangian ng mga magulang ay ang May mga pagkakataon pa na ang anak nila na
pagiging tapat at totoo sa kanilang pakikipag- may autismo ang dahilan kung bakit ang mga mag-
ugnayan sa ibang tao. Kapag nangako sila na asawang madalas mag-away ay nagdadalawang
gagawin ang isang bagay, talagang gagawin nila -isip na maghiwalay. Kapag ang mag-asawa ay
ito. may mga hindi pagkakaintindihan, una nilang
Ang mga magulang din ay natutong tumanaw naiisip ang kapakanan ng kanilang anak.
ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa
kanila sa pag-aalaga sa kanilang anak. Bilang Instrumento sa pagbabago ng komunidad
pasasalamat, ang mga magulang ay bukas-loob
ding ibinabahagi ang kanilang karanasan at mga May ilang magulang din ang nagsabi na ang
nalalaman sa ibang tao lalo na sa ibang magulang anak nila ang naging instrumento sa pagbabago
na may anak ding tulad ng kanila na nagsisimula ng komunidad lalo na sa pagtrato sa mga taong
pa lang sa kanilang paglalakbay sa mundo ng may kapansanan. Tingnan ang Talahanayan 5
autismo. Ayon kay Angela, “Gusto ko rin ako para sa mga piling pahayag ng mga magulang.
yung makatulong sa iba—makatulong ako kahit Noong hindi pa nila nauunawaan kung ano ang
papaano sa mga may kapansanan.” autismo, marami sa kanilang mga kapitbahay ang
nanghuhusga at nagsasabi ng hindi magagandang
Tagapagpatibay ng pamilya bagay sa kanilang anak at sa kanilang kakayahang
magpalaki ng anak. Karamihan din sa mga
Ang pang-apat na pagpapakahulugan ng mga kabataan sa kanilang komunidad ay laging
magulang ay “Tagapagpatibay ng pamilya.” tinititigan at ginagawang katatawanan ang
Apat na ama at limang ina ang nagsabi na ang kanilang anak. Ngunit nang lakas-loob nilang
pamilya nila ay naging mas malapit sa isa’t isa ipaliwanag sa mga kapitbahay ang kondisyon ng
dahil sa kanilang anak na may autismo. Buhay anak, nagbago ang pananaw ng mga ito sa mga
ang pamilya at lalong nagbubuklod kapag ang taong may kapansanan.
76 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Talahanayan 1: Ang Anak Bilang Kalooban ng Diyos

Magulang Mga Pahayag


Angela “Anak ko ito. Binigay ng Diyos. Kailangan kong tanggapin…
Kahit hindi ko anak ‘yan naaawa pa nga ako eh. Mahirap.
Hindi mo kasi maramdaman kung hindi galing sa iyo.”
Larry “Super blessed because we have a living angel in us that came
on earth. Kasi si Luis talaga is the person na wala talagang
kasalanan. So where can you have that? We have a living
angel in us from heaven. Kasi wala talaga siyang, siyempre,
original sin. Wala siyang sin, di ba? Kasi lahat ng gagawin
niya, hindi niya alam because of his condition.”
Gale “I went through several reflections. Siguro, God had his
reasons why he gave me that child. God wants us to learn
many things through him. So for me he is a special child na
ibinigay samin so he really is a special gift to us.”
Lani “Kung titignan mo, dapat matuwa ka pa because sa dami-
dami—millions and billions all over the earth, napili pa kayo
to be able to, because God knows na kaya ninyo ‘yan and there
is a purpose why he’s there. From that perspective, hindi na
yung ‘Why me?’ Kami talaga, natutuwa talaga kami. It never
entered our minds na,‘Why us? Bakit ganito? Ang bait bait ng
anak ko, bakit kami ang nagka-ganyan?”
Sarah “Parang naintindihan ko na. Sa church namin pag may nada-
diagnose, sa akin tumatawag. Tapos ‘yung experience ko
nare-relate ko. Ako na ‘yung nagco-counseling doon sa church
namin at saka sa school ‘yung pag may mga bagong diagnose
doon. So na-realize ko, ah eto pala yung purpose ni Lord.”
ANG KABILANG MUKHA NG AUTISMO R.R. RESURRECCION 77

