You are on page 1of 10

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 - MODULE 2

Pagtatanggol ng mga Pilipino


Laban sa Kolonyalismong
Espanyol
ALAMIN
Ang modyul na ito ay ginagawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng magandang oportunidad sa pagkatuto.

Naalala mo ba ang ang mga panahanan ng ating mga ninuno? Ano ang masasabi mo sa
ayos ng panahanan? Tama ka, hiwa-hiwalay at layo-layo pa. Ano sa palagay mo ang uri ng
panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?

Maraming pangyayaring naganap at tunay na nakapagpabago sa mga Pilipino mula nang


dumating at magsimula ang kolonyalismo ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas. Ang araling
ito ay naglalahad ng mga pagbabagong naganap sa lipunan sa panahon ng pamahalaang
kolonyal.

Sa modyul na ito inaasahang malilinang ang mga kasanayan na sumusunod:

1. natatalakay ang ginawa ng mga Pilipino sa pagtatanggol laban sa kolonyalismong


Espanyol.
2. natutukoy ang pagbabago ng buhay ng mga Pilipino na dulot ng pagtatanggol laban
sa kolonyalismong Pilipino.
3. Nakikilala ang mga sumakop sa ating bansa noong panahon ng Kolonya.

MELC: (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto) Napapahalagahan ang pagtatanggol ng


mga Pilipino laba sa mga Espanyol

TUKLASIN
Dahil sa masidhing pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bansa, nagkaroon ng mga
pagkilos at pag-alsa sa mga bansang laban sa kolonyalismo. Tuluyang nawala ang
imperyalismo at maraming bansa ang naging malaya at nagsasarili. Mula noon, maituturing ba
na ang mga bansa sa Asya lalo ang Pilipinas ay ganap ng malaya at walang bahid ng mga
impluwensyang kolonyal. Tatalakayin dito ang bagong uri o pamamaraang kolonyalismo na
ginagamit sa mga bansang Asya ng mga Kanlurang malalakas at mayayamang bansa.

1
https://angono.gov.ph/?p=1345

Ang larawan ay tungkol sa pakikihimagsikan ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.


Nang magsimula ang himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang
Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga
prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang
kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila
ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, Indio) sa pamamagitan ng sobrang
pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap
sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga
Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng
mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at
isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi
ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
Pawang bigo ang mga inilunsad na rebelyon sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Unang
dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ng mga Pilipino na silang
lahat ay nagmula sa iisang lahi lamang, kaya nararapat magtulungan. Magkakaiba ang kanilang
diyalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa’t isa. Naging madali para sa mga Espanyol na
gamitin ang taktikang “divide and rule” Upang supilin ang pag-aalsa sa isang lalawigan, hindi
na kailangan ang mga puwersang Espanyol mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng tulong sa
ibang karatig na pook. Nang ilunsad ni Tamblot ng Bohol ang kanyang pag-aalsa, 300
mandirigmang Cebuano ang nakuha ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.

2
Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang kakulangan nila sa armas.
Kadalasan ang gamit lamang ng mga nag-aklas ay itak, sibat, at pana na walang kalaban-laban
sa kanyon at baril ng mga kalaban.

Pangatlong dahilan ay ang kawalan nilang maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang mga
pag-aaklas ay agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na pagpaplano nang
ilan sa kanilang mga lider ay wala ring mahusay na pagsasanay sa paghawak ng armas.

Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang grupo. May mga pag-aalsa na
isinasagawa sa pansariling dahilan, kaya binuo lamang ng maliit na bilang ng mga mandirigma.
Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.
Nag-iwan ng epekto at resultang positibo at negatibo ang pananakop ng mga dayuhang
Europeo sa mga bansang Asyano. Ang pagkakaroon ng pamilihang laglagan ng mga
produktong dayuhan, pagpapatatag ng ekonomiya ng mga bansang mananakop, pagkakaroon
ng panggitnang uri ng mga mamamayan sa lipunan at pagbabago ng mga lipunang Asyano ang
ilan sa mga epekto ng kolonyalismo. Nag-iwan ng liberal na ideya sa mga Asyano ang panahon
ng Imperyalismo na naging instrumento sa pagbubuo ng mga Kilusang Nasyonalismo.

Mga Bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino

Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila dahil
kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga
pagbabangon. Marami sa kanila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas.
Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba’t ibang tribo kaya’t pinamunuan muna ng Corregidors
ang mga lalawigang hindi pa payapa. At kung sakaling may hindi pagkakaunawaan nililitis
naman ito ng mga Royal Audencia dahil sila ang tinalagang hukom nong mga panahong ito.

Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran
din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol. Ginamit
ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa kapwa nila Pilipino. Dahil sa likas na
kaugalian ng mga Pilipino na mapagtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan
sa mahabang panahon.

3
GAWAIN 1

Panuto: Kilalanin kung Tama o Mali. Isulat sa papel ang T kung tama at M kung mali ang
sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Naging masaya ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.


2. Ang mga datu ay naging gobernadorcillo sa ilalim ng mga Kastila.
3. Nanatiling Pilipino ang ating kultura sa pananakop ng mga Kastila.
4. Umangat ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa patakaran ng mga Kastila.
5. Hindi iginalang ng mga Kastila ang karapatang pantao ng mga Pilipino.
6. Malaking porsiyento ng teknolohiya ng Pilipinas ay nanggaling sa mga Kastila.
7. Ang mga alamat, bugtong at salawikain ay kulturang Pilipino.
8. Nabuo ang mga barangay bilang isang bansa dahil sa mga Kastila.
9. Pantay ang karapatan ng mga kababaihan at mga kalalakihan.
10. Ang tanging naiangat ng mga Kastila sa kanilang pananakop ay ang edukasyon ng
mga piling Pilipino.

GAWAIN 2

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa malinis na papel.

1. Ano ang tawag sa namuno sa mga lalawigang hindi pa mapayapa?


A. Alcaldes Mayores C. Corregidores

B. B. Cabeza de Barangay D. Gobernadorcillo

2. Sino ang naglilitis ng mga kaso sa panahon ng pananakop?


A. Gobernador Heneral C. Royal Audiencia

B. Regidores D. Visitador

3. Ang mga patakaran ng mga Kastila ay naging __________.


A. demokratiko B. liberal C. mapanikil D. progresibo

4. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila ay__________.


A. nasa kamay ng mga Kastila lama
B. napaunlad ng mga Pilipino
C. napaunlad ng mga Kastila
D. nagpahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino
4
5. Ang kulturang Kastila ay masasabing __________.
A. umakma sa kulturang Pilipino
B. madaling natutuhan ng mga Pilipino
C. nakapagpaangat ng kulturang Pilipino
D. malayo ang kaibahan sa kulturang Pilipino

6. Noong panahon ng pananakop, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng mga __________.


A. Halong Mehikano at Kastila C. Mehikano

B. Kastila D. Pilipinong Datu

7. Ano ang naging kalagayan transportasyon at komunikasyon noong panahon ng Kastila?


A. naging maunlad
B. nagpalaganap ng mga produktong Pilipino
C. nagpalaganap ng mga produktong Kastila
D. naging sanhi ng paglawak ng industriya ng mga Pilipino
8. Ang likas na yaman ng Pilipinas ay nalustay dahil sa mga patakarang __________.
A. pangkabuhayan C. pulitikal

B. pangkultura D. pulitikal at pangkabuhayan

9. Ano ang naging bunga sa patakarang pangkultura ng mga Kastila?


A. nagpayabong ng kulturang Pilipino
B. nagpatatag ng kulturang Pilipino
C. nagpayabong ng kulturang Kastila
D. naging salik kung bakit naging payak ang kulturang Pilipino
10. Ano ang naging bunga ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas?
A. nakapagpasigla sa mga Pilipino
B. walang epekto sa buhay ng mga Pilipino
C. malungkot na karanasan para sa Pilipino
D. isang mabuting karanasan para sa Pilipino

5
GAWAIN 3

Panuto: Saang hanay dapat ilagay ang bawat pangyayari na nasa loob ng kahon? Isulat ito sa
Hanay ng Pagmamalasakit ng Pilipino o sa Hanay ng Pang-aabuso ng mga Kastila.
Gumamit ng malinis na papel.

• Nakipaglaban sila sa Espanyol • Pinagtrabaho ng libre


• Tinanggalan ng karapatan sa mga • Sapilitang pinagbayad ng buwis
lupain • Ipinakita sa taas ang dulang sayaw

• Hindi lahat ay tinanggap ang mga ng mga Moro-Moro para palabasin


Espanyol na ang mga muslim ay kalaban ng
Nagpatupad sila ng mga kalakalang nasa gobyerno

Galyon Sapilitang paglipat sa tirahan

Tinanggalan ng karapatan sa politika Mataas ang bayad sa kanilang ani
• Hindi lahat ay tinanggap ang •
• pagkakristiyano

Pagmamalasakit ng mga Pilipino Pang-aabuso ng mga Espanyol


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

TAYAHIN
A. Panuto: Isulat ang E kung ito ay tumatalakay sa Epekto at R kung ito ay tumatalakay
sa Reaksyion. Gumamit ng malinis na papel para sa iyong sagot.

