You are on page 1of 7

Masusing Banghay-Aralin sa Fil 12

I. Layunin:

A. Nakikilala ang mga uri at anyo ng talumpati.


B. Napatatalas ang kakayahan sa pagtatalumpati.
C. Nakasusulat ng isang talumpating tungkol sa mga napapanahong isyu.

II. Paksa
A. Pamagat: Pagsulat ng talumpati
B. Kagamitan: laptop, Powerpoint presentation
C. Aklat:

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


1. Panimulang Gawain
a.Pagsusuri sa mga aspektong
teknikal ng klase
b. Dasal
c.pagbati
e. Pagtsetsek ng liban sa klase.
2. Pagganyak

“Naaalala niyo pa ba ang napakinggan


niyong talumpati o yung paborito niyong
talumpati na tumatak sa inyo?”
(magtatawag) Opo, guro.
“Sino at ano ang katungkulan ng nagbigay
ng talimpati?”
(sasagot ang mag-aaral)
“Tungkol saan at ano ang layunin ng
talumpati?”
(sasagot ang mag-aaral)
“bakit nag-iwan ng marka sa iyo ang
talumpati? Ano ang mga katangiang taglay
niyon?
(sasagot ang mag-aaral)
3. Pagtatalakay sa Paksa

“Para sa inyo, ano kaya ang ibig-sabihin ng


talumpati?”
Ang talumpati po ay pagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng
pagsasalita sa harap ng maraming tao.
“ Mahusay! Tinatawag na talumpati ang
anumang buod ng kaisipan na isinulat at
binibigkas sa mga manonood.
Naglalayon itong makahikayat o
mangatuwiran sa mga napapanahong
isyu o isang partikular na paksa.

Layunin din ng mga talumpati na


sumang-ayon, tumugon, o magbigay ng
impormasyon sa mga tagapakinig.
Karaniwang ang talumpati ay
binibigkas ng tagapagsalita sa isang
entablado at mga panauhing
pandangal.”

“ Sa inyong palagay, maituturing bang


isang sining ang talumpati?” bakit?
Opo, guro. (magbibigay ng katwiran)
“Tama! Dahil sa mabisa at malikhaing
pagkakagawa ng mga talumpati ng mga
kilalang personalidad kabilang ang mga
politiko, iskolar, eksperto sa isang uri
ng paksa, at iba pang panauhin,
itinuturing na isang sining din ang
talumpati.”

Uri ng Talumpati batay sa Nilalaman

Impormatibo

“ batay mismo sa pangalan ng talumpating


ito, ano kaya ang nilalaman nito?”
(sasagot ang mag-aaral)
“Magaling! Ang impormatibong talumpati
ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
ano mang bagay, pangyayari, konsepto,
lugar, tao atbp. Ang kabuuang diskursong
ito ay maglahad at magpaliwanag upang
maunawaan ng mga tagapakinig ang
paksang tinatalakay”

“Saan kaya kadalasang ginagawa ang


impormatibong sanaysay? (sasagot ang mag-aaral)

“Mahusay, klase!”

“ ang pangalawang uri ng talumpati batay


sa nilalaman ay ang persweysib na
talumpati. Ano kaya ang nilalaman ng (sasagot ang mag-aaral)
talumpating ito?

“tama! Ang persweysib o


mapanghikayat na talumpati ay may
Hikayatin na panigan ang opinyon o
paniniwala ng tagapagsalita. Maaring
maging sentro ng isang talumpati ang
pagkuwestyonnsa katotohanan,
pagpapahalaga, o kaya ay sa polisiya.
Mahalagang mahikayat ng
mananalumpati ang mga tagapakinig na
pag-isipan ang mga isyu sa
pamamagitan ng kitikal na pagtatanong
ng isang mananalumpati”

Tatlong pagdulog sa mapanghikayat na


talumpati

Pagkuwestyon sa isang katotohanan

-Ang pagdulog na ito ay nagsisilbing boses


ng isang oposisyon ang namamalumpati na
nagpapakita ng iba’t ibang anggulo ng
katotohanan. maaaring siyan magpakita ng
taliwas na pananaw ngunit upang
tunggaliin lamang ito upang suportahan
naman ang kanyang posisyon o tindig sa
isyu.
Pagkuestyon sa pagpapahalaga

