You are on page 1of 8

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Talumpati

Talumpati

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad ang kahulugan ng talumpati at ang mga uri nito
 Naipaliliwanag ang balangkas at hakbangin sa pagsulat ng talumpati
gayundin ang mga dapat isaalang-alang sa talumpati
 Nakagagawa ng sarili at iba’t ibang talumpati sa iba’t ibang sitwasyon

Simulain para sa iyo:


Panoorin ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anong mga paksa ang tinalakay ni Pangulong Duterte?
2. Magkakaugnay ba ang mga detalye ng kanyang talumpati sa kanyang
mga pinaksa? Ipaliwanag.
3. Sa paanong paraan niya pinupukaw ang damdamin at atensyon ng
mga tagapakinig?
4. Naging sensitibo ba siya sa kanyang mga tagapakinig? Bakit?
5. Anong mahihinuha mo sa kaniyang talumpati?

Talakayin at unawain: Talumpati


Ang talumpati ay isang komunikatibong pasalita na isinasagawa sa
pampublikong lugar na may layuning makapaglahad ng mga impormasyon at
opinyon, makapagpaliwanag, mang-aliw o manghikayat na tumutuon sa
iisang paksa.
May mga talumpating nasusulat ngunit hindi ito magiging ganap na talumpati
kung ito ay hindi nabibigkas sa publiko o mga tagapakinig.

Dalawang (2) uri ng talumpati


 May paghahanda o “prepared speech”
May tatlo (3) pang uri sa talumpating binibigkas nang may paghahanda:
 TALUMPATING BINABASA
Ito ay sinulat sa anyong pasanaysay at binabasa nang buong
lakas sa harap ng mga tagapakinig.
Halimbawa: SONA, mga prebilehiyong talumpati ng mga
kongresista o senador
 TALUMPATING ISINAULO

Course Module
Tulad ng talumpating binabasa ay inihanda ang kabuuan sa
anyong pasanaysay ngunit ito ay isinaulo para bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
Halimbawa: Valedictorian Address
 TALUMPATING EKSTEMPORANYO
Ito ay talumpating may paghahanda sa balangkas, mula sa
panimula hanggang wakas ngunit ang mga paliwanag bilang
katawan ay nakasalalay na sa tagapagsalita. Ginagawa ito ng
isang tagapagsalitang may sapat nang karunungan sa paksa.
Nabibigyang pansin na rin niya ang pangangailangan ng mga
tagapakinig ukol sa paksa.
Halimbawa: Mga host sa isang programa

 Biglaang talumpati
 “Impromptu speech”
Binibigyan lamang ng paksa ang isang tagapagsalita at saka ito
ipaliliwanag. Maaari ring bigyan siya ng sapat na oras upang
makapag-isip ng mga paliwanag kung ang tagapagsalita ay
nasasangkot sa isang paligsahan.
Halimbawa: paligsahan ng pagtatalumpati ukol sa nabunot na
paksa

Balangkas ng may paghahandang talumpati


I. Panimula
o Layunin ng talumpati. Maaaring paglalahad, paglalarawan, may
kaugnayang kaganapan para makapagsalaysay, o pangangatwiran ang
mga pahayag.

II. Katawan
o Paglinang at pagtalakay sa paksa

A. Unang punong kaisipan


a. (mga suportang detalye at mga paliwanag)
b.
2. Mga detalye at dagdag na kaisipan
a. mga suportang detalye at mga paliwanag)
b.
B. Pangalawang punong Kaisipan
a. mga suportang detalye at mga paliwanag)
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Talumpati

b.
2. Mga detalye at dagdag kaisipan
a. mga suportang detalye at mga paliwanag)
b.
III. Pangwakas
o Paglalagom o pag-uulit sa mga punong kaisipan

Kinakailangang ang punong kaisipan ay may maliwanag at mabigat na detalye upang


mapukaw ang interes at maniwala ang mga awdiyens. Ang mga detalye o dagdag na
kaisipan ang magsisilbing paliwanag o laman ng binalangkas na talumpati

Mga hakbangin sa paghahanda ng talumpati


1. Pag-iisip at pagpili ng paksa. Sa pagpili ng paksa kailangang isaalang-
alang ang mga sumusunod na tanong:
 Ano ang paksang dapat kong piliin?
 Bakit ito ang aking paksa at ano ang aking layunin ukol dito?
 Paano ko nasabing ito ang naayon kong paksa para sa layunin
kong dapat na matamo?
Liban pa rito, higit na nakakaaliw pakinggan ang isang tagapagsalita
kung alam na alam niya ang kanyang sinasabi. Kaya naman
mahalagang malaman at maging bihasa ang isang tagapagsalita sa
kanyang paksang pinili upang mapukaw ang atensyon o damdamin ng
mga nakikinig.
Dalawang mahalagang salik ang dapat na pagtuunan ng pansin ng
mananalumpati sa pagpili ng paksa:
 Ang pagkakataon o okasyon. Kailangan itong isaalang-
alang sapagkat kailangang ang tema ng okasyon at paksa ay
magkaugnay. Sa gayundin, mabibigyang pansin ang
gagamiting talumpati ay pormal o hindi pormal.
 Ang awdiyens o tagapakinig. Isa sa mahahalagang salik sa
pagtatalumpati. Walang talumpati kung walang
tagapakinig, sapagkat sila ang tatanggap ng mga pahayag o
mensahe mula sa isang mananalumpati. Dapat ding
isaalang-alang ang mga uri ng mga tagapakinig para sa
ganap at maayos na pagtatalumpati:

