You are on page 1of 10

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 - MODULE 4

Mga Salik sa Pag-usbong ng


Nasyonalismong Pilipino
ALAMIN
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng magandang oportunidad sa pagkatuto.

Ang araling ito ay naglalahad tungkol sa mga salik sa pag-usbong ng nasyonalismo sa


Pilipinas.

Inaasahang matatalakay mo ang mga salik na ito at masusuri ang uri ng pamahalaan at
patakarang ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano pagkatapos matutuhan ang bawat
aralin. Ito ay ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupang sinilangan.
Mula dito, naghangad ang mga Pilipino na makalaya sa mapang-abusong kamay ng mga
Espanyol.

MELC: (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto) Nasusuri ang kaugnayan ng


pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

TUKLASIN
Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas
Nasyonalismo. Ito ay ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupang
sinilangan. Mula dito, naghangad ang mga Pilipino na makalaya sa mapang-abusong
kamay ng mga Espanyol.

Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas


1. Pag-usbong ng Gitnang Uri sa Lipunan. Tinatawag din sila bilang “Clase Media”,
sila ay mga taong naging may-
kaya dahil sa pag-unlad ng
ekonomiya dala ng mga
pagbabago sa agrikultura at
komersiyo. Sila ang bumubuo sa
principalia ng bawat bayan. Ito
ay sobrang naramdaman sa iba’t-
ibang lugar sa kamaynilaan, lalo
na sa Intramuros.
video.agaclip.com

2. Ang Intramuros ang naging

1
politico-religious center ng Spanish enclave sa Pilipinas. Ang Binondo, Manila ang
naging kilala naman sa pagiging pinakamalaking sektor-negosyo (business sector) sa
Manila.

3. Pagbubukas ng Suez Canal noong 1869. Ang pagbubukas ng Suez Canal, sa


bansang Egypt, noong Nobyembre 17, 1869 ay ang nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Espanya at ng Pilipinas nang direkta. Ito ay nagbunga ng mas
maraming tao ang naging mayaman. Dahil din dito, pumasok din ang iba’t ibang
ideyolohiya o kaisipan na nanggaling sa iba’t ibang bansa. Naimpluwensiyahan ang
mga Pilipino sa iba’t ibang ideyolohiyang ito.

https://www.gettyimages.com/detail/illustration/opening-of-the-suez-canal-royalty-
freeillustration/184130990?adppopup=true

4. Paglakas ng mga Ilustrado. Ang mga Ilustrado ang tawag sa mga may kayang tao
noong Panahon ng mga Espanyol. Noong ika-19 na siglo, ang mga Ilustrado ay unti-
unting lumalakas ang kanilang impluwensiya at nalalaman na nila ang iba’t ibang
kamalian sa pamumuno ng mga Espanyol. Sila ang naging instrumento sa pag-
usbong ng damdaming Nasyonalismo sa Pilipinas.
• GomBurZa – Ang GomBurZa ay tatlong paring
Pilipino (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto
Zamora) na pinatay gamit ang paraan ng garote
noong Pebrero 17, 1882 sa Bagumbayan (ngayo’y
Luneta) dahil sa pag-aakusa sa kanila na may
kinalaman sila sa pag-aaklas sa Cavite.

https://www.facebook.com/dfaphl/photos
• Kilusang Propaganda. Ito ay ang katawagan sa panahon kung saan gumagamit
ng paraan ng pagpapakalat o paggawa ng propaganda ang mga Pilipino upang

2
maipakita ang kanilang damdaming Nasyonalismo at ang pagnanais nilang
makalaya sa kamay ng Espanyol.

• Paring Regular. Ito ay ang mga paring kabilang sa ordeng panrelihiyon. Hindi
maaaring italaga sa mga parokya ng walang pahintulot ng Obispo.

• Sekularisasyon. Pagbibigay ng pagkakataon ang mga Pilipinong pari na


mamahala sa mga parokya. Tawag sa paglalagay ng mga paring secular sa
parokya.

• La Ilustracion. Ang kaisipang pinangunahan ng mga ilustrado na


nangangahulugan ng naliwanagan.

• Gabriela Silang -Nagpatuloy sa layuning na masugpo ang pagmamalabis ng


Espanyol.