Talahanayan 2: Ang Anak Bilang Tagapagbigay ng Kasiyahan

Magulang Mga Pahayag


Cesar “After a stressful day, pinupuntahan ko si Charles. You can tell him
everything. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya nagre-react. Titignan ka
lang niya nang walang judgment. So very relaxing. Siya yung nagiging
therapist ko. Hindi lang din nila alam pero may part na ganoon… Pag
nag-aaway kami ng Mom ko tapos masamang-masama ang loob ko,
lalapit lang ako sa kanya, tapos I’ll talk to him. Titingin siya. ‘Yung
alam mo yung titignan ka lang niya na parang naiintindihan niya yung
sinasabi mo…I can tell him everything—anything I want to tell him.
He just looks at you in a very accepting way. Tapos feeling mo pag
kinakausap mo siya hindi ka niya hinuhusgahan. He accepts you for
who you are. Masarap. Hindi mo pwedeng gawin sa ibang tao yun.”
Rissa “Si Josh kasi parang laruan namin. Oo, nakakatuwa eh. Kapag nakita
mo, kilitiin mo lang, tatawa lang yan eh. Kulit-kulitin mo lang yan eh.
Pa-kiss ka lang sa kanya, nakakawala na ng pagod eh. Kikilitiin mo
lang ‘yan, nakakawala na ng pagod eh.”
Gale “Ako, ang ginagawa namin naglalaro kami. More of emotional
attachment ang nakukuha ko sa kanya. Basta masarap…masarap.
Charles has become the bundle of our joy.”
Sarah “Talagang inaantay namin magsalita. Alam mo nung nagsalita yan,
talagang heto na, ‘Thank you Lord! Hallelujah!’ Nung nagsalita na,
‘Praise God!’… Bawat word na sabihin ni Kyle talagang palakpakan
kami.”
Ariel “Proud ako. Sa isip ko hindi ko akalain na magkakaganyan siya na
magiging parang normal. Noon talaga iniisip ko pa, ‘Paano na kaya
ito pag lumaki na ito? Naisip ko rin na okay na ako sa anak na autistic
kaysa naman adik, criminal—rapist o magnanakaw.”
Greg “Ako proud ako na ganoon ‘yung mga natutunan ko. Shini-share ko
lang. Hindi ko kinakahiya. Wala kaming pera pero natuturuan namin
‘yung bata sa tamang galaw. So doon ako proud. At least kasi yung
achievement ko, kahit na papano achievement naming mag-asawa eh
nagawa naming -na kahit na kakapirasong pera lang ang binibigay sa
samin, napaghati-hati naming kasama siya.”
Larry “We’re also blessed kasi siyempre, once the children, like Leonard, 21
na siya, 4 or 5 years pa afterwards aalis na siya. But kami, sabi namin
na we’re so blessed kasi si Luis maiiwan pa rin sa amin. Kahit itong
bunso, eventually, aalis na rin siya. Pero at least with Luis, he will still
be with us. So may kasama ka. Hindi namin tinitignan na baka mas
mahirap kasi by that time, matanda na kami, paano ‘yan? Pero for us,
hindi namin tinitignan yung worst scenario. It’s a very positive outlook.
Eventually, we will just be complete. At the same time, siguro naman
okay siya. ‘Di yung isip mo, ‘paano na siya?’ or anything. Wala. Very
positive.”
78 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Talahanayan 3: Ang Anak Bilang Daan sa Pagiging Mabuting Tao


