You are on page 1of 10

8

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 1: LINGGO 4

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


1
AP-K1-L4-A2

CapSLET
Araling Panlipunan
Asignaturaat ________________
APG8 KUWARTER 1 LINGGO 4 ARAW
Baitang PETSA
Aralin3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
NILALAMAN
Paksa: Mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga unang tao.
Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Prehistoriko.

PAALALA: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang
papel para sa pagsasanay at pagtatasa.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYANGPANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran
na nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

TUKLASIN: Suriin ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga unang tao?

Panahon Kultura ng Pag-unlad ng mga Unang Tao


Panahon ng Bato *Ang Panahon ng Paleolitiko ay nagsimula
noong 2.5 milyong taon -8000 B.C.E.
Paleolitiko – sa panahong ito nabuhay ang mga *Pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng
Proconsul, Australopithecus, Homo Habilis, pagkain at walang permanenteng tirahan. Sa
Homo Erectus at Homo Sapiens. yungib sila nakatira.
*Pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay
ng mga tao gamit ang kanilang kamay.
*Gumagamit sila ng mga tapyas na bato bilang
sandata at kasangkapan sa pangangaso at
pangingisda.
*Natuklasan ang paggamit ng apoy bilang
Pagpapa-init ng katawan , panakot sa mga
mababangis na hayop at panluto ng pagkain.

Mesolitiko – nangangahulugang Gitnang *Ang Mesolitiko ay mula 10 000 -5 000 B.C.E.


Panahon ng Bato. Batay sa salitang Griyegong *Suliranin ang panustos ng pagkain dulot ng
meso, na ang ibig sabihin, gitna. Panahon ito pagbabago sa klima.
ng pagpoprodyus. *Nagsimulang mag-alaga ng mga hayop tulad
ng aso.
*Natutong gumawa at gumamit ng
kasangkapang kahoy tulad ng palakol, adze
at gouge.
*Nalinang ang pagkakarpintero at pag-iimbento
ng mga bagay na gawa sa kahoy.

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
2
AP-K1-L4-A2

Neolitiko –nangangahulugang ebolusyong *Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga


pagbabago sa pamumuhay teknolohiya ng mga tao. Bunga nito, naging permanente ang
tao paninirahan ng mga tao.
*Nagsimula ang pagpapalayok . Natutuhan ang
paggawa ng mga bagay na tulad ng bricks
na ginagamit sa paggawa ng bahay.
Natutuhang pakinisin ang mga magaspang na
bato.
Panahon ng Metal *Ang Panahon ng Tanso ay nagsimula 4 000
Panahon ng Tanso B.C.E.
*Tanso ang kauna-unahang natuklasang uri ng
metal na nakuhang nakahalo sa buhangin sa
Gilid ng Ilog Tigris.

Panahon ng Bronse * Ang Panahon ng Bronse ay tinatayang


Nagsimula noong 5 000– 1 200 B.C.E.
*Natutuhan ng mga tao na paghaluin ang tanso
at lata upang makagawa ng higit na matigas
na bagay - ang bronse o pulang tanso. Ginamit
ito sa pagggawa ng mga armas tulad ng espada,
palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

Panahon ng Bakal *Ang Panahon ng Bakal ay nagsimula 1 200 –


300B.C.E.
*Natuklasan ng mga Hittite ang pagtunaw at
pagpapanday ng bakal. Inilihim nila ang
kaalaman sa pagtutunaw at pagpapanday ng
bakal kung kaya umunlad ang kanilang
kabihasnan at madalas ang pagwawagi sa
digmaan.
*Lumaganap sa buong Africa, Asia at Europe
ang paggamit ng bakal.

MAGAGAWA MO…
Nasusuri ang yugtong pag-unlad ng kultura sa panahongprehistoriko.

Magsanay tayo!

(Ilaanang iyongsagot sa sagutang papel.)


