You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI Western Visayas


Division of Negros Occidental
HINIGARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Hinigaran, Negros Occidental

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK
September 14, 2022

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo

I. Mga Tiyak na Layunin:


1. Nauunawaan at naipapaliwanag ang layunin, gamit, katangian at anyo ng iba’t ibang akademikong
sulatin.
2. Naipapakita ang layunin, gamit, katangian at anyo ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan
ng isang pag-uulat.
3. Natutukoy ang anyo ng akademikong sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik- Layunin, gamit, katangian at anyo


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex Bookstore,
Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Pamamaraan/Hakbang sa Pagkatuto


A. Balik-aral- Ano-ano ang mga halimbawang akademikong sulatin?
B. Motibasyon- Mula sa nakalap na mga akademikong sulatin, ano ang napapansin niyo sa ganitong uri ng
sulatin?
C. Aktibiti 1: Hambingan!

Pandalawahang Gawain: Humanap ng kapareha at paghambingin ang larawan gamit ang


Venn Diagram. Isulat ang sagot sa isang bond paper.
Ibahagi sa klase ang sagot.
D. Analisis:

1. Bakit makabuluhan sa tao ang dalawang larawan?


2. Saang aspeto nagkakaiba at nagkakatulad ang dalawang larawan?
3. Ano ang layunin at gamit ng mga ito sa buhay ng tao, sa iyong propesyon, at sa iba pang
larangan?
4. Kapag nagsasagawa ka ng pagsulat, ano ang layunin mo at sa anong larangan mo ito
ginagamit?

Pagbabahagi ng Karagdagang Input

E. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


Ilahad ang bawat isang layunin at gamit ng mga halimbawa ng akademikong sulatin. Saang
mga larangan ginagamit ang bawat isang halimbawa ng akademikong sulatin?

F. Aplikasyon:

Pangkatin ang klase sa limang grupo at hayaang magbahagi ang bawat isa ng
layunin, gamit, at katangian at kaibahan ng mga halimbawa ng akademikong pagsulat na
nakatalaga sa bawat grupo.
Unang pangkat: Abstrak at Bionote
Ikalawang pangkat:Panukalang Proyekto at sintesis
Ikatlong pangkat: Talumpati at Katitikan ng Pulong
Ikaapat na pangkat: Posisyong Papel, Replektibong Sanaysay
Ikalimang pangkat: Pictorial Essay at Lakbay-sanaysay
Inaasahang gagamit ng powerpoint presentation ang bawat isang grupo at
humanda sa pagpapaliwanag sa sunod na araw. Ang pag-uulat na isasagawa ay
tatayahin gamit ang sumusunod na batayan.

PANUKATAN PUNTOS
I. Kaangkupan sa paksa 5 pts.
II. Kaisahan ng mga datos 5 pts.
III.Pagbibigay-diin sa paksa 5 pts.
IV. Pagkakaugnay-ugnay 5pts.
Kabuuan 20 pts.

IV. Ebalwasyon:

Tukuyin ang anyo ng akademikong sulatin ng mga sumusunod na halimbawa.


Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Antas ng kamalayan ng mag-aaral sa Social Media
2. Posisyon ng mga Anti Marcos sa pagkalibing kay Marcos sa libingan ng bayani
3. Pagbisita sa Makasaysayang Lugar sa Batangas
4. Pagpupulong ng mga Kawani ng Kooperatiba
5. Natutunan ko sa pilosopiyang realism

Susi ng Pagwawasto
1. Abstrak
2. Posisyong Papel
3. Lakbay Sanaysay
4. Katitikan ng Pulong
5. Replektibong Sanaysay

V. Kasunduan
Ipasa sa lahat ng miyembro ang kopya ng powerpoint presentation
gamit ang messenger. Hayaang magbigay ng komento ang bawat
miyembro.

INIHANDA NI:

SARAH JANE L. ABAY


GURO SA FILIPINO

You might also like