You are on page 1of 11

• Hindi lahat ng sinasabi natin ay tinatanggap o sinasang ayunan

ng iba. Subalit dahil naninindigan tayo na tayo ang tama at


nasa katwiran, tayo ay nakikipag argumento.
• Ng pakikipag-argumento ay nagaganap hindi lamang sa mga
pormal na sitwasyon at okasyon. Maging sa pang araw araw
natin na rotinaryo o senaryo ay nakikipag argumento tayo.
1. Sa simpleng pagpapapaalam mo sa iyong magulang upang
makitulog sa bahay ng isa sa iyong kamag aral dahil sa
gagawing proyekto ay maaaring maganap ang
argumentasyon.
2. Gayundin ang paghiling mo ng make-up quiz sa iyong guro
dahil hindi ka naapasok sanhi ng isang mahalagang
pangyayari.
3. O kaya naman sa isang simpleng bahaginan ninyong
magkakaibigan kaugnay ng mga doktrina’t paniniwala sa
relihiyong inyong kinabibilangan.
• Ang layunin ng tekstong argumentatibo o nangangatwiran ay
magpahayag ng ideya o kaisipan upang mapaniwala ang mga
bumabasa.
• Ang pagkakaiba nito sa tekstong perswaysib ay nanghihikayat
ito sa paraang lohikal at obhetibo. Ibig sabihin ipinagtatanggol
at paninindigan mo ang iyong katwiran hindi dahil sa iyong
emosyon o damdamin kundi dahilnakasalig ito sa katotohanan.
• PROPOSISYON- ito ang pahayag o apirmasyon ng isang
pasiya o paninindigan. Nakasaad dito ang maaaring
pagtalunan kaya ang sino mang maninindigan dito ay dapat
na maghanadang mabuti upang siya ay panigan at
paniwalaam
• ARGUMENTO- ito ay tumutukoy sa mga katwiran o
pangangatwiran na ginagamit sa pagtatalo.
Mapaghahandaan ito sa maingat na pagsususri at
paghahanap ng ebidensya.
• EBIDENSYA- o ang katibayan ang mga kaisipang panulong sa
argumentong magpapatatag ng proposisyon. Ito ay maaaring
magmula sa mga aktwal o totoong pangyayari, mula sa
obserbasyon, mula sa mga saksi, mula sa mga dalubhasa at
iba pang mapagkakatiwalaang hanguan.
1. Ang tekstong argumentatibo ay nagtataglay ng isang
malinaw at tiyak na paksang pangungusap na matatagpuan
sa unang talata ng sulatin.
2. Dapat na magtaglay ito ng malinaw at lohikal na paglilipat-
diwa ng mga talataan, mula simula, katawan hanggang
wakas.
3. Dapat ding naglalaman ng mga suportang detalye at mga
ebidensya ang pinakakatawan ng teksto.
4. Nangangailan ang tekstong argumentatibo ng mga
impormasyong bunga ng masusing pananaliksik gayundin ng
wasto, detalyado at napapanahng mga impormasyon na
sususporta sa paksang pangungusap.
5.Ang tekstong argumentatibo ay dapat mga kongklusyon.

You might also like