You are on page 1of 47

Dangal ng Pag-asa

ARALIN 2
PANITIKAN: Kapatid (Buod ng Nobela)
Wika: Mga pahayag na Ginamit sa Pagbibigay ng Opinyon
NOBELA
Isang makabagong uri ng panitikan na umusbong
mula sa mga naunang genre ng tula at drama.
Ito ay nagmula sa salitang Pranses na “Novella” o
bago.
Ito ay nagsasalaysay ng isang mahabang proseso
ng pagkamulat at pagkahubog ng mga tauhan.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit
ang nobela ay yugto-yugto, mahaba, at
nahahati sa mga kabanata.
Tunggalian ang tumutulong sa karakter
upang mamulat, mahubog, at magbago.
TUNGGALIAN
Ito ay maiuugnay sa konsepto ng conflict sa
ingles.
Ang conflict sa etimolohikong
pagpapakahulugan nito ay nagmumula sa
salitang Latinong CONFLICTUS, na
nangangahulugang labanan o alitan.
• Ito ay pangunahing element ng isang katha
sapagkat ito ay nagpapakilos sa kaganapan
ng isang likhang salaysay.
• Ito rin ay krisis sa kalagitnaan at bibigyan ng
resolusyon sa pagtatapos ng kwento.
URI NG TUNGGALIAN
1. TAO LABAN SA TAO
• Isang karakter laban sa isa pang karakter.

Halimbawa: laban ng klasikong Bida laban sa kontrabida,


mabuting tao laban sa masamang tao.
2. TAO LABAN SA SARILI
• Ang karakter mismo ang sarili niyang suliranin.

Halimbawa: karaniwang pinoproblema ng pangunahing


tauhan kung ano ang pipiliin ang tama o ang mali, ang
mabuti o masama.
• Ito ay tunggaliang kaaway ng
pangunahing tauhan ang
kanyang sarili.

Halimbawa:
1. Ang pagkakaroon ng
tunggalian sa pagkatao
(identity crisis o pagkatao)
2. Ang pagkakaroon ng
tunggalian ng konsensiya
(Guilt feeling o konsensiya)
3. TAO LABAN SA DAIGDIG O LIPUNAN
• Ang lahat ng bagay ay nagiging balakid upang
magawa ng tauhan ang kanyang ninanais na gawin.

Halimbawa: Paglaban sa katiwalian na nangyayari


sa ating pamahalaan sa kasalukuyan- ito ay ay ang
tuwirang pagtunggali sa mga pagnanakaw na
ginagawa ng mga tao sa gobyerno
4. TAO LABAN SA KAPALIGIRAN O KALIKASAN
• Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan ay
direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.

Halimbawa: Isang halimbawa nito ay ang biglaang


pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay
sa mga tauhan sa panganib.
Linangin Natin ang Kasaysayan sa Wika
at Gramatika
Nakikilala ang mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinion
• Mga pahayag na Ginagamit sa pagbibigay ng Opinyon.
Ang pagpapahayag ng opinion ay maaaring pasalita o
pasulat.
Sa pagbibigay ng opinyon, kinakailangan ang
kasiguraduhan na mailahad ang mga ideya nang mga
kaayusan kung kaya’t kinakailangan ang sumusunod:

