You are on page 1of 18

FILIPINO SA PILING

LARANGAN (AKADEMIK)
KAGAMITANG PANGKURSO BLG. 4

https://lh3.googleusercontent.com/-FjTpR1_QDuo/X7K9kRpHOKI/AAAAAAAAT3Q/I13zfm3FK24FF3w7c9f7fUmzTscyMk66ACLcBGAsYHQ/w640-h491/iu.jpeg
INAASAHANG PAGKATUTO
Sa pantulong na kagamitang ito, inaasahan na
ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng:

1. Pagsasaalang-alang ng etika sa binubuong


akademikong sulatin.

1. Paggamit ng kasanayan sa pananaliksik


upang makasulat ng makabuluhang
akademikong sulatin na naayon sa
larangang pinili.

2. Pagpapatibay sa mga natamong


kasanayan sa pagsulat ng mga
akademikong sulatin sa pamamagitan ng
sariling mga halimbawa na may kalidad at
integridad.

3. Pagbuo ng sulating may batayang


pananaliksik ayon sa pangangailangan.

4. Pagsulat ng organisado, at kapani-


paniwalang sulatin na nakabatay sa
maingat, wasto at angkop na paggamit ng
wika.

5. Pakikiisa at pakikisangkot sa mga gawaing


pagsulat.

ARALIN 4: PAGSULAT NG MGA SANAYSAY:


REPLEKTIBO, LAKBAY-SANAYSAY AT
LARAWANG-SANAYSAY

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Mabuhay, Nationalians!
Ilang aralin na rin ang iyong natapos
pag-aralan patungkol sa akademikong
pagsulat. Ngunit hindi pa riyan natatapos ang

https://www.everydayhealth.com/ankyl
osing-spondylitis/prevent-back-pain-
mga dapat mong malaman.

while-working-from-home/
Malamang ay ilang beses mo na rin
naranasan ang pagsulat gaya na lamang ng
sanaysay, Ngunit ang tanong naging madali ba
para sa iyo ang pagsisimula ng pagsulat ng
mga ito? Sapat na ba ang iyong kaalaman
upang maging maayos at organisado ang
nilalaman ng sulating ito?
Nilalaman ng Modyul
Lalo pang makatutulong sa iyo ang
• Inaasahang Pagkatuto p. 2
patuloy na pag-aaral sa ganitong uri ng sulatin.
• Subukan Mo Nga p. 4
Marami ka ring mapagkukuhanan ng iyong
• Mahahalagang tanong p. 4
mga ideya sa iyong isusulat batay na rin sa
• Ano ang Sanaysay p. 5
iyong karanasan gayundin sa karanasan ng
• Ano ang Replektibong Sanaysay p. 6
mga taong nasa iyong paligid.
• Mga bahagi ng Replektibong
Sa araling tatalakayin ay marahil
pamilyar ka na ngunit mainam pa rin na ito ay Sanaysay p. 7

iyong pag-aralan upan lubusang maunawaan • Halimbawa ng Replektibong Sanaysay p. 8

ang wastong pagsulat nito, ang mga paksang • Ano ang Lakbay-Sanaysay p. 10

tatalakayin ay patungkol sa Replektibo, Labkay- • Mungkahi sa pagsulat ng

Sanaysay at Larawang Sanaysay. Lakbay-sanaysay p. 11

• Halimbawa ng Lakbay-sanaysay p. 12

Halina’t simulan mo ng aralin at lubusang • Ano ang Larawang-Sanaysay p. 13


unawain ang mga uri ng sanaysay na ito. • Mungkahi sa pagsulat ng

Larawang-sanaysay p. 14
Padayon! • Halimbawa ng larawang-sanaysay p. 15

• Gawaing Pampagkatuto p. 16
• Buod ng Aralin p. 17
• Sanggunian p. 18

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Subukan Mo Nga

Tingnan ang larawan na makikita sa iyong


kanan. Batay sa iyong nakikita suriin ang
nilalaman ng nito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ibigay ang mga katangian na nakikita


sa larawan.

2. Ano ang nais iparating ng larawan sa


iyo?

3. Mayroon bang kaugnayan ang bawat https://www.istockphoto.com/illustrations/tug-of-war

larawan sa isa’t isa? Ipaliwanag.

