You are on page 1of 22

•Ano ang kalagayan ng

mga kababaihang
Taiwanese noon?
•Ano-ano ang mga
pagbabagong
kanilang tinamasa?
“Pabibigay ng
Kapangyarihang Pilipino sa
pamamagitan ng
Estadistikang Kasarian”
Bumuo ng mga pangungusap
na magpapahayag ng opinyon
at pananaw tungkol sa paksa
ng ating binasang sanaysay.
Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o
lipon ng mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala sa kapwa
parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang
maipakita ang dalawa o higit pang
kaisipan sa loob ng pangungusap.
Ito ay nahahati sa dalawang
pangkat :
Magkatimbang
Di -Magkatimbang
•1. Pangatnig na nag-uugnay sa
magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) -
pinagbubuklod ang kaisipang pinag-
uugnay
Halimbawa:
•Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
•Nakatulog ako’t nakapahinga.
•Mangongopya ka ba o
makikipagkwentuhan ka na lamang?
(ngunit, subalit, datapwat,
bagamat, pero) - pangatnig na
panalungat; sinasalungat ng
ikalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna.
Halimbawa:
•Matalino si Villar subalit maraming
isyung naglalabasan kaugnay sa
kanya.
•Mabait siya pero istrikto.
2. Pangatnig na nag-uugnay
sa di-magkatimbang na
yunit.
•(kung, kapag, pag)
Halimbawa:
• Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino
niya.
(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o
dahilan
Halimbawa:
• Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko,
palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na
panlinaw
Halimbawa:
•Wala raw siyang kasalanan kaya humarap
pa rin siya sa media.
•Pagsasanay 1
Basahin ang talataan at pagkatapos ay itala ang
mga pangatnig na ginamit at tukuyin kung
magkatimbang o di-magkatimbang. Ilagay sa
kasunod na tsart ang iyong sagot. Isulat sa
papel ang iyong sagot.
Gamit ang angkop na mga pahayag sa
pagbibigay ng ordinaryong opinyon,
matibay na paninindigan at
mungkahi,bumuo ng sariling sanaysay
hinggil sa pagkakaroon ng pantay na
karapatan sa lahat ng kasarian.
Paano mo mabisang
maipahahayag ang iyong mga
opinyon at pananaw gamit
ang mga pangatnig.
Tukuyin ang mga pangatnig at pangkat nito sa
pangungusap
1. Matalino si Villar subalit maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa kanya.
2. Iboboto ko siya kung wala nang ibang
tatakbo na kasintalino niya
3. Maraming isyung naglalabasan
kaugnay sa ilang politiko, palibhasa
malapit na naman ang eleksyon.
4. Mangongopya ka ba o
makikipagkwentuhan ka na lamang?
5. Hindi siya sanay sa hirap ng
buhay palibhasa’y lumaki
siyang marangya ang buhay.
1.Magkatimbang
2.Di – Magkatimbang
3.Di – Magkatimbang
4.Magkatimbang
5.Di - Magkatimbang

You might also like