1. KAISAHAN – Ang kaisahan ay nangangahulugang ang


lahat ng mga ideya sa talata ay may iisang
pinatutunguhan. Sa pamamagitan ng kaisahan, ang mga
mambabasa o tagapakinig ay nagkakaroon ng pag-unawa sa
mga ideyang ipinapahayag sapagkat ang hata ng mga ito ay
nakatutulong para sa iisang marking ideya.
2. KAUGNAYAN – Ang pangungusap ay dapat
magkakaugnay upang magpatuloy nang malinaw ang
daloy ng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng
pahayag. Mahalaga ang papel ng mga salita na
ginagamit bilang mga tagapag-ugnay sa talata. Ito ay
nagsisilbing tulay sapagitan ng mga bahagi ng
pahayag sa pangungusap at pagkakaugnay ng
talataan.
Ang pang-ugnay- ang tawag sa mga salitang nagpapakita
ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Halimbawa ng mga pang-ugnay:
Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
- Si Adrian ay mabait bukod dito sya ay matulungin din.
Paghahambing – pero, sa kabilang banda, subalit,
gayunman
- Matagal na niyang gustong mag-ipon ng pera, subalit
mahilig rin siyang gumastos sa mga gamit na hindi niya
kailangan.
Pagpapatunay- kung saan, dahil sa, para sa, tunay na, sa
katunayan
- Ayon sa balita, patuloy na tumataas ang kaso ng mga
namamatay sa sakit na covid-19 tunay na nakababahala
ang mga ganitong pangyayari.
 Pagpapakita ng oras- kaagad, pagkatapos, sa
lalongmadaling panahon, sa wakas, noon
- May proyekto akong kailangang ipasa sa lalong madaling
panahon.
Pag-uulit- gaya ng sinabi ko, tandan, muli
- Gaya ng sinabi ko sa iyo noon, huwag kang papatol sa
mga taong may relasyon na dahil masisira mo ang kanilang
pinagsamahan.
Pagbibigay-diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan
- Ang mga Frontliners ay handang ibuwis ang kanilang
buhay para sa ating lahat sa katunayan nga ay madami na
ang nagbuwis ng buhay para lamang sa ating kaligtasan.
Pagbibigay-halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa
ganitong pagkakataon
- Sa ganitong pagkakataon paano mo maipapakita na ikaw
ay may disiplina at kooperasyon.
Pagbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling
salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod
- Ang nanay nya at ang nanay ko ay mag kapatid sa
madaling salita kami ay mag pinsan.
Samantala, ang bawat opinyon ay nauuri sa
sumusunod:
1. Nagpapabatid- Ito ay nagpapaliwanag tungkol sa
isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may
kaugnayan sa kasalukuyang isyu upang
matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng
buong kaalaman tungkol sa tinatalakay na paksa.
Hal. Paano isinasagawa ang pagplaplano ng pamilya?
2. Nangangatwiran- lohikal na pinangangatwiranan
ang isang panig ng isyu upang patunayan ang
isang paninindigan.

Hal. Dapat magplano ang pamilya.


4. Naghihikayat- tuwirang nananawagan sa mga
mambabasa na suportahan ang isang programa,
balak, o kilos. Nililinaw rin nito ang dahilan kung
bakit dapat susugan ang isang gawain.

Hal. Panukalang Batas laban sa Diborsyo, Suportahan


4. Nagpapakahulugan o Nagkokomentaryo-
ipinaliliwanag ang kahulagan ng balita
kaugnay ng iba pang pangyayari.

Hal. Ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano


ng pamilya?
5. Namumuna- ibinibigay ang mga puna at
mungkahi hinggil sa isang isyu.

Hal. Ang Aborsyon, Dapat bang bigyang


ligalisasyon?
6. Nagpapahalaga- pinapahalagahan ang nagawa ng
isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon o
gawain o pinararangalan ang isang dakilang adhikain.

Hal. Si Lea Salonga ay isang sikat na mang-aawit buong


mundo at kilala rin sa larangan ng teyatro buong mundo.
Siya ay gumanap sa Miss Saigon kung saan siya ay
nakilala at umawit rin sa Disney. Siya rin ay nagkaroon
ng iba't ibang international awards.
7. Nanlilibang- naglalayong libangin ang mambabasa
habang nagmumungkahi ng isang makatwirang
gawain.
8. Nagbabalita- nagpapahayag ng isang natatanging
balita na siyang laman ng usap-usapan sa buong
kapuluan.
9. Sumasalungat- tuwirang pagsalungat sa opinion ng
iba.
Sa Hele Mo, Inay
ARALIN 3
PANITIKAN: AngBahy ng Aking Inay (Tula)
Wika: Pagpapahayag sa Sariling Emosyon/Damdamin
• May kasabihan na sa anumang pasakit na
dumarating sa ating buhay, nakukuha
itong batahin ng isang ina, ngunit ang
hindi niya makakaya ay ang makitang
nagdurusa ang kanyang anak.

