You are on page 1of 16

TALUMPATI

SIMULAIN PARA SA IYO:


Panoorin ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Anong mga paksa ang tinalakay ni Pangulong Duterte?


Magkakaugnay ba ang mga detalye ng kanyang talumpati sa kanyang mga
pinaksa? Ipaliwanag.
Sa paanong paraan niya pinupukaw ang damdamin at atensyon ng mga
tagapakinig?
Naging sensitibo ba siya sa kanyang mga tagapakinig? Bakit?
Anong mahihinuha mo sa kaniyang talumpati?
TALUMPATI
Ang talumpati ay isang komunikatibong
pasalita na isinasagawa sa pampublikong
lugar na may layuning makapaglahad ng
mga impormasyon at opinyon,
makapagpaliwanag, mang-aliw o
manghikayat na tumutuon sa iisang paksa.
DALAWANG (2) URI NG
TALUMPATI
 May paghahanda o “prepared
speech”
 Biglaang talumpati
May paghahanda o “prepared speech”
May tatlo (3) pang uri sa talumpating
binibigkas nang may paghahanda:
1. TALUMPATING BINABASA
Ito ay sinulat sa anyong pasanaysay at
binabasa nang buong lakas sa harap ng mga
tagapakinig.
Halimbawa: SONA, mga prebilehiyong talumpati ng
mga kongresista o senador
2. TALUMPATING ISINAULO
Tulad ng talumpating binabasa ay inihanda ang
kabuuan sa anyong pasanaysay ngunit ito ay
isinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
Halimbawa: Valedictorian Address
3. TALUMPATING EKSTEMPORANYO
Ito ay talumpating may paghahanda sa balangkas,
mula sa panimula hanggang wakas ngunit ang mga
paliwanag bilang katawan ay nakasalalay na sa
tagapagsalita. Ginagawa ito ng isang tagapagsalitang
may sapat nang karunungan sa paksa. Nabibigyang
pansin na rin niya ang pangangailangan ng mga
tagapakinig ukol sa paksa.
Halimbawa: Mga host sa isang programa
Biglaang talumpati
“Impromptu speech”
Binibigyan lamang ng paksa ang isang
tagapagsalita at saka ito ipaliliwanag. Maaari ring
bigyan siya ng sapat na oras upang makapag-isip ng
mga paliwanag kung ang tagapagsalita ay
nasasangkot sa isang paligsahan.
Halimbawa: paligsahan ng pagtatalumpati ukol sa
nabunot na paksa
BALANGKAS NG MAY PAGHAHANDANG
TALUMPATI
I. Panimula
Layunin ng talumpati. Maaaring
paglalahad, paglalarawan, may kaugnayang
kaganapan para makapagsalaysay, o
pangangatwiran ang mga pahayag.
II. Katawan
• Paglinang at pagtalakay sa paksa
• Unang punong kaisipan
• (mga suportang detalye at mga paliwanag)

• Mga detalye at dagdag na kaisipan
• mga suportang detalye at mga paliwanag)

• Pangalawang punong Kaisipan
• mga suportang detalye at mga paliwanag)

• Mga detalye at dagdag kaisipan
• mga suportang detalye at mga paliwanag)
III. Pangwakas
Paglalagom o pag-uulit sa mga punong
kaisipan
MGA HAKBANGIN SA PAGHAHANDA NG
TALUMPATI
PAG-IISIP AT PAGPILI NG PAKSA.
Ibagay sa mga sumusunod:

1. PAGKAKATAON O OKASYON

2. ANG MGA TAGAPAKINIG


MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA URI NG
MGA TAGAPAKINIG:
 Bilang o dami
 Edad
 Kasarian
 Edukasyon
 Grupong Kinabibilangan
• PAG-IIPON NG MATERYALES

• PAGBABALANGKAS NG MGA IDEYA O KAISIPAN


PARA SA KABUUAN NG MALINAW AT MABISANG
TALUMPATI

• LINANGIN ANG MGA KAISIPAN


Paraan sa pag-oorganisa ng nilalaman:
• Depinisyon
• Paliwanag.
• Paglalarawan
• Sanhi at Bunga
• Paghahalimbawa.
• Paghahambing o pagtutulad
• Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari.
• Estadistika.
• Patotoo.
• MAGKAROON NG SIMPLE NGUNIT
MAPAMUKAW AT DI MALILIMUTANG
PAGWAWAKAS NG TALUMPATI.

You might also like