You are on page 1of 37

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto

Unang Kwarter- Ikalimang Linggo

GLENDA C. FERMAN
Balik-aral

1. Ano ang tekstong persuweysib?


2. Isa-isahin ang mga uri ng panghihikayat
ayon kay Aristotle
3. Ano-ano ang mga propaganda device ang
ginagamit para sa panghihikayat o
pangungumbinsi?
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na
nakahalong titik/letra na nasa ibaba.

GOLTANGPAGI IPAGTANGGOL

YONSIPOS POSISYON

SIYADENIBE EBIDENSIYA

GUTOARMEN ARGUMENTO
Mga Gabay na Tanong

• Ano-ano ang mga salitang nabuo?


• Saan natin ginagamit ang ganitong uri ng
mga salita?
• Anong uri ng teksto ang maaaring
paggamitan ng mga salitang nabanggit?
Layunin
• Nabibigyang-kahulugan ang tekstong argumentatibo
• Natutukoy ang pagkakaiba ng tekstong
argumentatibo sa tekstong persuweysib.
• Naiisa-isa ang mga elemento ng pangangatuwiran
• Nasusuri ang mga uri ng lihis na pangangatuwiran
• Nakasusulat ng reaksiyong papel batay sa binasang
teksto (F11EP-IIIj-37)
Tekstong Argumentatibo

Batay sa mga salitang inayos at nabuo


kanina, gamitin ang mga salitang iyon para
sa pagbibigay ng sariling kahulugan ng
tekstong argumentatibo.
Ano ang Tekstong Argumentatibo?

• Naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o


pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang
mahalaga o maselang isyu.
• Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang
tanggapin ang mga argumentong inilahad sa
pamamagitan ng pangangatwiran.
• Layunin din nitong mapatunayan ang
katotohanang ipinahahayag nito.
Ano ang Tekstong Argumentatibo?

• Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga


sumusunod:
a. Tesis
b. Posisyong Papel
c. Papel Pananaliksik
d. Editoryal
e. Petisyon
Ano ang Pagkakaiba ng Tekstong Persuweysib sa
Tekstong Argumentatibo?
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib
• Nangungumbinsi batay sa • Nangungumbinsi batay sa opinyon
datos o impormasyon
• Nakahihikayat dahil sa • Nakahihikayat sa pamamagitan ng
merito ng mga ebidensiya pagpukaw ng emosyon ng
mambabasa at pagpokus sa
kredibilidad ng may-akda.
• Obhetibo • Subhetibo
Mga Elemento ng Pangangatwiran

1. Proposisyon
• pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
• Ito ang isag bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig.

Halimbawa:
1. Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang
karahasan laban sa kababaihan.
2. Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro
nito upang magtrabaho sa ibang bansa.
Mga Elemento ng Pangangatwiran

2. Argumento
- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang
maging makatuwiran ang isang panig.
- kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.
Pagpapabasa ng isang halimbawa ng Tekstong
Argumentatibo
Pagpapalibing kay Pangulong Marcos sa Libingan ng mga
Bayani, Hindi Dapat Pahintulutan
Hindi pa ako nabubuhay noong panahon ng Batas
Militar, ngunit hindi ibig sabihin nito na wala na akong
karapatang magsalita tungkol dito. Isinilang ako ilang taon
matapos ang EDSA People Power 1, na nagpatalsik sa
malupit na diktadura ni Ferdinand Marcos. Lumaki akong
nagtatamasa ng mga pribilehiyo ng isang demokratikong
bansa. Malinaw sa akin kung paanong ang matagal na
panahong monopolyo sa kapangyarihan ni Marcos at ng
kaniyang mga crony ay may kaakibat na paglabag sa mga
karapatang pantao—karapatang mabuhay nang mapayapa,
magpahayag, mamahayag, magtipon-tipon, at kahit matulog
nang mahimbing sa gabi. Ngayong planong ilibing ng
kasalukuyang administrasyon si Marcos sa Libingan ng mga
Bayani (LNB), ilan pang pangalan at alaala—mga patay na at
buhay pa—ang patuloy na yuyurakan at parang sariwang
sugat na bubudburan ng asin?
Libo-libong buhay ang nawala, marami ang hindi pa
nahahanap ang labi hanggang sa
kasalukuyan. Maraming kabataan ang biglang naglaho at
tinawag na “desaparecido.“ Sayang
at sana ay naging produktibong mga mamamayan sila sa
kasalukuyan. Ayon sa mga kamaganak
na naiwan ng mga desaparecido, ”Buti pa si Marcos, may
bangkay.“
Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ipinasara ng
pamahalaan ang mga estasyon ng radyo,telebisyon, at
pahayagan pagkatapos ideklara ang Batas Militar. Lahat ng
tumututol at tumutuligsa sa mga gawain ng Rehimeng Marcos
ay karaniwang dinarakip ng mga pulis o sundalo at
pinarurusahan. Maituturing na bangungot ang naging
karanasan ng mga naging biktima ng kamay na bakal ng
diktadura, sapagkat nakaranas sila ng pisikal at sikolohikal na
pang-aabuso sa pamamagitan ng torture, rape, water
treatment, at iba pang di-makataong paraan ng pagpaparusa.
Ito ay batay sa mga salaysay ng karanasan nina Prof.
Judy Taguiwalo, kasalukuyang DSWD Secretary; Ricky Lee at
Lualhati Bautista, na mga premyadong manunulat; Joel
Lamangan, na isang mahusay na direktor; at Bonifacio
llagan, na isang kilalang dramatista. Kahit pa patuloy na
itinatanggi ng Pamilya Marcos ang kanilang mga kasalanan,
naitala naman sa mga pagsasaliksik at imbestigasyon ang
lawak at lalim ng ginawang pang-aabuso ni Marcos sa
kaniyang kapangyarihan sa panahon ng diktadura.
Sa dami ng naging biktima at sa laki ng iniwan niyang utang
panlabas ng bansa, hindi siya karapat-dapat na ilagak sa lugar kung
saan nakahimlay ang mga itinuturing na ”bayani“ ng bansa. Ang
paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay malaking dagok
sa mga kaanak ng mga naging biktima ng Batas Militar, na patuloy
na humihingi ng katarungan para sa mga inabuso, nawala, o pinatay
nilang mahal sa buhay. Hindi, kailanman, dapat magkaroon ng
puwang sa sagradong lugar na iyon ang isang malupit, abusado, at
diktador na pinuno. Ito ang dapat maunawaan ng kasalukuyang
pamahalaan—na hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali
sa pamamagitan ng paggawa ng isa pang pagkakamali.
Sagutin ang mga sumusunod: Isulat sa
kalahating papel