Mula sa iyong mga kasagutan, maaari ka na


ring makabuo ng isang konsepto, gamitin ito
upang makasulat ng isang salaysay tungkol sa MAHAHALAGANG
larawan.
TANONG
1. Bakit mahalagang malaman
ang pagkakaiba-iba ng
Replektibo, Lakbay-sanaysay at
ng Larawang- Snaysay?

2. Paano nga ba natin nagagamit


ang mga sulating ito sa ating
pang-araw-araw na
ginagawa?

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Ano nga ba ang Sanaysay?
Nakailang beses ka na bang sumulat
ng sanaysay? Naging madali ba sa iyo ang
proseso ng pagsulat nito o naging malaking
hamon ba para iyo ang pagsisimula sa
pagsulat ng sanaysay? Ano nga ba muli
ang pagsulat ng sanaysay?

Ang sanaysay ay anyo ng


pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang
anyo nito tuiad ng maikling kuwento at nobela.
Isang likas na katangiang itinatampok ng https://www.istockphoto.com/search/2/image?mediatype=illustration&phrase=wo
rking%20with%20laptop&servicecontext=srp-searchbar-sticky

sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng


pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat
sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng Ang tahas na katangian ng
kanyang interes o damdamin Ayon ito kina sanaysay ay maaaring makapagdulot ng
(Baello, Garcia, Valmonte 1997). Hindi naman kalituhan sa iba’t ibang uri ng sanaysay at
ito nangangahulugang ang ibang uri ng kayarian ng mga ito. Isa sa mga
pagsasalaysay ay malaya mula sa opinyon o maaaring maging katanungan ng mga
pagsusuri ng manunulat. Sadya lamang na sa nagsisimulang manunulat ay kung dapat
estruktura, anyo, at ikli ng katawan ng isang din ba itong taglayin ng isang
tipikal na sanaysay ay mapapansin kaagad Replektibong Sanaysay.
ang itinatampok na mga punto ng opinyon at
argumento, lawak ng pananaw, at
metikulosong pagsusuri ng manunulat.

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Ano ang Replektibong
Sanaysay?

Ang replektibong
sanaysay ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu,pangyayari, o karanasan
na hindi na nangangailanagn pa ng
mahabang pag-aaral. May kalayaan ang
pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
https://www.istockphoto.com/search/2/image?mediatype=illustration&phrase=wo karaniwan ay mula sa karanasan ng
rking%20with%20laptop&servicecontext=srp-searchbar-sticky

manunulat o pangyayaring kanyang


nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).

Isinaad naman nina (Arrogante, Golla, Honor-

Balikan mo nga Ballena 2010) na kaiba sa pagsulat ng


talambuhay na tumatalakay sa buhay ng
isang tao, ang pagsulat ng replektibong
Subukan muna natin kung
naunawaan mo nang husto ang sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran,
kahulugan ng sanaysay. Sagutin ang ipaliwanag, o Suriin ang partikular na salaysay
mga sumusunod na katanungan at
ipaliwanag. at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng
1. Anong anyo mayroon ang isang
manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan.
sanaysay?
Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang
2. Anong katangian mayroon ang
isang sanaysay? tahas na katangian ng karaniwang sanaysay
ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil
3. Bakit mahalagang pag-aaralan
ang pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay
ang nilalaman at uri ng
sanaysay? dumadaan sa masusing pagsusuri upang
makita ang kahulugan at kahalagahan sa
obhetibong pamamaraan.

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY

Ngayong nalaman at naunawaan mo na ang


kahulugan ng isang replektibong sanaysay,
hindi pa riyan natatapos ang ating talakayan
dahil upang lubos pang maunawaan ito, narito
ang mga nilalaman ng bahagi ng
Replektibong Sanaysay.

1. Panimula

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala


o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran
ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang-panimula ang mahalagang https://www.istockphoto.com/search/2/image?mediatype=illustration&phrase=tug+of+war

bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng


mambabasa.
3. Kongklusyon

Sa pagtatapos ng isang replektibong


2. Katawan
sanaysay, dapat mag-iwan ng isang

Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito kakintalan sa mambabasa. Dito na

ay binibigyang-halaga ang maigting na mailalabas ng manunulat ang punto at

damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng kahalagahan ng isinasalaysay niyang

replektibong sanaysay ay naglalaman ng pangyayari o isyu at mga pananaw niya

malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang

realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din ambag ng kanyang naisulat sa

dito kung anong mga bagay ang nais ng mga pagpapabuti ng katauhan at kaalaman

manunulat na baguhin sa karanasan, para sa lahat.

kapaligiran, o sistema.
7

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Basahin ang isang halimbawa ng Replektibong
Sanaysay
Finish Line
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng paghabol upang marating ang finish line.

kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako

May titser na sina Aling Auring at Mang Primo. ng karangalan—ang diploma ko.

Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom Binalikan ko rin ang PUP para sa aking

na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, programang master at doktorado. Doon ay

sinuong ko ang bagyong signal kuwatro. nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa


pang laban.

Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y


karaniwang mag-aaral lamang noon na Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking

nagsikap makapasa sa entrance exam sa RTU. mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa

Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa rin sa Filipino ang aking paghahabol. “Sir,

kasamaang-palad na hindi umabot sa quota kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng

course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na klase,” biro pa ng mga mambobolang

iyon, babalik ako ngunit wala akong Filipino major.

duduruging anuman (may himig yata iyon ng


pagka-GMA telebabad). “Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil
sa may gusto tayong makamit. Ang

Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na mahalaga matapos ng paghahabol na iyon,

taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako

propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ay inyong guro pero babalik at babalik ako

ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami sa pagiging mag-aaral ko. May mga

akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagkakataong ako ang inyong mag-aaral.

pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo.

naman ang pila noon. Humahabol ako sa mga Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit ko

kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa sa kanila.

formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-


aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y “Ok, klase, inabot na natin ang finish line.

nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na Magkikita tayo bukas.”

rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID. 8

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Matapos mong basahin ang halimbawa
ng replektibong sanaysay, suriin naman
natin ang nilalaman nito.

1. Nakapukaw ba ng interes ang


panimula ng sanaysay na ito?

2. Sa katawan ng sanaysay
naipaliwanag ba ng manunulat ang
pinakamahalagang nilalaman nito?

3. At sa huling bahagi nito,


nakapag-iwan naman ba ng
kakintalan sa isang mambabasa at
PAGTATAYA
nailahad ang kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari?

Kung oo ang lahat ng sagot mo at


nabigyan mo ito ng patunay, Binabati kita
dahil magiging handa ka na sa pagsulat ng
isang replektibong sanaysay ngunit bago
iyon mangyari aralin muna natin ang isa
pang uri ng pagsulat ng sanaysay ito ay ang
Lakbay-Sanaysay.
https://unsplash.com/s/photos/man-working-on-computer

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Ano naman ang Lakbay-
Sanaysay?
Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-

May mga lugar ka na bang napuntahan na sanaysay?

noon pa man ay hinangad mo nang


marating? Magbigay ng isang natatanging Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong

lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung “The art of the travel essay,” ang isang

ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat

paano ito nakaapekto sa iyong sarili? makapagdulot hindi lamang ng mga


impormasyon kundi ng matinding pagnanais na

Pangalan ng Lugar: maglakbay. Maituturing na matagumpay ang


isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-

Ano-ano ang iyong natuklasan? iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na


alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili? napupuntahan.

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay ng

isinusulong ng ating bansa, sa pangunguna ng mga pahayag na tungkol sa karanasan sa

Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki paglalakbay. Isinusulat ito upang ilahad sa

sa ating turismo. Ano nga ba ang mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa

maipagmamalaki. ng bansang Pilipinas sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin,

larangan ng turismo? Kung karanasan sa pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at

kagandahan ng magagandang tanawin ang pandinig.

paksa sa lakbay-sanaysay, tiyak na patok na


Kadalasang pumapaksa sa magagandang
patok ang binanggit na pahayag.
tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa
paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin,
Tunay na mayaman sa kasaysayan at
maaari din itong magbigay ng impormasyon
karanasan ang ating bansa hindi lamang sa
ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi
taglay na likas na kagandahan kaya dito pa
nagustuhan ng manunulat sa kanyang
lamang ay marami ka nang maisusulat na
paglalakbay.
paksa para sa sulatin na lakbay-sanaysay.
10

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Halika at


Filipino sa Piling Larangan basahin mo naman ang halimbawa
(Akademik) Pahina
ng isang Lakbay-sanayay.
MUNGKAHI SA PAGSULAT
NG LAKBAY-SANAYSAY

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay na maaari mong maging gabay.

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong


puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-
pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal
ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.

2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay,


lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang
isip, palakasin ang internal at external na
pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.