Magulang Mga Pahayag
Carla “Parang less judgmental ka na sa ibang tao ba. Kasi minsan tayo pintasera
eh. Pero ‘pag naiisip ko yung sarili ko, ‘Ay oo nga pala. Ako may anak na
ganoon.’ Na pag titignan mo ‘yang batang yan, parang ang bobo bobo. Ang
hirap makatanda, ang hina sa school. Pero ngayon, hindi ko na pwedeng
sabihin yun, ‘yung hindi ko dapat i-judge yung ganoon. Kasi may kanya-
kanya tayong kakayanan, di ba? Yun, ‘yung parang less judgmental ka na.
Less critical ka. Parang ganun. Kasi minsan pintasera talaga ako eh.”
Jose “Yung parang nag-iba din talaga yung pananaw mo sa mga things. Kung
before mas istrikto ka sa mga little details. Ngayon mas patient ka. Parang
tolerant din of others.”
Grace “Pagsubok yun. Kailangan maging matatag at habaan ang pasensiya. Iba
kasing parents tinitignan nila iyon as in curse... parusa sa pamilya. Every
single day of his life or her life sa buhay ng anak mo, matututunan mo ang
kanyang kilos. Kahit simpleng pagdighay. Kung anuman ‘yan, talagang
pag-aaralan ng anak mo.”
Cesar “I think because of this I had more faith in God that is why I think Charles
is a blessing. A gift from God. Unang-una di ka naman bibigyan ni Lord ng
di mo kakayanin.”

Talahanayan 4: Tagapagpatibay ng Pamilya


Magulang Mga Pahayag
Sarah “There was a time he went camping. He was camping and we were all alone
here. The house was so quiet. Sabi nga parang may namatayan. Wala si
Kyle. So he is a bond that brings us together. He’s the one who brings the
family together. We’ve become so bonded because we want to support, we
want to encourage him, make him feel better so nagkakaroon ng bond yung
family. Nagiging united.”
Dennis “As a family, as husband and wife, we support each other. Nakikita ko ‘yung
disappointments ng wife ko. For example, when we found out about it. The
night after we found out about it, about Kyle, I entered the room and she
was hugging Kyle and was crying. Rocking Kyle and she was crying because
of the fact that we found out about it, his condition. And I too told her she
had to be brave. Told her everything’s alright and we’d be together. We are
together in this. Even our relationship as husband and wife has gone closer
because of his condition.”
Angela “Mayroon din kaming mga away na mag-asawa na gusto na namin
maghiwalay, Siguro dahil may special child kami, mare-realize namin na
si Arnold hanggang sa pagtanda namin kasama namin siya.”
ANG KABILANG MUKHA NG AUTISMO R.R. RESURRECCION 79

Talahanayan 5: Ang Anak bilang Instrumento sa Pagbabago ng Komunidad

Magulang Mga Pahayag


Hannah “Aba ‘yung mga dating nanlalait sa anak ko ay natuto. Mula noong
nalaman nila kung ano ang kondisyon ng anak ko, eh sila na ngayon
ang nag-aalaga sa kanya.”
May “Mula nang malaman nila ang tungkol sa anak ko, mas naging
maunawain sila. Sila pa ngayon ang kusang nag-aalok ng tulong
sa amin. Kung anu-ano ang binibigay nila sa anak ko. Minsan uuwi
siya na may dalang ice cream. Kaya pala, bigay ng kapitbahay.”
Angela “Mayroon din kaming mga away na mag-asawa na gusto na namin
maghiwalay, Siguro dahil may special child kami, mare-realize namin
na si Arnold hanggang sa pagtanda namin kasama namin siya.”