Payabungin Natin….
Panuto. Larawan-Suri. Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Suriin ang mga larawan at sabihin
kung ano ang sinisimbolo nito sa Panahon ng Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko, Panahon
ng Tanso, Panahon ng Bronse at Panahon ng Bakal. Pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
3
AP-K1-L4-A2

PANAHON

1.

2.

3.

4.

5.

Magsanay pa!

Gawain 2:

OpinyonMo! Panuto. Suriin ang mga katangian ng pag-unlad ng kultura ng mga unang tao (Isulat sa
Nakalaang papel ang iyong mga kasagutan).
FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
4
AP-K1-L4-A2

I – PANAHON NG BATO
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
II – PANAHON NG METAL
Panahon ngTanso
Panahon ngBronse
Panahon NgBakal

RubriK Para sa Paglalahad ng Ideya at Kaalaman


Natatangi Mahusay MedyoMahusay Hindi
Krayteria 4puntos 3puntos 2puntos Mahusay
1puntos
Kaalaman sapaksa
Kalidadngmga
Impormasyon
Kaalaman sakontekstong
pangkasaysayan
KabuuangMarka

TANDAAN MO…
Pangunahing puntos
Ang mga sinaunang tao sa Panahong Paleolitiko ay nakadepende sa likas na yaman.

Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya


ng Gitnang Anatolia.

Sa Panahon ng Tanso, naging mabilis ang pag-unlad ng mga tao dahil sa tanso.

Sa panahon ng Bronse,natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.

Matagal na pinanatiling lihim ang pagtunaw at pagpapanday ng bakal.

NATUTUHAN KO…
Tingnan natin kung ano ang natutuhan mo ngayon!

Maraming Pagpipilian.

Panuto. Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
5
AP-K1-L4-A2

1. Aling panahon umusbong ang mga bayan at lungsod bunsod ng pag-unlad ng palengke
at kalakalan?
a. Panahon ng Bronse c. Panahon ng Tanso
b. Panahon ng Bakal d. Neolitiko
2. Saang yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko ang nakatuklas ng apoy
bilang pampainit ng katawan at panluto ng pagkain?
a. Neolitiko c. Paleolitiko
b. Mesolitiko d. Panahon ng Tanso
3. Aling yugto ng pag-unlad ng kultura ng unang tao nagsimula ang pagpoprodyus
tulad ng palakol, paragos at busog?
a. Panahon ng Bronse c. Mesolitiko
b. Panahon ng Tanso d. Neolitiko
4. Aling panahon ang higit na napadali ang produksiyon dahil sa mga makinang gawa sa
bakal?
a. Panahon ng Metal c. Mesolitiko
b. Neolitiko d. Paleolitiko
5. Saang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko naging permanente ang
paninirahan ng mga tao dahil sa yugtong ito nagsimula ang pagtatanim at pagsasaka?
a. Mesolitiko c. Panahon ng Tanso
b. Neolitiko d. Paleolitiko

Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar, et al, ph. 27 – 28.


World History, Mark Alvin M. Cruz, et al. ph. 25 – 34
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Modyul ng Mag-aaral ph. 42 –
44
 Amikamoda.ru
Sanggunian
 Websites:
Gintongaral weebly.com
 Slideshare.net
 Travellingacrosstime.com
 Tl.Wikipedia.org

DISCLAIMER:

This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our efforts
to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in reference to the
learning continuity plan for this division in this time of pandemic. This LR is produced and
distributed locally without profit and will be used for educational purposes only. No malicious
infringement is intended by the writer. Credits and respect to the original creator/owner of the
materials found in this learning resource.

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
6
AP-K1-L4-A2

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa


Pangalan:___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon:__________________________ Petsa:___________________________
Paaralan:___________________________________________________________________

MAGAGAWA MO…
Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.

Magsanay tayo!

Gawain 1:

Ilaan ang iyong sagot sanakalaang sagutang papel.)