3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang


datos na dapat isulat.
https://www.istockphoto.com/search/2/image?mediatype=illustration&phrase=wo
rking%20with%20laptop&servicecontext=srp-searchbar-sticky
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag
gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na madali itong
bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing
elemento.

5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at


isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa
pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim
na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.

6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng


mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

11

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Basahin ang isang halimbawa ng Lakbay-
Sanaysay
KAWASAN FALLS
Lakbay-Sanaysay na isinulat ni Jan Moises
Estrada sa Moalboal, Cebu
Ang daming taong nagagandahan sa lugar na
Ang masasabi ko lang dito bilang isang dayuhan ay
tinatawag na Kawasan Falls sa Badian. Ano ba
sobrang ganda talaga ng mga tanawin dito sa
tagala ang meron sa lugar na ito? Bakit kaya
Kawasan Falls. At sa paglakbay ko marami din
dinarayo ito nang mga dayuhan? Bakit
akong nakitang magandang lugar tulad nang
tinatawag nila ito na Beautiful Natural Wonders
Moalboal isa din siya dinarayo ng mga dayuhan
sa Cebu? Paano makakapunta sa Kawasan?
katulad namin. At dito ko din nalalaman ang lugar

na Moalboal ay isang sikat na atraksyong


Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay 2021
Lakbay Sanaysay Halimbawa - 5

panturista. Natuklasan ko sa aking sarili habang ako


ay naglalakbay na dapat tangkilikin ang mga lugar

na maipapagmamalaki natin sa iba.

Ito ang isa sa lugar na napuntahan namin sa


parte ng Badian. Para maka punta sa Badian

Lakbay Sanaysay Halimbawa - 5


Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay
kailangan munang pumunta sa Cebu South Bus
Terminal at sumakay ng bus papunta sa Badian
o Moalboal. Ipaalam lamang sa driver o sa
konduktor na ihihinto ka sa harap ng Matutinao
Church. Mula roon, makakatagpo ka ng “Tour
Guide” na maaari kang samahan sa paglilibot
ng Area Falls o matulungan kang dalhin ang
iyong bagahe. Ngunit kung minsan, nakakainis
sila dahil pinipilit nila kami na samahan kahit
alam na naming ang daan. Pero masaya
naman ako dahil kasama ko ang aking mga
kaibigan na masayang naliligo sa falls.

12

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Ano naman ang
Larawang-Sanaysay?
Nagustuhan mo ba ang isinulat na Lakbay-
sanaysay ni Jan Moises Estrada? Malapit na

photo essay - Bing images


tayong matapos sa ating paksang tatalakayin.
Ang huling uri ng sanaysay na ating pag-
uusapan ay tungkol sa Larawang-sanaysay o
Pictorial Essay.

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang


Indian, “A photograph shouldn’t be just a
picture, it should be a philosophy: May
katotohanan nga naman, ang litrato ay isang
Ang larawan ay mahalagang kagamitan para
larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may
sa isang guro dahil ito ay madalas niyang
katumbas na sanlibong salita na maaaring
gamiting pantulong na kagamitan sa
magpahayag ng mga natatagong kaisipan.
pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto ng
Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay
mag-aaral. Kaya naman, hindi
kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong
nakapagtatakang ang mga larawan ay
nabibigyang-buhay.
gamitin din bilang mga instrumento sa mga
gawaing pagsulat tulad ng photo essay o
larawang-sanaysay.

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles


na pictorial essay o kaya ay photo essay na
photo essay - Bing images

para sa iba ay mga tinipong larawan na


isinaayos nang may wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari upang maglahad
ng isang konsepto.

13

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba
pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
MUNGKAHI SA PAGSULAT NG
pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa
LARAWANG-SANAYSAY
pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang
mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o caption. Narito ang mga dapat mong isaalang-aiang sa
pagsulat ng larawang-sanaysay:
Malaki ang naitutulong ng larawang may
teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
mga ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong
paksang gagawin.
Ang mahalagang katangian ng larawang-
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng
sanaysay ay ang mismong paggamit ng iyong mambabasa.
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong 4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon
magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong sa mga pagpapahalaga o emosyon ay
madaling nakapupukaw sa damdamin ng
gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mambabasa.
mahalagang impormasyon, at malinang ang
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod
pagiging malikhain. ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento
at ibatay rito ang mga larawan.
.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay
gamit ang mga Iarawan. Tandaan na
higit na dapat mangibabaw ang larawan
kaysa sa mga salita.

