ng mga babae sa lipunan. Gamitan ng mga pangatnig ang pangungusap. “Ang kabuluhan ng buhay ng tao ay nakabatay sa kaniyang kakayahang magpasya.” “Niyebeng Itim” Ni Liu Heng Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra •GAWAIN 1. Pagpapalawak ng Kaisipan Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa. •Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kanyang mata, paaandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. •Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. •Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag. Ano-anong mga pag-uugali at paniniwala ang inilahad sa kwentong binasa? Paano mo maisasabuhay ito batay sa pangyayaring iyong naranasan? Magbigay ng halimbawa. Paano naiiba ang maikling kuwento ng katutubong-kulay sa iba pang uri nito? Ano ang nais iparating ng may-akda sa kanyang mga mambabasa? • Suriin ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng binasang kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na katanungan. 1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento ? 2. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan? 3. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema? 4. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin? 5. Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa ?