You are on page 1of 3

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Applied Subject

Blg. sa Klase.: Petsa:


Pangalan: Modyul 1– 1st Quarter – SY2021-22
Baitang at Seksyon: Guro:

I. Paksa: Kahulugan, Uri, Katangian, at Gamit ng Akademikong Pagsulat

II. Layunin:
Sa katapusan ng modyul, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa pagsulat,
2. nakapagbabahagi ng kahalagahan ng pagsulat sa pang-araw-araw na buhay,
3. naipapakita ang kahusayan at kahandaan sa pagsulat sa pamamagitan ng
ipinakita o ibinahaging gawain

III. Kagamitan:
1. Aklat: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik, Diwa Textbook
Julian Ailene, Nestor B. Lontoc Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), Phoenix Publishing House, 2016
2. Pagsangguni sa Internet – Google, Youtube, https:// www.slideshare.net

IV. Saklaw na Panahon: 2 araw

V. Konsepto: Unawain Natin!

Ang Akademikong Pagsulat ay ay isang uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na


antas ng pag-iisip. Taglay niyang katangian ang mangalap ng impormasyon o datos,
upang mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at
inobasyon, magsuri at gumawa ng sentisis.

Mga Katangian Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


1. Obhitibo - Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginawang pag-aaral at pananaliksik.
2. Pormal - Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal at balbal. Gumamit ng
mga salitang na mas madaling mauunawaan ng mambabasa.
3. Maliwanag at Organisado - Ang mga talata ay dapat kakikitaan nang maayos
na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito.
4. May Paninindigan - Mahalagang mapanindigan niya ang kanyang layunin
hanggang matapos niya ang isinusulat.
5. May Pananagutan - Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na
datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala

Mga Gamit o Pangangailangan ng Pagsulat


1. Wika – Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan at
impormasyong nais ilahad ng isang sumusulat. Mahalagang magamit ang wika
sa malinaw,masining,tiyak, at payak na paraan.
2. Paksa - Mahalaga magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan – Modyul 1 Pahina 1 ng


3. Layunin - Ang layunin ang magsisilbi mong giya sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat.
4. Pamamaraan ng Pagsulat - May limang pamamaraan ng pagsulat upang
mailahad ang kaisipan ng manunulat batay sa layunin ng pagsulat paraang
impormatibo, ekspresibo, naratibo, deskriptibo, at paraang argumentibo.
5. Kasanayang Pampag-iisip - Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa ng mga datos o impormasyong dapat isama sa akdang
isusulat.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
7. Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin

Mga Uri ng Pagsulat


1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
3. Propesyunal na Pagsulat (Professional Writing)
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
5. Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing)
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

VI. Pagsasanay: Alamin natin!


Gawain 1: Pagsukat sa kahandaan sa pagsulat
Panuto: Sa tatlong pangungusap, isulat ang mga naglalaro sa isipan mo sa mga oras na
binabasa mo ang araling ito.

Gawain 2: Bumuo ng sariling pagpapakahulugan ng salitang PAGSULAT gamit ang mga


salita sa Tsart.

Awtor
Ang Pagsulat ay …

Mambabasa Mensahe

titik o mga simbolismo Opinyon / Kaalaman

VII. Ebalwasyon: Tiyakin natin!


A. Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Pinakamahalagang kailangan upang makabuo ng isang
maayos na sulatin
2. Gamit ito na kailangan upang mailahad ng isang tao ang
kanyang nais isulat
3. Gamit na kailangan sa pagsulat na kinapapalooban ng mga
ideya na nakapaloob sa akda
4. Dapat taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa ng
mga datos na mahalaga.
5. Isa ito sa pangangailangan sa pagsulat na ang manunulat ay
may sapat na kaalaman sa wika.
6. Uri ito ng pagsulat na ang layunin ay magbigay aliw sa mga
mambabasa.
7. Ito’y uri ng pagsulat na may kinalaman sa mga sulating may
kaugnayan sa pamamahayag.
8. Ang paglalahad ng mga datos na isusulat ay resulta dapat
ng naging pag-aaral at pananaliksik.
9. Bigyan ng pagkilala ang mga sangguniang ginamit.

B. Panuto: Ilahad sa sariling pananaw ang mga sumusunod na katanungan. Sagutin


lamang ito sa loob ng tatlong pangungusap (10 puntos)
1. Alin sa iyong palagay ang pinakamahalaga sa pangangailangan sa pagsulat? Bakit?

.
2. Kung ikaw ay papipiliin ng iyong gagawing pagsulat, ano sa mga uri ng pagsulat
ang pipiliin mong gawin.Bakit?

VIII. Repleksyon: Pahalagahan natin!

1. Matapos ang modyul na ito, sa iyong palagay handa ka na ba sa mga gawaing


may kaugnayan sa pagsulat? Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong kasagutan.

Handang-handa Medyo handa Hindi pa rin handa

2. Dugtungan ang parirala upang makabuo ng isang pahayag. Ang araling ito ay
mahalaga sapagkat

You might also like