1. Tinutulan ng mga Pilipino ang paraan ng pagsasagawa ng polo y servicios.


2. Marami sa mga manggagawa ang namatay dahil sa hirap at gutom.
3. Napabayaan ang mga sakahan.
4. Naghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino laban sa Espanyol.

6
5. Maraming magsasaka ang huminto sa pagtatanim.
6. May mga magsasakang nagtanim para sa pansarilling pansakahan.
7. Umiiwas sa sapilitang paggawa ang may salapi.
8. Maraming pang-aabuso na nangyari noon panahon ng pananakop.
9. Ang mga Pilipino ay tumutol at lumaban din.
10. May mga Pilipinong ayaw umayon sa mga Espanyol.

B.Panuto: Iguhit ang kung ang pahayag ay mabuti at naglalarawan sa iyong saloobin

at kung hindi.
Saloobin/
Ang Pilipinas sa Panahon ng Kastila
Reaksiyon
1. Dapat na mamahala sa bansa ay isang magaling na dayuhan upang umunlad
ang buhay.

2. Taglay ng mga opisyal ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan upang


madaling maisakatuparan ang mga naisin o layunin.

3. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
4. Nag- alsa ang mga Pilipino.
5. Tinanggalan ng karapatan ang mga Pilipino sa larangan ng pulitika
6. Inalila ng Kastila ang mga Pilipino.
7. Nagtayo ang mga mananakop ng mga paaralan at itinuro ang formal na
edukasyon dito sa ating bansa.

8. Lalong naghirap ang mga Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol.


9. Binabalewala ko ang mga nangyari noon sa ating bansa.
10. Lahat ay nakiisa sa mga Espanyol/Kastila.
11. Ang nakaraan ay nakaraan at hindi na kailangan pang alalahanin.
12. Pagbabayad ng buwis.
13. Paglilingkod sa pamahalaan nang walang bayad gaya ng paggawa ng mga
tulay.

14. Ibinuwis ng mga Pilipino ang buhay para mapaalis ang mga Espanyol sa
Pilipinas.

15. Nagpakilala ang mga mananakop ng makabagong agham sa agrikultura..

7
SAGOT SA MGAGAWAIN

SANGGUNIAN

Gabuat, M. P., Mercado, et.al. 2016. Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa
Ikalimang Baitang. Vibal Group Inc. Quezon City, Philippines
Rasalan, E. S. 2016. Bigkis ng Lahi, Aklat sa Araling Panlipunan 5. Prime Books
Publishing Company Sta. Maria Bulacan
Department of Education, Kto12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 2016

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Rosemarie G. Raras
Tagasuri:
a. Pangdistrito:
Delia V. Diaz Magdalena G. Pablo

b. Pangdibisyon:
Dr. Nelda S. Rabang Marlyne S. Asuncion
Dr. Lea C. Cacayan Luzviminda S. Dizon
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Nida C. Bautista
Dr. Marilex A. Tercias Marissa S. Quinto
Dr. Elizabeth M. Alcaide Olivia L. Delos Santos
Dr. Maribel G. Carpio May Ann L. Aglosolos
Frederick V. Agayao Analisa M. Mulato
Myrna B. Paras Teresita S. Roxas

Tagalapat: Geni M. Sarmiento Rodolfo L. Aquino


Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison Mario S. Cariño Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene C. Bautista

8
SAGOT SA TAYAHIN

A. 1. R 5. E

2. E 6. R

3. E 7. R

4. R 8. E

5. E 9. E

6. R 10. R
B.
Ang Pilipinas sa Panahon ng Kastila Saloobin/
Reaksiyon

Dapat na mamahala sa bansa ay isang magaling na dayuhan upang umunlad ang


buhay
Taglay ng mga opisyal ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan upang madaling
maisakatuparan ang mga naisin o layunin

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Nag- alsa ang mga Pilipino

Tinanggalan ng karapatan ang mga Pilipino sa larangan ng pulitika

Inalila ng Kastila ang mga Pilipino


Nagtayo ang mga mananakop ng mga paaralan at itinuro ang formal na edukasyon
dito sa ating bansa

Lalong naghirap ang mga Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol

Binabalewala ko ang mga nangyari noon sa ating bansa

Lahat ay nakiisa sa mga Espanyol/Kastila

Ang nakaraan ay nakaraan at hindi na kailangan pang alalahanin

Pagbabayad ng buwis

Paglilingkod sa pamahalaan nang walang bayad gaya ng paggawa ng mga tulay.

Ibinuwis ng mga Pilipino ang buhay para mapaalis ang mga Espanyol sa Pilipinas.

Nagpakilala ang mga mananakop ng makabagong agham sa agrikultura.

You might also like