(Gall, Charbonneau, Clarke, Grant, Joseph at


DISKUSYON Shouldice 88-104).
Hindi layunin ng pag-aaral na ito na
Hindi maitatanggi ang mapapait na karanasang malaman ang order o pagkakasunod-sunod ng
pinagdaraanan ng mga ama at ina ng mga batang pagpapakahulugan ng mga magulang ngunit
may autismo. Ang pagtanggap sa kondisyon maaaring ang “Kalooban ng Diyos” ang unang-
ng kanilang anak ay isang mahabang proseso. una nilang naisip. Marami sa mga magulang
Dadaan muna sila sa pagkakaroon ng iba’t ibang ang nagsabing, “Bigay ‘yan ng Diyos. Walang
negatibong emosyon at reaksiyon (Hardman, magagawa kundi tanggapin.” Bagama’t tanggap
Drew at Egan 347-71) tulad ng matinding galit nila ang kondisyon, ang ganitong pahayag ng
at kalungkutan bago nila tuluyang matanggap damdamin ay maaaring may halo pang poot at
ang kondisyon ng kanilang anak. Ang isang kalungkutan. Hindi pa buong-buo ang kanilang
malinaw na indikasyon na talagang natanggap pagtanggap ngunit dahil naniniwala sila na
na nila ang kanilang anak ay ang pagkakaroon kagustuhan ito ng Diyos at ang pagsunod at
nila ng positibong pagpapakahulugan sa kanilang pagsuko sa Kanyang kalooban ay tanda ng
karanasan bilang magulang ng isang anak na may pagiging mabuting Kristiyano, napapabilis ang
autismo. kanilang pagtanggap sa kondisyon ng anak dahil
Hindi nakapagtataka na ang pangunahing sa ganitong pagpapakahulugan. Ito ang maaaring
pagpapakahulugan ng mga magulang ay may naging daan upang magkaroon sila ng iba pang
kinalaman sa kanilang pananampalataya sapagkat mga positibing pagpapakahulugan.
86% ng Pilipino ay Katoliko at ang Pilipinas ay Ang “Tagapagbigay ng saya” ay isa ring
kilala na nag-iisang bansang Kristiyano sa Asya pangunahing pagpapakahulugan ng mga
(Miller 26-27). Para sa kanila, ang pagkakaroon magulang. Sadyang malambing ang mga may
ng anak na may autismo ay “Kalooban ng Diyos.” autismo (Sicile-Kira 5) kaya naman madalas
Malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kinagigiliwan at madaling mapagkunan ng saya.
pagkakaroon ng tiwala sa Diyos (Timbreza 38-39) Salungat ito sa madalas nating naririnig na sila
at ang mga pagsubok sa buhay ang nagpapatibay ay walang emosyon at may sariling mundo; ang
nito (Mansukhani at Resurreccion 271-290). totoo, sila ay klaro sa pagpapakita ng emosyon
Ang pagkakaroon ng pagpapakahulugan na may lalo ang mga may autismo na hirap sa pagsasalita.
temang espiritwal ang nagdudulot ng lakas at Sa kilos at emosyon nila ipinapahiwatig ang nais
kaginhawahan sa oras ng matitinding pagsubok
80 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