Napatunayan mo na ba ito?
• Alalahanin ang isang pangyayari sa
iyong buhay na nagpapasakit ang iyong
ina para lamang maibigay sa iyo ang
magandang buhay.
• Isalaysay ito at ilahad kung paano mo
ginantihan ang pagpapakasakit niyang
ito.
• Ang tulang “Ang Bahay ng Aking
Inay” ay mula sa bansang Vietnam
at orihan na akda ng manunulat na
si Huu Thinh.
• Ipinanganak siya noong 1944 sa
probinsiya ng Phu.
• Noong 1963 ay sumapi sa sa
People’s Army at nagsilbing
tankman.
• Noong 1982, nagtapos siya sa Nguyen Du Literary
Institute.
• Naging patnugot siya ng Sekretaryat ng Vietnamese
Writer’s Union (VWU) at naging president ng Young
Writers Committee.
• Ginawaran din siya ng VWU ng Literary Prize noong
1980.
• Ilan sa mga koleksiyon ng tula niya ang The Road to the
City noong 1976, When the Child Hoa Was Born noong
1984, at From the Trench to the City noong 1985.
• Sa katunayan ang bansang Vietnam ay hindi
luga ng digmaan.
• Matapos ang liberasyon at sa muling
pagkakaisa o “Doi Moi” noong 1986 ay
naging kaaya-aya ito sa lahat ng mga turista
at mangangalakal.
• Ang Vietnam ay matatagpuan sa gitna ng Timog-
Silangang Asya.
• Dinarayo ang bansang ito dahil sa dakilang
pilosopiya at relihiyon na humuhobog sa esperitwal
na buhay ng mga Vietnamese.
• Ang magagandang tanawin ng kalikasan,
mahabang kasaysayan, at mayamang kultura ang
ilang dahilan para sa bisitahin ng mga tao sa bansa.
• Nakapaglalahad ng sariling pananaw at
nakapaghahambing sa pananaw ng iba tungkol sa
pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga
akdang Asyano……

Ang kahusayan sa paglalahad ng sariling pananaw


ay panukat sa kahusayan ng mambabasa na
magbahagi ng kanyang paninindigan batay sa
ideyang sa palagay niya ay dapat paniwalaan.
Malaki ang naitulong nito upang higit pang malinang
ang kritikal na pag-iisip ng isang tao sa pagmumungkahi,
pagbuo ng desisyon, at paghahain ng argumento.
Ang mga naibahaging posisyon naman, upang lubos na
maging matibay, ay kailangang pakitimbagin sa
pamamagitan ng paghahambing sa ibang mungkahi,
opinion, o pananaw na maaaring may pagkakatulad,
pagsasang-ayunan, o pagsasalungat.
Maaari din naming sinasang-ayunan ang mungkahi
subalit may kakulangan kung kaya’t ipinagpapalagay na
ito ay nararapat dagdagan ng paliwanag upang lubos na
maging matatag.

Paghambingin ang paksa ng tula at ng sanaysay. Ibigay ang


iyong mungkahi sa dalawang teksto, ipaliwanag ang mga
mungkahi mula sa naging pagkakatulad at pagkakaiba nito.
Pagpapahayag ng Sariling
Emosyon o Damdamin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Natatangi ang pagpapahayag ng damdamin sa iba’t
ibang paraan sapagkat ginagamit ang batas na
padamdam (!) sa pagpapahayag ng matinding
damdamin.
Narito ang ilang mga halimbawa:
 Damdaming nagpapahayag ng paghanga:
- Wow! Ang ganda mo ngayon!
Damdaming nagpapahayag ng pagkagulat:
- Ay! Nabasag ang baso.
Damdaming nagpapahayag ng pagkatakot:
- Naku po ! May lumilitaw yata rito.
 Damdaming nagpapahayag ng kasiyahan:
-Yipee! Pasado ako sa pagsusulit.
 Damdaming nagpapahayag ng pag-asa:
- Sana nga! Magkaroon ng katuparan ang iyong
pangarap.
 Damdaming nagpapahayag ng galit/inis:
- Ano ba! Huwag ka ngang makialam.
Damdaming nagpapahayag ng pagtataka :
- Bakit natalo ni Ogor si Lamberto gayong mas malaki
ito sa kanya?
 Damdaming nagpapahayag ng pagkainis:
- Nakakainis talaga ang mabaho at magulog lugar.

You might also like