7. Palaging tandaan na ang larawang-


sanaysay ay nagpapahayag ng
photo essay - Bing images

kronolohikal na salaysay, isang ideya, at


isang panig ng isyu.

8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan


ayon sa framing, komposisyon, kulay, at
pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad
ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa
pagbabago ng damdamin na isinasaad
nito.

14

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Basahin ang halimbawa ng Larawang-
Sanaysay
5osjv0XD8DU9VllgsKqDcwtdqpmuJvP5IXW6Gst8gtytnXOsbBKuZYHk9iQZr

MARYLORE CANETE -12 GAS


Pictorial Essay: KAIBIGAN
ySCN6HqNGtO

5osjv0XD8DU9VllgsKqDcwtdqpmuJvP5I
XW6Gst8gtytnXOsbBKuZYHk9iQZrySCN

15

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


GAWAING
PAMPAGKATUTO
Mula sa iyong pagsasanay at
mga pagsusuring ginawa, handang-
handa ka na upang magsulat ng
sarili mong Sanaysay.
https://specialhopemoms.com/2021/03/14/stand-firm/
Panuto:

Pumili lamang ng isang uri ng


sanaysay na iyong susulatin, makikita
sa ibaba ang pagpipilian sa
pagsulat ng sanaysay

Paano ang pagmamarka?


1. Sumulat ng isang replektibong
sanaysay mula sa artikulong Organisasyon ng ideya – 5 pts.

iyong mababasa na may Kabuuang nilalaman – 5 pts.


kinalaman sa iyong strand. Kalinisan ng gawa – 3 pts.

2. Sumulat ng lakbay- sanaysay Kakintalan o mensahe – 2 pts.

mula sa pinakapaboritong _______________________________________

lugar na iyong napuntahan. Kabuuan – 15 pts.

3. Pumili ng isang larawan na


naayon sa iyong interes na
gagamitin sa pagsulat ng
larawang-sanaysay.

16

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


BUOD NG ARALIN
Tandaan sa paggsulat ng
sanaysay, mayroon din itong iba’t ibang

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vectors/working-on-laptop-vectors
uri at paraan na kung saan ay
magagamit sa iba’t ibang estilo. Mainam
na mas maunawaan ang proseso ng
pagsulat nito na naayon sa iyong interes o
pokus ng pagsulat. Narito muli ang mga
uri ng sanaysay na dapat mong tandaan.

Ang pagsulat ng replektibong


sanaysay ay naglalayong bigyang-
katwiran, ipaliwanag, o Suriin ang
partikular na salaysay at palutangin ang
halaga nito o ang maidudulot nito,
depende sa layon ng manunulat, sa
buhay ng tao, at sa lipunan. Mga susing salita
Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay
ng mga pahayag na tungkol sa
Lakbay
karanasan sa paglalakbay. Isinusulat ito
personal
upang ilahad sa mambabasa ang mga
Larawan
nakita at natuklasan sa paglalakbay
gamit ang pandama: paningin, malikhain

pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at Sanaysay


pandinig. repleksyon

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Kronolohikal

Ingles na pictorial essay o kaya ay photo bigyang-katwiran

essay na para sa iba ay mga tinipong kritikal na pag-iisip


larawan na isinaayos nang may wastong pangkaraniwang-siyu
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maglahad ng isang
konsepto. 17

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina


Mga Sanggunian
Aklat

Austero, C. S., et Al. (2013) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rajah
Publishing House.

Garcia, F. C., (2017) Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Sibs Publishing
House

Villafuerte, P.V., et. Al. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City:
Lorimar Publishing Company, Inc.

Online:

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (elcomblus.com)

Halimbawa Ng Photo Essay: 5+ Na Photoessay Sa Iba't-Ibang Paksa (philnews.ph)

Lakbay Sanaysay Halimbawa - 5 Halimbawa Ng Lakbay Sanaysay 2021


(proudpinoy.ph)

Mga bumuo:
Bb. Candy len C. Aguinaldo
Bb. Roselle Lyn P. Bautista
G. John Christopher Dela Cruz
Bb. Angelica A. Eballes
Bb. Manilyn B. Ybañez
https://data.whicdn.com/images/312809421/original.jpg

18

Termino 2, A.Y. 2022-2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pahina

You might also like