You are on page 1of 5

Department of Education

Region VI Western Visayas


Division of Negros Occidental
HINIGARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Hinigaran, Negros Occidental

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK
September 13, 2022

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa
ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.

I. Mga Tiyak na Layunin:


1. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng akademikong sulatin.
2. Natutukoy ang katangian at kahulugan ng mga akademikong sulatin.
3. Naiuugnay ang mga akademikong sulatin sa mas madaling maunawaang salita.

II. Paksang Aralin: Akademik- Halimbawa ng Akademikong sulatin


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Pamamaraan/Hakbang sa Pagkatuto


A. Balik-aral-. Ano-anong halimbawa ng pamagat ng sulatin na napabilang sa akademikong pagsulat?
Ano-anong akademikong sulatin ang na naaayon sa mga track ng STEM, ABM, at HUMSS?

B. Motibasyon
Panuto : IPABATID SA BAWAT LETRA sa akrostik ang lagom ng aralin sa akademikong sulatin. (Ang akrostik ay isang
tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o
mensahe.)

K
C. Aktibiti 1:Hula..hula kapag may Time!

Indibidwal na gawain: Lahat ng mag-aaral ay bigyang instruksyong hawakan ang illustration board at chalk na ibibigay
ng guro. Tutukuyin ng mag-aaral ang terminong ipinapahayag ng pangungusap na babasahin ng guro. Isusulat ng
mag-aaral ang sagot sa hawak na board. Ang magkakamali ay hindi na makakatuloy sa susunod na aytem. Ang
matitira ang siyang tatanghaling panalo.

Isusulat ng guro sa pisara ang mga sumusunod na halimbawa ng akademikong sulatin.

1. Abstrak 6. Bionote
2. Sintesis 7. Panukalang proyekto
3. Talumpati 8. Katitikan ng pulong
4. Posisyong Papel 9. Replektibong sanaysay
5. Lakbay Sanaysay 10. Pictoral essay

D. Analisis:

1. Pamilyar ba kayo sa mga halimbawa ng akademikong pagsulat? Bakit oo/hindi?


2. Saang larangan kalimitang ginagamit ang mga nabaggit na akademikong sulatin?
3. Bakit kailangang paghusayin ng mag-aaral ang kanilang kasanayan sa akademikong pagsulat? Ano ang
kaugnayan nito sa piniling track?
4. Kung susulat ka ng isang akda na nakapokus sa iyong komunidad, ano ang iyong magiging paksa at sa mga
naisa-isang halimbawa ng sulatin, alin ang gagamitin mo?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Akademikong Sulatin Katangian


Abstrak Makatotohanan at organisado ayon sa
pagkakasunod-sunod. Nakabatay sa mga
pananaliksik.
Sintesis Maliwanag at organisado ayon sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa kuwento. Nagtataglay ito
ng kabuuan ng akda sa mas maikling teksto
Talumpati Obhetibo at maayos ang daloy ng ideya. May
layunin itong maibahagi ang sariling pasya gamit
ang mga ebidensya.
Posisyong Papel Nararapat maging pormal at organisado
pagkakasunod-sunod ng ideya. Naglalayang
maibahagi ang sariling pasya gamit ang mga
ebidensya

Lakbay Sanaysay Personal at kalimitang nakapang-akit ng


mambabasa. Nakabatay ito sa mga lugar na
nabisita na magiging makabuluhan.
Bionote Makatotohanan ang impormasyon
Panukalang Proyekto Simple klaro ang datos at nakakapanghikayat.
Katitikan ng Pulong Organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Replektibong Sanaysay Ito ay kalimitang personal at nasa anyong tuluyan.
Pictorial Essay Ito ay kadalasang personal, simple at epeketibo.
E. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, paano mo iuugnay ang mga akademikong sulatin sa mas
madaling maunawaang salita?

BIONOTE TALAMBUHAY TALUMPATI OPINYON

PANUKALANG MANGHIKAYAT POSISYONG EBIDENSYA


PROYEKTO PAPEL

KATITIKAN PAGPUPULONG LAKBAY LUGAR


NG PULONG SANAYSAY

REPLEKTIBONG PANANALIKSIK SINTESIS BUOD


SANAYSAY

PIKTORYAL LARAWAN ABSTRAK PANANALIKSIK


NA SANAYSAY

F. Aplikasyon: Kolum-Tsart

Papangkatin ang klase sa limang grupo at aatasang gumawa ng graphic organiser ng kahulugan
at katangian ng akademikong sulating ilalaan sa bawat pangkat. Isulat sa manila paper at iulat sa klase.
Pangkat Akademikong sulatin

1 Abstrak at Bionote
2 Sintesis at Panukalang Proyekto
3 Talumpati at Katitikan ng Pulong
4 Posisyong Papel at Replektibong Sanaysay
5 Lakbay Sanaysay at Pictorial Essay

IV. Ebalwasyon:

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa notbuk.


1. Pagbabalik-tanaw sa mga konseptong natutunan mula sa isang pagtatalakayan.
A. Bionote
B. Replektibong Sanaysay
C. Pictorial Essay
2. Pagtatala ng mga agenda, reaksyon, suhestiyon ng mga taong kabilang sa isang miting.
A. Pictorial Essay B. Panukalang Proyekto C.Katitikan ng Pulong

3. Paglalahad ng detalyadong deskripsyon at proseso ng paglulunsad ng isang bagong proyekto.


A. Panukalang Proyekto B. Bionote C. Replektibong Sanaysay

4. Isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor.


A. Pictorial Essay B. Bionote C. Katitikan ng Pulong

5. Nakatutok ang pagsulat na ito sa isang tema na madalas personal at maaaring maging isang
epektibong paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe upang ibahagi sa pamilya, mga kaibigan o kahit
na para sa publikasyon.
A. Bionote B. Replektibong Sanaysay C. Pictorial Essay

V. Kasunduan:

Magsaliksik ng iba’t ibang mga kahulugan, layunin, anyo,katangian at gamit ng akademikong pagsulat na
matutunghayan sa internet. Ipasulat/Ipatala ang website, tao o artikulong pinagkunan. Siguraduhing mailista nila ang
mga sanggunian na kanilang pinagkunan ng mga kahulugan ng pagsulat. Maaring puntahan ang link na ito:

INIHANDA NI:

SARAH JANE L. ABAY


GUROSA FILIPINO

You might also like