Course Module
o Bilang o dami. Kapag marami ang tagapakinig
marami rin ang paniniwalang dapat isaalang-
alang at mas maraming paliwanag ang dapat na
ihanda upang makuha ang loob ng karamihan sa
tagapakinig.
o Edad ng mga tagapakinig. Dapat na ilahad ang
paksa na angkop sa edad ng mga makikinig.
o Kasarian. May pagkakataong magkakaiba ang
mga saloobin, paniniwala, lalong lalo na ang
kawilihan ng mga babae, pusong babae, lalaki at
may pusong lalaki. Kaya namang mahalagang
maging sensitibo sa mga babanggiting hilig o
kawilihan ng mga tagapakinig na nakabatay sa
kasarian.
o Edukasyon. Dapat isaalang-alang ding
magkaroon ng kamalayan ang isang
mananalumpati ukol sa edukasyon ng mga
tagapakinig sapagkat nakasalalay rito ang
kakayahan nilang umunawa sa paksang
tinatalakay.
o Grupong Kinabibilangan. Ang mundong ito ay
nahahati sa iba’t ibang pangkat, paniniwala,
interes at iba pa kaya naman dapat lamang na
alamin ng mananalumpati ang kaugnayan at
paraan para magkaroon ng koneksyon ang
tagapakinig sa paksa ng mananalumpati.

2. Pag-iipon ng materyales. Kapag sigurado na sa nais na talakaying paksa


ay ipunin ang lahat ng materyales na dapat gamitin sa pagsulat ng isang
talumpati.
Ang mga sumusunod ang maaaring pagkunan ng mga impormasyon sa
pagbuo ng talumpati:
 Dating alam
 Karanasan
 Batay sa nabasa
 Batay sa karanasan, kaalaman at kagalingan ng taong may kinalaman
sa paksa

3. Pagbabalangkas ng mga ideya o kaisipan para sa kabuuan ng


malinaw at mabisang talumpati. Mayroon lamang tatlong bahagi ang
kabuuan o katawan ng talumpati: panimula, katawan at pangwakas. Ito
ang gabay ng mananalumpati sa mabisang paglalahad ng mananalumpati
sa nais niyang talakayin.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5
Talumpati

4. Linangin ang mga kaisipan. Pagkatapos ng pagbabalangkas ay pag-


isipan ang mga mahahalagang impormasyon, mga kaisipan, mga
suportadong detalye, ang mga paliwanag, at mga mahahalagang
paglalahad. Sa parting ito sinusulat nang aktuwal ang kabuuan ng
talumpati. Ginagawa ito sa anyong pasanaysay.
Kung maghahanda ng talumpati ay dapat isaalang-alang ang mga
katanungang ito:
 Anu-ano ang dapat kong sabihin?
 Paano ko maihahanay ang dapat kong sabihin?
 Paano ko bibigkasin ang aking talumpati?
Kinakailangan at dapat na pag-ukulan lamang ng panahon ang pagsusulat ng
inihahandang talumpati upang maging mabisa, makabuluhan at may
pakinabang ang mensahe para sa mga nakikinig.
Narito ang mga sumusunod na paraan sa pag-oorganisa ng nilalaman:
1. Depinisyon
Pagbibigay ng mga tiyak na kahulugan sa pinakasimple o payak na
paraan upang maunawaan ang ilang terminolohiyang mababanggit
na may kinalaman sa paksa.
2. Paliwanag.
Binibigyang linaw ang mga ideya sa pamamagitan ng mga
kahulugan ng mga pananalita at mga bagay-bagay. Maaari ring ang
paliwanag ay mag-ugnay o magkaroon ng ibang paraan.
3. Paglalarawan
Ito ang pagbibigay ng mga anyo ukol sa mga sitwasyon, tao at mga
bagay-bagay. Kapaki-pakinabang ito upang magamit ang
imahinasyon ng mga tagapakinig at maunawaan ang nais
ipaliwanag ng tagapagsalita.
4. Sanhi at Bunga
Paglalahad ito ng mga sitwasyon na magpapakita ng mga dahilan
at kung ano ang mga epekto. Magandang paraan ito upang
maunawaan nila ang negatibo at positibong epekto ng isang
sitwasyon na maaaring maranasan ng mga tagapakinig.
5. Paghahalimbawa.
Magbigay ng mga sitwasyon o magsalaysay ang paraan dito upang
matamo ang layuning mapaunawa ang kaisipan sa mga nakikinig.
Maaaring magbigay ng mga pangyayaring palagay lamang o halaw
sa tunay na pangyayari.
6. Paghahambing o pagtutulad