GAWAIN 1

Panuto: Hanapin ang sampung salitang tumutukoy sa kalupitan ng Espanyol na pumukaw sa


damdaming makabansa ng mga Pilipino. Kulayan ito ng dilaw gamit ang krayola.

1. Katiwalian
2. Pagmamalabis
3. Driskriminasyon
4. Malupit
5. Pagkamkam
6. Pag-aalsa
7. Pag-usbong
8. Sumanib
9. Laban
10. Nasyonalismo

3
GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang tsek (√) sa sagutang papel kung ang sumusunod ay salik na

nakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

1. Republika ng Biak na Bato


2. Panggitnang uri ng lipunan
3. Kaisipang liberal sa Pilipinas
4. Ang Kilusang Sekularisasyon
5. Saligang Batas ng Malolos
6. Si Gobernador dela Torre
7. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872
9. Republika ng Malolos
10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir

GAWAIN 3

Panuto: Isulat ang nawawalang letra sa kahon upang mabuo ang salitang ipinahahayag ng
bawat aytem.

1. Tawag sa paglalagay ng mga paring


1.
secular sa parokya.

2. 2. Hindi maaaring italaga sa mga


parokya ng walang pahintulot ng
Obispo.
3.
3. Ito ay tumutukoy sa kaisipang
Malaya.
4
4. Ang kaisipang pinangunahan ng
. mga ilustrado na nangangahulugan ng
naliwanagan.

5. Ang tawag sa mga Pilipino na


nagkaroon ng pormal na edukasyon
sa Pamantasan.

4
TAYAHIN
I. PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa lupaing sinakop at pinangasiwaan ng isang malakas na bansa?
A. kolonya C. bansa

B. kolonyalismo D. kanluran

2. Ano ang tawag sa uri ng pari na karaniwang mestizo at walang kinabibilangan na


anumang orden or samahang relihiyoso?
A. Paring secular C. Paring regular

B. Prayleng misyonero D. Prayleng emperador

3. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa paraan ng pagpapasailalim ng mga


Espanyol sa Pilipinas.
A. Pinagsama-sama ang kanilang tirahan sa ilallim ng pamamahala ng mga
Espanyol
B. Ipinatupad ang paniningil ng tributo upanhg may magamit para sa
panghangailangan mga kolonya
C. Pinangasiwaan ng enkomendero ang mga katutubong nagpasakop na sa
Espanya
D. Binigyan ang mga katutubo ng karapatan sa pagpili ng kanilang relihiyon.
4. Ang Pilipinas ay tuwirang napasailalalim sa Spain noong 1565. Ano ang tawag sa
Pilipinas noon?
A. Bansa C. Kanluranin

B. Kolonya D. Koloniyalismo

5. Bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa mga dayuhang Espanyol upang sakupin
ang kanilang pamayanan?
A. Muntik nang matalo ang mga katutubo ang mga Espanyol
B. Nagwagi ang mga Espanyol at itinatag ang lungsod ng Maynila
C. Mas Marami ang mga mandirigmang Espanyol kumpara sa mga
katutubong Filipino
D. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo at marami ang tumulong sa mga
Espanyol upang sakupin ang mga pamayanan
5
6. Ang iyong konklusyon tungkol sa kapangyarihang taglay ng mga prayle noong
panahon kolonyal?
A. Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle
B. Malawak ang kapangyarihan at impluwensiya ng mga prayle
C. Binigyan ng iba’t ibang tungkulin ang prayle maliban sa pagmimisa
D. Naging sumod-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng
pamahalaan
7. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang kalabanin
ang mga Pilipino?
A. Ipinatupad nia ang divide and rule.
B. Armadong pamamaraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga
Espanyol
C. Hindi nais ng mga Espanyol na mapayapang paraan ang pakikipaglaban sa
mga Espanyol
D. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis
8. Pangkat ng katutubong Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera
A. Cebuano C. Igorot

B. Muslim D. Tagalog

9. Tawag sa pangkat ng mga inapo ng mga datu at maharlika na pinagkalooban ng mga


karapatang panlipunan at pampolitika. Alin dito?
A. principalia C. peninsulares

B. insulares D. principalia

10. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkabigo ng mga nauunang pag-aalsa ng mga


Filipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa.
A. Kakulangan sa pagkakaisa
B. Kakulangan sa pondo
C. Topograpiya ng Pilipinas
D. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
11. Sino ang nagpatuloy sa layunin ni Diego Silang na masugpo ang pagmamalabis ng
Espanyol?
A. Gabriela Silang C. Marcelo Agoncillo
B. Gregoria de Jesus D. Teresa Magbanua
6
12. Ang lahat ng susmusunod ay dahilan ng pag-aalsa ng mga Filipino laban sa mga
Espanyol maliban sa isa.
A. Marami siyang tauhan
B. Representasyon sa Spanish Cortes
C. Hindi siya nawalan ng loob at pagp-aalsa sa pakikipaglaban
D. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa

13. Patuloy na naging maimpluwensiya ang kristiyanismo sa pamumuhay ng mga


Filipino. Alin sa mga susmusunod na mga paniniwala o tradisyon ang nanatili pa rin
sa kasalukuyan?
A. Patuloy na maghihirap ang mga taong hindi nabigyan sa Kristiyanismo
B. Ang mga tao ay walang kalayaan ipahayag ang kanilang mga paniniwala
C. Ang mga paring Espanyol angmay hawak ng mga posisyon sa simbahan
D. Ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa isang patron ng isang
lugar
14. Ano ang dahilan ng paghahangad ng mga regular na magkaroon ng parokya.
A. Kasapi ang mga paring regular sa mga orden
B. Nasa Kautusan na maaari silang humawak ng parokya
C. Tumanggi ang mga secular na paring mangasiwa ng mga parokya
D. Mas madali at may pakinabang ang ang mga regular na kung mangangasiwa
ng parokya
15. Bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na
sakupin ang kan ilang pamayanan?
A. Muntik nang matalo ang mga katutubo ang mga Espanyol
B. Nagwagi ang mga Espanyol at itinatag ang lunsod ng Maynila
C. Mas makabago ang mga armas na kagamitan sa pakikipaglaban ng mga
Espanyol kumpara sa gamit ng mga katutubo Pilipino
D. Hindi nagkakaisa ang mga katutuubo at marami ang tumulong sa mga
Espanyol upang sakupin

7
SAGOT SA MGA GAWAIN

. Naysonalismo 10
. Laban 9
. √ 10 . X 5
. Sumanib 8
usbong. Pag - 7
aalsa. Pag
- 6 . X 9 . √ 4
. Pagkamkam 5 . Ilustrado 5
. Malupit 4 . √ 8 . √ 3
. Driskriminasyon 3 . La Ilustracion 4
. Pagmamalabis 2 . Liberal 3
. √ 7 . √ 2
. Katiwalian 1 . Paring Regular 2
. √ 6 . X 1 . Sekularisayon 1

Gawain 1 Gawain 2 Gawain


3

SANGGUNIAN
Aggueban Massed-Bargado M. 2019. Mga Pag-Aalsang Naganap Sa Panahon Ng
Kolonyalismo: Department of Education Cordillera Administrative Region, Schools
Division of Kalinga. Bulanao, Tabuk City, Kalinga, Published by the Learning Resource
Management and Development System, ph. 1-12.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/16745

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Joel F. Sicam

Tagasuri:

a. Pangdistrito:
Delia V. Diaz Magdalena G. Pablo

b. Pangdibisyon:
Dr. Nelda S. Rabang Marlyne S. Asuncion
Dr. Lea C. Cacayan Luzviminda S. Dizon
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Nida C. Bautista
Dr. Marilex A. Tercias Marissa S. Quinto
Dr. Elizabeth M. Alcaide Olivia L. Delos Santos
Dr. Maribel G. Carpio May Ann L. Aglosolos
Frederick V. Agayao Analisa M. Mulato
Myrna B. Paras Teresita S. Roxas

Tagalapat: Geni M. Sarmiento Rodolfo L. Aquino

Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison Mario S. Cariño Dr. Cornelio R. Aquino


Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene C. Bautista

8
SAGOT SA TAYAHIN

1. A 11. A
2. A 12. B
3. D 13. D
4. B 14. D

15. C
5. D
6. B
7. D
8. B
9. D
10.A

You might also like