You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang

Pangalan _____________________________________________________________
Petsa:__________________

Kakayahang Pampagkatuto
Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay
● nakasusulat ng akademikong pagsulat, at
● nailalahad ang sariling danas at ideya gamit ang mga nakalahad na sitwasyon.

Panuto

Gamit ang mga nakalahad na sitwasyon sa bawat GRASPS, pumili ng isang nais na akademikong pagsulat
na bubuuin.

Sitwasyon 1: Jornalistik na Pagsulat


Goal: Ikaw ay inaasahang makasulat ng balita tungkol sa pinakanapapanahong balita sa inyong bayan.
Makabubuting lakipan mo ito ng larawan upang magsilbing ebidensiya. Role: Ikaw ay isang tagapagbalita
sa isang sikat na pahayagan. Kinakailangan mong ibalita sa inyong pahayagan ang pinakamahalagang
balita tungkol sa inyong bayan.
Audience: Magsisilbing tagapagbasa ng iyong mga akda ang iyong guro at kapuwa mo mag-aaral.
Situation: Kinakailangan mong magsaliksik ng mga impormasyon mula sa bayang iyong kinalakihan. Tulad
ng isang tagapagbalita, kinakailangan mong alamin ang bawat anggulo ng balita tulad ng pagsagot sa
sino, saan, kailan, ano, bakit, at paano ng isang balita. Product: Inaasahang makabuo ng isang balitang
may kaugnayan sa bayang iyong kinalakihan.
Standard: Gamitin ang pamantayan na nakalahad sa ibabang bahagi.

Yunit 1.3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat 1


Filipino sa Piling Larang

Sitwasyon 2: Propesyonal na Pagsulat


Goal: Ikaw ay nakapagtapos na ng ninanais mong propesyon at nagkaroon na rin ng sapat na karanasan
dito. Ikaw ngayon ay inaasahang makapagsulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa karanasan sa
propesyong napili.
Role: Ikaw ay isang kilalang propesyonal sa napili mong career. Ngayon, ikaw ay inaasahang magbigay ng
isang replektibong sanaysay tungkol sa iyong mga danas sa propesyong napili. Audience: Magsisilbing
tagapagbasa ng iyong mga akda ang iyong guro at kapuwa mo mag-aaral.
Situation: Kinakailangan mong magbigay ng isang replektibong sanaysay tungkol sa propesyong iyong
napili sa buhay. Siguraduhing makapagsaliksik ng mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa napiling
propesyon upang higit na maging kapani-paniwala ang isusulat na replektibong sanaysay.
Product: Inaasahang makabuo ng isang replektibong sanaysay na may kaugnayan sa propesyong nais
matapos sa hinaharap.
Standard: Gamitin ang pamantayan na nakalahad sa ibabang bahagi.

Yunit 1.3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat 2


Filipino sa Piling Larang

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Paglalarawan Mungkahing


puntos

Nilalaman Ang nilalaman ay lubos na binigyang-pansin sa


5 puntos pamamagitan ng malalimang pananaliksik ng mga
impormasyon at ideya.

Organisasyon ng Malinaw ang kabuuang paliwanag sa dahilang


Ideya organisado ang paglalahad ng mga ideya mula sa
pinakasimpleng ideyang may pinagbatayan hanggang
3 puntos
sa pagbibigay ng pangunahing ideya na nais bigyang-
diin.

Paggamit ng Wika Mahusay ang pagpapaliwanag sa dahilang tama ang


2 puntos salitang pinili para sa ideya, tama ang pagkakabuo ng
mga pangungusap, at masasabing may mataas na
retorika at tamang gramatika sa wikang Filipino.

Kabuuan
10 puntos

Yunit 1.3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat 3

You might also like