You are on page 1of 12

Mga Hulwarang

Organisasyon ng
Tekstong Ekspositori
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkokontrast ng mga bagay sa isa’t isa
gayundin ang karaniwang problema at mga kaukulang solusyon.
2. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
3. Nakasusulat ng komposisyon na naglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga katangian ng tao, bagay, pook o pangyayari.
4. Nakasusulat ng komposisyon sa mag alternatibong solusyon para sa isang
tiyak na problema.
5. Nakasusulat ng komposisyong nagpapaliwanag sa sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa bansa.
• Karaniwan ding ginagamit ang paghahambing at pagkakaiba
upang lalong maipakita ang katangian ng dalawa o higit pang
bagay na pinaghahambing.
• May kahalagahan din ang paglalahad ng suliranin at ang mga
alternatibong solusyon dito. Sa hulwarang ito, pumapasok din
ang pangangailangan sa pagsasabi ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari.
• Samakatwid, mahalagang mabatid ng isang nagbabasa o
nagsusulat ang iba’t ibang hulwarang organisasyon na maaaring
maging batayan ng mga tekstong ilalahad o inilalahad upang
higit na maging malinaw ang mga ito.
PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
• Sa pakikisalamuha sa ating kapwa sa araw-araw, hindi maipagkakaila na
tayo ay nagsusuri, namumuna at nagmumungkahi ng mga bagay upang
higit na maging maayos ang ating pakikipag-ugnayan. Sa ganitong
paraan, hindi natin naiiwasan ang maglahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga katangian ng mga tao, bagay, pook o mga
pangyayari.
• Ginagamit ang paghahambing at pagkokontrast sa pagpapahayag ng
kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba pang katulad o kauri nito.
• Sa hulwarang ito ng organisasyon ng teksto, kailangan ang maingat
na pagbasa sa teksto upang mabatid ang nilalaman nito at lubusang
maunawaan ang layunin nito. 
• Pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na salita upang
higit na mapalutang ang gagawing paghahambing at pagkokontrast. 
Halimbawa:
Mahiwaga ang buhay ng tao. Katulad nito ay alon sa dagat na hindi
tiyak kung kalian mag-aalimpuyo. Maraming paghamon ang
dumarating sa buhay ng tao na hinahanapan niya ng solusyon. Di tulad
ng alon na walang makapipigil kapag ito ay dumaluyong, ang tao ay
may sadyang katangian upang makontrol ang mga bagay na maaaring
magdulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kapwa.
Dalawang Paraan ng Hulwarang ito:
• Halinhinan ( Alternating)- pagtalakay sa
katangian.
• Isahan (Block)- ang ibig sabihin ay
magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghahambingan at
kinokontrast.
PROBLEMA AT SOLUSYON
• Likas na sa buhay nating lahat ang pagkakaroon ng problema na lagi nating
hinahanapan ng solusyon. Walang taong walang problema. At gayundin,
walang bansang wala nito. Kung minsan, ang mga problemang ito ang siyang
nagiging tulay upang magbago ang takbo ng buhay tungo sa higit na maunlad
na pamumuhay sapagkat naghahanap tayo ng mga paraan na ikalulutas nito.
Ang pagkakaroon ng problema sa buhay ay normal na pangyayari sa buhay
ng bawat indibidwal. Ang hindi normal ay pabayaan na lamang na manatili
itong problema. Sa ating pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, Kapansin-
pansin na ang kwento ay umiinog sa isang nakatalagang problema na bibigyan
ng kalutasan ng mga tauhang gumaganap dito. Ganoon din naman sa mga dula
sa tanghalan at panoorin sa telebisyon.
• Sa huwarang ito ng organisasyon ng teksto, kailangang hanapan ng
solusyon ang problemang ito.
Halimbawa:
• Senaryo: Magtatapos na si Gil sa hayskul at nais niyang kumuha ng
kursong arkitektura sa kolehiyo. Sa kasamaang palad, ang nakalaan
sanang pangmatrikula niya ang nagamit sa pagpapagamot sa kanyang
ama.
• Problema: Paano makapag-eenrol si Gil upang matupad ang
kaniyang pangarap na makapasok sa paaralan sa unang semester ng
pasukan?
• Solusyon: Isa sa mga solusyon dito ay mag-working students siya o
dili kaya ay mag-aplay ng scholarship.
SANHI AT BUNGA
• May mga pangyayaring nagaganap sa buhay natin na lagi
nating itinatanong kung bakit ito nagaganap? Dito mariin
nating sinusuri ang dahilan ng mga pangyayaring ito. Sa
isang salita, inaalam natin ang sanhi ng mga pangyayaring
ito. Samantala, ang mg pangyayaring naganap ang siyang
naging bunga nito.
• Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humahantong sa
isang bunga.
• Halimbawa:
• Narinig na umiyak ang isang sanggol. Bakit
kaya? Marahil ay nagugutom siya. Sa pagkakataong
ito, ang sanhi ng pag-iyak niya ang ang pagkagutom
niya, kaya ang bunga, umiyak siya.
• Kalimitan, ang dahilan o sanhi ay nagdudulot ng
higit sa isang bunga o kinalabasan. Maaaring ipakita
ito sa sumusunod na dayagram:

You might also like