nilang sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. Ayon pasensiya at pag-unawa ang karaniwang nahahasa
sa mga magulang, ang kalambingan nila ang kapag ang anak ay may kapansanan. Nadagdagan
nakakawala ng kanilang pagod at tuwing wala ang din ang kanilang pagtanaw ng utang na loob dahil
anak na may autismo sa bahay nila ay ramdam na napakaraming tao ang nakatulong sa kanila noong
ramdam nila na may kulang sa pamilya. Bukod oras ng pangangailangan. Nariyan ang mga guro
sa pagiging malambing, madaling ikatuwa ang at therapist na itinuring na ring parang anak ang
simpleng kakayahang kanilang natutunan tulad kanilang anak. Nariyan din ang mga kamag-anak,
ng pagbigkas ng salita o pagsulat. Bahagi ng mga kaibigan, at mga kapitbahay na nagbigay
proseso ng pagtanggap ng kondisyon ng anak nila ng suporta dahil sa kanilang pagmamahal sa
ay pagtanggap na ang kanilang anak ay hindi na bata. Karamihan sa mga ama ay nagsabing sila
kailanman magiging tulad ng ibang bata. Tanggap ay naging pursigido sa pagtatrabaho dahil ang
na nila na mabagal matuto ang kanilang anak kaya kanilang asawa ay nagbitiw sa trabaho upang
naman pag may bagong natutunan ay grabe ang matutukan ang pag-aalaga sa anak. Dahil mahal
kasiyahang naidudulot nito. Lalo na siguro kung ang interbensiyong kailangan ng anak, naging
ang anak ay nakakagawa ng mga bagay na hindi maabilidad sila sa paghanap ng perang magagamit
kayang gawin ng ibang normal na tao, bata man ng pamilya. Bukod sa pagtibay ng kanilang
o matanda. Ang ibang batang may autismo ay pananampalataya, nadagdagan din ang kanilang
may mga di karaniwang kakayahan (Sicile-Kira pag-asa at naging mas positibo ang pananaw sa
5). Ang ilan sa kanila ay may kakaibang talento buhay.
sa matematika o pagguhit, at ang iba naman ay Ang kasiyahang naibibigay ng batang may
may kakayahang magmemorya ng maraming- autismo ang maaaring dahilan din sa pagkakaroon
maraming impormasyon na angat sa kaya ng isang ng mas matatag na pamilya. Para sa ibang mga
karaniwang tao. magulang, itinuturing nila ang kanilang anak na
Marahil, isa sa mga pinakapositibong dulot ng may autismo na “Tagapagpatibay ng pamilya.”
pagkakaroon ng autismo ay ang pagiging “Daan Ang pamilya ay sama-samang napapasaya ng
nito sa pagiging isang mabuting tao.” Ayon kay batang may autismo sa paraang hindi nagagawa
Peterson, Park at Seligman (17-26), nagdudulot ng isang batang normal. Naging matatag ang
ng pagbabago sa tao ang mga pagsubok ng buhay. pamilya dahil ang magkakapatid ay nagtutulungan
Ang mga pagsubok na ito ang nagiging daan sa at nagsasakripisyo sa pag-aalaga ng kapatid at
pagkakaroon ng katatagan ng loob at iba pang nagsisikap na mapanatiling maganda ang samahan
mabubuting katangian na maaaring hindi nila nila (Liwag 3-16). Lahat ng miyembro ng
matututunan kung hindi sila nagkaroon ng anak pamilya ay nagkakaisa sa layuning mapabuti ang
na may autismo (Greenberg, Seltzer at Krauss 14- kalagayan ng batang may autismo. Dahil dito, ang
25). Ayon kay Hastings and Taunt (116-27), kapag pamilya at tumatatag at nagiging malapit sa isa’t
ang magulang ay nagsimulang magtuon ng pansin isa (Liwag 3-16; Phelps, Hodgson, McCammon,
sa mga positibing aspeto ng kanilang karanasan, at Lamson 27-35). May mga pagkakataon pa
nagkakaroon sila ng bagong perspektiba sa buhay, na ang layuning ito ang pumipigil sa mga mag-
dagdag na pag-unawa, suporta sa pamilya, at asawang nais maghiwalay at ayusin ang anumang
marami pang iba. di pagkakasundo.
Ayon sa mga magulang, nagkaroon sila ng mas Ayon sa mga magulang, ang mabuting epekto
mahabang pasensiya at pag-unawa sa ibang tao. ng pagkakaroon ng anak na may autismo ay hindi
Natuto silang magtimpi kapag nakakarinig sila lamang sa pamilya kundi pati rin sa kanilang
ng mga di magagandang salita mula sa ibang tao komunidad. Ang anak nila ay naging “Instrumento
tulad ng, “abnormal ang anak nila” o kaya ay “di ng pagbabago sa komunidad.” Nakagagalak para
nag-ingat sa pagbubuntis ang ina.” Ayon kina sa kanila na masaksihan ang proseso ng pagbabago
Myers, Mackintosh at Goin-Kochel (670-84), ng ilang miyembro ng kanilang komunidad. Ang
ANG KABILANG MUKHA NG AUTISMO R.R. RESURRECCION 81