-Ang dulog naman na ito ay nakasentro sa


paghahatol kung tama ba o mali, o etikal
ba o di etikal ang isang bagay.kailangang
pangatwiranan ng isang tagapagsalita ang
kanyang posisyon batay sa isang tanggap
na istandard o paniniwala.( RH law)

Pagkuswestyon sa polisiya

-Ang layunin naman ng dulog na ito ay


hikayatin ang mga tagapakinig na
umaksyon o kumilos. kailangang hikayatin
ang mga tagapakinig sa pagkilos sa
pamamagitan ng paglalatag ng isang plano
na nagpapakita ng praktikalidad ng isan
panibagong proposal. (halimbawa: di pag
bibigay ng assignment)

Sa makatuwid, mahagalang napaniniwala


ng mananalumpati ang madla sa
pamamagitan ng pagbuo ng magandang
kredebilidad ng kanyang talumpati sa
pamamagitan ng paglalatag ng mga punto
na sinusuportahan ng mga ebidensya o
datos, sa magandang pangatngatwiran o sa
pagpukaw ng emosyon ng mga
tagapakinig.

Sa kabila ng mga dulog na ito, dapat


iwasan ng tagapagsalita ang manipulasyon
o pandaraya samga datos upang mapanatili
ang kanyang magandang kredebilidad.
Mga gabay sa pagsulat ng talumpati

1. Piliin lamang ag isang


pinakamahalagang ideya-
kakaunti lamang ang naalala ng
isang tagapakinig mula sa isang
talumpati kung kaya’t
kailangang magbigay lamag ng
isa o dalawang
pinakamahalagang ideya.
2. Magsulat kungpaano ka
magsasalita- ang isang
talumpati ay di tulad ng isang
sanaysayna kung saan
naglalahad ka lamang ng mga
ideya, mas mabuti kung
kumbersasyonal ang tono ng
talumpati.
3. Gumamit ng kongkretong
salita at halimbawa- mas
mainam na gumamit ng mga
salitang karaniwan sa pandinig at
karanasan ng mga tagapakinig.
4. Tiyaking tumpak ang mga
ebidensya at datos na
ginagamit sa talumpati-
mahalagang lahat ng sinasabi ng
tagapagsalita ay batay sa mga
siyentipikong datos o pag-aaral.
5. Gawing simple ang
pagpapahayag sa buong
talumpati-ang pagbabawas ng
mga salita sa talumpati ay
maaring mas magbigay-linaw
rito.

4. Paglalapat

“ Ngayon na’t natapos na natin


talakayin ang talumpati, ating
balikan ang ating napag-aralan”

“Mahusay, klase! Ngayon na’t alam niyo


na ang kaligiran ng isang talumpati, para sa
inyo, ano ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang mananalumpati?
(magtatawag)
(sasagot ang mga mag-aaral)

“Mahusay, klase! Pero hindi natin


maiiwasan na salungat ng inyong mga
sinabi an gating katangian lalo na’t hindi
tayo sanay magsalita sa harap ng maraming
tao. Ang Gawain na inyong gagawin ay
makakapaglinang n gating kakayahan sa
pagtatalumpati sa harap ng madla”

(isa-isang ipapabasa ang ibinigay na


talumpati at ibibigay an kalakasan at
kahinaan ng isa’t isa sa pagtatalumpati)

May natutuhan ba sa araw na ito?


Meron po guro
Ano-ano ang mga iyon?
(sasagot ang mga mag-aaral)
May katanungan ba hinggil sa ating
tinalakay?
Wala po.
Dagdag kaalaman mula sa inyo?
Wala po.
IV. Gawaing Pang-upuan:

Panuto: Sumulat ng isang talumpati tungkol sa isang sinaliksik na paksang


inaprubahan ng inyong guro. Sikaping maging maiklin ngunit malaman ang isusulat
na pinaghandaang talumpati sa diskursong impormatibo at mapanghikayat. Isaalang-
alang ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati.

V. Takdang Aralin:
Maghanda sa gagawing impromptu speech sa susunod na pagkikita.

You might also like