Course Module
Ang layunin nito ay iugnay ang kaisipan sa isa pang kaisipan na
may kaparehong o magkaibang sitwasyon o kahulugan upang
bigyang linaw ang isang kaisipan na hindi kilala upang maging mas
malinaw sa pag-unawa ng isang nakikinig.
7. Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari.
Nagbabanggit lamang ng mga kilalang pangyayari at di na
kailangan pa ng mahabang pagsasalaysay.
8. Estadistika.
Pagpapakita ito ng mga totoong impormasyon na may kinalaman
ang bilang. samakatuwid, sangkot dito ang numero bilang batayan
ng matibay na paliwanag upang makuha ang loob ng mga
tagapakinig.
9. Patotoo.
Nangangailangan ng mga pahayag ng isang taong dalubhasa, may
karanasan, ukol sa paksa, mapagkakatiwalaan at iginagalang o
kaya isang tao o isang grupo na nagsagawa ng isang mabigat na
pananaliksik na may patunay ukol sa paksang tinatalakay upang
magkaroon ng dagdag na timbang ang sinasabi ng isang
mananalumpati.
5. Magkaroon ng simple ngunit mapamukaw at di malilimutang
pagwawakas ng talumpati.
Kapag ginawan ng wakas ang talumpati ay dapat na may makintal sa
isipan ng mga tagapakinig ang paksang nais iparating mga mananlumpati.
Magkaroon ng payak na paglalahat o lagom sa mga pahayag ngunit
masining. Kaya naman iwasan ang mga pahayag na tulad ng “… sa
pagtatapos ng aking talumpati…” o kaya naman ay paulit-ulit na
pagsasabi ng ilang pahayag na nabanggit na bilang pagwawakas.
Narito naman ang mga dapat na hakbangin upang maghanda ng
talumpating walang ganap na paghahanda.
 Matapos malaman ang dapat na talakaying paksa ay isipin na ang
punong kaisipan gayundin ang mga impormasyon, at detalyeng
magpapaliwanag sa iyong nais bigyang diin.
 Dapat paring isaalang-alang ang uri ng mga tagapakinig. At
panatilihin ang kawilihan nila.
 Maging alerto sa pag-oorganisa ng nilalaman ng talumpati.
 Mag-iwan ng wakas na makakugnay at madadala ng mga
tagapakinig.

Suriin:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kasama ang talumpati sa
akademikong sulatin?
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
7
Talumpati

2. Ano ang natatanging katangian ng talumpati na iba ito sa ibang uri ng


akademikong sulatin? Ipaliwanag.

3. Anu-anong mabisang paraan upang laging napupukaw ng mananalumpati


ang damdamin ng mga tagapakinig?

4. Ano-ano ang mabuting dulot ng pagsulat ng talumpati at paggamit nito sa


publiko?

M
G
A

M
A
B
U
T
I
N
G
5. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong pag-aralan ang talumpati?

D
U
Gawain: L
O
Pasulat T
Bumuo ng isang pangkat na may limang miyembro. Gumawa ng talumpati
(bawat miyembro) na iniatang sa bawat pangkat ayon sa guro.
1. Mga mamamahayag o tagapagbalita
2. Mga kumakandidato
Course Module
3. Panauhing pandangal (guest speaker)
4. SONA
5. Valedictorian sa pagtatapos ng hayskul

Kaugnayan sa Media
Mula sa nagawang talumpati ng bawat pangkat, isabuhay ito. Maaaring
manood ng mga halimbawa upang maging gabay sa pagbuo ng gawain
PANGKAT I:
Pumili ng isang talumpati na nagawa ng isang kamiyembro at isang
miyembro na magiging tagapagbalita. At irekord ito bilang bidyo.
PANGKAT II:
Pumili ng isang gawang talumpati ng isang miyembro at isang miyembro na
gaganap bilang kumakandidato. Itanghal ito sa klase.
PANGKAT III:
Pumili ng isang gawang talumpati ng isang miyembro at isang miyembro na
gaganap bilang panauhing pandangal. Itanghal ito sa klase.
PANGKAT IV:
Pumili ng isang gawang talumpati ng isang miyembro at isang miyembro na
gaganap bilang president at nagsasagawa ng SONA. Itanghal ito sa klase.
PANGKAT V:
Pumili ng isang gawang talumpati ng isang miyembro at isang miyembro na
gaganap bilang isang valedictorian sa pagtatapos ng hayskul. Itanghal ito sa
klase.

References:
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon

You might also like