mga dating nanghuhusga sa kanilang anak ay na matanggap ang kondisyon ng kanilang anak.
naging tagapag-alaga na rin niya mula noong Ang kaalamang ito ay maaaring makabawas sa
naintindihan nila kung ano ang autismo. Dahil pagkakaroon ng galit, kalungkutan, pagkabigo at
din sa kanilang anak, ang mga magulang, lalo na kawalan ng pag-asa.
ang mga ina, ay nagkaroon ng adbokasiya. Sila
ay sumali sa mga grupo tulad ng Autism Society KONKLUSYON
of the Philippines. Bukod sa matulungan ang mga
magulang na may anak na autismo, layunin din Hindi kaila na mahirap magkaroon ng isang
ng grupong ito na maimulat ang publiko kung anak na may autismo at maraming negatibong
ano ang sakit na autismo. Ang mga magulang karanasan ang nakaabang dito. Sa hinaharap,
ay naging aktibo sa pagbabahagi ng kanilang patuloy pa ring magpapahirap ang sakit na ito
karanasan sa ibang tao at ito ay nagbunga ng ngunit dapat ding tandaan na may mabuting
pagbabago sa komunidad. Ang mga tao ay naidudulot ang autismo sa pamilya sa paraang
naging mas maunawain sa mga may kapansanan hindi magagawa ng isang pamilya na walang may
at ang mga lokal na pinuno ay gumawa ng mga autismo. Kung hindi dahil sa kanilang karanasan
programa para sa kanila. Pakiramdam ng mga sa pagkakaroon ng anak na may autismo, hindi
magulang, obligasyon nilang tulungan ang ibang sila magkakaroon ng mga pagpapakahulugan
mga magulang at ang kanilang komunidad na na nagdulot ng mabubuting katangian at
maintindihan ang autismo bilang pagtanaw ng nakapagpabago ng kanilang pananaw sa buhay.
utang na loob sa ibang mga magulang at ibang Para naman sa mga miyembro ng komunidad,
mga taong tumulong sa kanila noong sila ay nag- dapat nilang tandaan na ang mga batang ito,
uumpisa pa lamang sa kanilang paglalakbay sa sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan, ay
mundo ng autismo. may mahalagang papel na ginagampanan sa
Kasabay ng mga magulang sa kanilang lipunan. Patuloy na makikilala ang autismo na
paglalakbay ay ang mga espesyalista na tumulong tagapagdulot ng sakuna sa pamilya ngunit dahil
na mapabuti ang kondisyon ng kanilang anak sa mga positibong pagpapakahulugan ng mga
at pamilya. Malaking suporta ang inaasahan ng magulang, nakikilala na ang kabilang mukha nito.
mga magulang mula sa mga espesyalista tulad
ng mga therapist at sikolohista at kung di nila SANGGUNIAN
maibibigay nang tama ang suportang ito ay maaari
pa itong makadagdag sa pagkalito, pagkasiphayo, Altiere, Matthew, at Silvia Von Kluge. “Searching
pagkagalit, at pagkabigo (Hardman, Drew, and for Acceptance: Challenges Encountered
Egan 347-71). Ayon sa persepsyon ng ibang while Raising a Child with Autism.” Journal
magulang, ang ilang mga espesyalista ay hindi of Intellectual and Developmental Disability
sapat ang kakayahang ipaliwanag ang kondisyon 34.2 (2009) : 142-52. Nakalimbag.
ng kanilang anak at ang magiging epekto nito sa American Psychiatric Association. Diagnostic
kanilang pamilya (Liptak, Orlando, Yingling, and Statistical Manual of Mental Disorders
Theurer-Kaufman, Malay and Tompkins 245- 4th ed.-text revision. Washington, DC: Author,
252). Sa halip ay nabibigyan lamang sila ng 2000. Nakalimbag.
maling pag-asa (Altiere and Kluge 142-52). Upang Autism Hearts Foundation. International Autism
maiwasan ang hindi magandang pakikitungo sa Conference, 2009. Web. 3 February 2010
mga magulang, maaaring magamit ng mga <http://www.iacphil.com.>.
therapist o family counselor ang limang tema ng Cook, Ruth, Annette Tessier, at M. Diane Klein,
pagpapakahulugan na nabanggit sa pag-aaral na M. Adapting Early Childhood Curricula
ito. Ito ay makatutulong lalo na sa mga magulang for Children in Inclusice Settings. 6th ed.
na nagsisimula pa lamang sa paglalakbay na ito
82 MALAY TOMO XXVI BLG. 1

Englewood Cliff, NJ: Merrill Publishing Mansukhani, Roseann at Ron Resurreccion.