1. Proposisyon ng Teksto
Sagutin ang mga sumusunod: Isulat sa
kalahating papel

2. Mga panig na inilahad


Sagutin ang mga sumusunod: Isulat sa
kalahating papel

3. Pananaw ng may-akda sa proposisyon


Sagutin ang mga sumusunod: Isulat sa isang
buong papel

4. Ibigay ang iyong sariling reaksiyon batay sa binasang


teksto.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

1. Argumento laban sa karakter


• Ang pinagtutuunan ng pansin ay hindi ang isyu kundi
ang kredibilidad ng taong kausap.

Halimbawa:
Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang
abogadong hindi magaling at tatlong beses umulit ng bar
exam?
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

2. Paggamit ng pwersa o pananakot

Halimbawa:
Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi
ka maliligtas at masusunog sa dagat-dagatang apoy.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

3. Paghingi ng awa o simpatiya


• Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng
argumento kundi sa awa at simpatiya ng kausap.
Halimbawa:
Ma’am, ipasa niyo po ako. Kailangan ko pong
makapagtapos dahil ako na lang ang inaasahan sa aming
pamilya.Kailangan ko pong magtrabaho para mapagamot ang
nanay ko na may TB dahil karpentero lang po ang trabaho ng
tatay ko, at pinag-aaral pa po ng apat kong batang kapatid.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

4. Batay sa dami ng naniniwala sa argumento


• Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay
batay sa dami ng naniniwala rito.

Halimbawa:
Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang
masama kung magsinungaling paminsan-minsan.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

5. Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya


• Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi
pa napatunayan ang kamalian nito at walang sapat na
patunay kung mali o tama ang pahayag.
Halimbawa:
Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay
alam na alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang
pagsusulit.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

6. Batay sa pagkakaugay ng dalawang pangyayari


• Ang pangangatuwiran ay batay sa sabay na pangyayari;
ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at
bunga agad dalawang pangyayaring ito.
Halimbawa:
Maswerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako
ay laging mataas ang benta ko.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

7. Batay sa pagkakasunod ng mga pangyayari


• Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na
pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang
dahilan ng kasunod na pangyayari.
Halimbawa:
Talo na naman ang Tamaraw. Nanood kasi ako, eh. Sa
tuwing nanonood ako ng laro nila ay lagi nalang siyang
natatalo.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

8. Walang kaugnayan
• Ang konklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag.
Halimbawa:
Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan
dahil baduy raw manumit ng bokalista.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

9. Paikot-ikot na pangangatwiran
• Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.
Halimbawa:
Hindi ako nakarating sa pulong dahil lumiban ako nang
araw na iyon.
Mga Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy

10. Padalos-dalos na Paglalahat


• Paggawa ng pangkalahatang pahayag o konklusyon batay
lamang sa iilang patunay o katibayang may kinikilingan.
• Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan.
Halimbawa:
Nang minsan akong dumaan sa lugar na iyon ay
nadukutan ako. Kaya huwag kang mapapagawi diyan dahil
pawang mandurukot ang mga nariyan.
Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

1.Panimula
• Kailangang maging mapanghikayat sa paraang
mahusay na mailahad ang pangkalahatang paksang
tatalakayin at ang proposisyon.
• Proposisyon- ay isang pahayag na naglalaman ng
isang opinyon na maaaring pagtalunan.
Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

2. Katawan
• Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon
ay kailangang organisadong maihanay sa
katawan ng tekstong argumentatibo.
• Mahalagang may malawak na kaalaman ang
manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa
gayon ay magtaglay ng bigat ang mga
pangangatwiran
Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

3. Konklusyon
• Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang
kabuuan niyang pananaw ukol sa kanyang
proposisyon.
• Kinakailangang matibay ang konklusiyon binuo
batay sa mga patunay na nabanggit sa katawan
n teksto
Indibidwal na Gawain

• Pumili ng isang paksa kung bakit ka


sumasang-ayon o tutol sa pagpapatupad ng
napiling paksa.
• Lapatan ng ebidensiya para mapalakas ang
iyong panig.
Mga Paksa na Pagpipilian:

1. Ang pagkakaroon ng uniform sa Senior High School ay may


positibong epekto sa disiplina at pagkakaisa ng mga mag-
aaral.
2. Limitahan ang oras ng paggamit ng gadgets sa loob ng
paaralan upang mapanatili ang focus ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
3. Ang pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral ay
maaaring makaapekto sa akademikong pagganap ng mga
estudyante.
Maraming Salamat sa Pakikinig!

You might also like