1. PayabunginNatin….
Panuto. Larawan-Suri. Pag-aralan ang mga larawan saibaba. Suriin ang mgalarawan at sabihin
kung ano ang sinisimbolo nito sa Panahon ng Paleolitiko, Mesoliitiko, Neolitiko, Panahon
ng Tanso, Panahon ng Bronse at Panahon ngBakal.

PANAHON

1.

2.

3.

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
7

4.

5.

Magsanay pa!

Gawain 2:
2. Opinyon Mo!
Panuto. Suriin ang mga katangian ng pag-unlad ng kultura ng mga unang tao.
(Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong mga kasagutan).

I. PANAHON NG BATO
A. Paleolitiko

B. Mesolitiko

C. Neolitiko

II. PANAHON NG METAL


A. Panahon ng Tanso

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
8

B. Panahon ng Bronse

C. Panahon ng Bakal

NATUTUHAN KO…
Tingnan natin kung ano ang natutuhan mo
Maraming Pagpipilian.
Panuto. Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Aling panahon umusbong ang mga bayan at lungsod bunsod ng pag-unlad ng palengke
at kalakalan?
a. Panahon ng Bronse c. Panahon ng Tanso
b. Panahon ng Bakal d. Neolitiko

2. Saang yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko ang nakatuklas ng apoy


bilang pampainit ng katawan at panluto ng pagkain?
a. Neolitiko c. Paleolitiko
b. Mesolitiko d. Panahon ng Tanso

3. Aling yugto ng pag-unlad ng kultura ng unang tao nagsimula ang pagpoprodyus


tulad ng palakol, paragos at busog?
a. Panahon ng Bronse c. Mesolitiko
b. Panahon ng Tanso d. Neolitiko
c.
4. Aling panahon ang higit na napadali ang produksiyon dahil sa mga makinang gawa sa
bakal?
a. Panahon ng Metal c. Mesolitiko
b. Neolitiko d. Paleolitiko
c.
5. Saang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko naging permanente ang
paninirahan ng mga tao dahil sa yugTong ito nagsimula ang pagtatanim at pagsasaka?
a. Mesolitiko c. Panahon ng Tanso
b. Neolitiko d. Paleolitiko

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School
9

Susi sa pagwawasto
Gawain 1
1. Panahon ng Bakal 4. Panahon ng Tanso

2. Mesolitiko 5. Panahon ng Bronse

3. Paleolitiko

Gawain 2 (Mga maaring kasagutan)

PANAHON NG BATO
A. Paleolitiko – Sila ang mga taong gala at palipat-lipat dahil nakadepende ang kanilang
pagkain sa likas na yaman. Nangangaso sila at nangingisda. Natutuhan nilang gumamit ng
apoy.

B. Mesoliiko – Nagsimula silang mag-alaga ng hayop. Natutong gumawa ng kasangkapang


yari sa kahoy. Nagkakarpintero at nag-imbento ng mga bagay na yari sa kahoy.

C. Neolitiko- Sila ay nagsimulang magtanim at magsaka. Natutong gamitin ang mga alagang
hayop bilang sasakyan.
PANAHON NG METAL
A. Panahon ng Tanso- Tanso ang kauna-unahang uri ng metal na nakuha sa gilid ng Ilog
Tigris. Nilinang ng mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang gawa sa
tanso.

B. Panahon ng Bronse- Natutunang paghaluin ang ang tanso at lata upang makagawa ng
higit na matigas na bagay, ang bronse o pulang tanso. Ginamit ito sa paggawa ng armas,
tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

C. Panahon ng Bakal- natuklasan ng mga Hittite ang pagpapanday ng bakal. Inilihim nila ito.
Higit na napadali ang produksiyon ng tao dahil sa makinang gawa sa bakal.

Natutuhan KO!
1. A 3. C 5.B
2. C 4. A

FLAVIANO E. BARO, MT – I
Maria Clara Lobregat National High School

You might also like