Company, 2004. Nakalimbag. “Spirituality and the Development of Positive
Fombonne, Eric. “The Prevalence of Autism.” Character among Filipino Adolescents”
Journal of the American Medical Association Philippine Journal of Psychology 42.2 (2009)
289.1 (2003) : 87-89. Nakalimbag. : 271-290. Nakalimbag.
Gall, Terry Lyn, Claire Charbonneau, Neil Miller, Jack. “Asia society’s focus on Asian
Clarke, Karen Grant, Anjali Joseph, and Lisa Studies: Religion in the Philippines. Asian
Shouldice. “Understanding the Nature and Religions 2.1 (1996) : 26-27. Nakalimbag.
Role of Spirituality in Relation to Coping and Myers, Barabara, Virginia Mackintosh, at Robin
Health: A Conceptual Framework” Canadian Goin-Kochel. “My Greatest Joy and My
Psychology 46.2 (2005) : 88-104. Nakalimbag. Greatest Heart Ache: Parents’ Own Words on
Greenberg, Jan, Marsha Seltzer, Marty Krauss. how Having a Child in the Autism Spectrum
“The Effect of Quality of the Relationship has Affected their Lives and their Families’
between Mothers and Adult Children with Lives.” Research in Autism Spectrum Disorder
Schizophrenia, Autism, or Down Syndrome 3 (2009) : 670-84. Nakalimbag.
on Maternal Well-being: The Mediating National Institute of Child Health and Human
Role of Optimism. American Journal Development. “Autism overview: What we
of Orthopsychiatry 74.1 (2004) :14-25. know.” 2005. Web. 2 April 2010 <http://www.
Nakalimbag. nichd.nih.gov.>.
Hastings, Richard at Helen Taunt. “Positive Peterson, Christopher, Nansook Park, at Martin
Perceptions in Families of Children with Seligman. “Greater Strengths of Character and
Developmental Disabilities. American Journal Recovery from Illness.” The Journal of Positive
on Mental Retardation 107.2 (2002):116–27. Psychology 1.1 (2004) : 17-26. Nakalimbag.
Nakalimbag. Phelps, Kenneth, Jennifer Hodgson, Susan
Hardman, Michael, Clifford Drew, at M. McCammon, at Angela Lamson. “Caring
Winston Egan. Human Exceptionality: School, for an Individual with Autism Disorder: A
Community, and Family 8th Ed. Boston: Allyn Qaulitative Analysis.” Journal of Intellectual
& Bacon, 2006. Nakalimbag. and Developmental Disability 34.1 (2009) :
Huws, Jaci, Robert Jones, at David Ingledew. 27-35. Nakalimbag.
“Parents of Children with Autism Using an Robinson, David, Jason Carroll, at Wendy Watson.
Email Group: A Grounded Theory Study.” “Shared Experience Building Around the
Journal of Health Psychology 6.5 (2001) : Family Crucible of Cancer.” Families, Systems,
569–84. Nakalimbag. & Health 23.2 (2005) : 131-47. Nakalimbag.
Liptak, Gregory, Mark Orlando, Jacalyn Yingling, Sicile-Kira, Chantal. Autism Spectrum Disorders:
Karin Theurer-Kaufman, Daniel Malay, Luz The Complete Guide to Understanding Autism,
Tompkins, Jeannette Flynn . “Satisfaction Asperger’s Syndrome, Pervasive Developmental
with primary health care received by families Disorder, and other ASDs. New York: The
of children with developmental disabilities.” Berkley Publishing Group, 2004. Nakalimbag.
Journal of Pediatric Health Care 20.4 (2006): Timbreza, Florentino. Filipino values today.
245-252. Nakalimbag. Mandaluyong: National Bookstore, 2003.
Liwag, M. Emma. “Mothers and Fathers of Nakalimbag.
Autistic Children: An Exploratory Study of
Family Stress and Coping.” Philippine Journal
of Psychology 22 (1989) : 3-16. Nakalimbag.

You might also like